Chapter Eight

11K 331 6
                                    

CHAPTER 8

PINAGMASDAN ni Nelson ang kanyang mga likha sa isang eksklusibong kwartong ng kanyang bahay. Isa siyang matagumpay na pintor, at marami ng naipanalong obra sa ilang mga exhibit na dinaluhan.

Nakasabit sa dingding ang ilan sa mga natatangi niyang obra, mga koleksiyon niya iyon na itinatangi. Obsession niyang matatawag ang pag kahilig sa ganoong tema ng pagpipinta. Nakahanap na siya ng bagong subject para makadagdag sa kagandahan ng silid . She was perfect for the theme, very innocent and enchanting. Tugma iyon dito.

Sa ikalawa na niya isasagawa ang kanyang plano. That would really make his masterpieces. Pag nagkataon ay iyon ang mga koleksiyon niyang ilalahok sa isang exhibit sa France.






HALOS hindi na makalabas si Ian sa kanyang silid, pilit inaanalisa ang gagawin, at nakapagdesisyon na siya. Para sa kanyang ama at sa mga ari-arian nito ay pakakasalan niya si Elise. Tinawagan na niya ang madrastang si Bernadette.

Bakit nga ba at siya ang gustong pakasalan ni Elise? Marami naman ibang lalaking mayaman at may sinabi kumpara sa kanya? But Bernadette said that Elise really liked him. Minsan na niyang nakilala ito sa isang marangyang party noon na host ng kompanyang ipinagmamaneho niya. Nagpakita ito ng interes sa kanya pero wala naman namagitan sa kanila pagkatapos niyon. Kung anumang rason nito ay hindi na iyon importante.

He will marry the woman, period!

Gusto niya muling magwala sa ideyang papakasalan ang babaeng hindi naman niya mahal pero ayaw ng niyang muling mag-isip at sobrang sakit na ng ulo niya.

Bumangon siya sa kanyang kama, naghubad at ibinalabal ang isang tuwalya sa kanyang bewang. Bumaba siya mula sa kanyang kwarto at pinagmasdan ang kabuoan ng naabutan sa sala. Nakakalat ang mga nangabasag na baso mula sa paglalasing niya ng nagdaang gabi, mga upos ng sigarilyo sa kanyang mesa.

Wala siyang kahit na sinumang sinabihan sa kanyang dinadamdam. Siya lang ang magdadala nun, pero maisipan palang niya ay hindi niya kaya. He would talk to Carlos now or Inna. Even if it breaks his heart.

Inabot niya ang cellphone sa isang mesa. May ilang tawag at text siyang hindi nasagot, naroon ang text ni Inna.

"Kuya nasaan ka?"

Agad naman siyang nag reply, nakita niyang bago pa iyon pumasok."Nasa Antipolo, Bella."

"Magkita tayo kuya, please..."

"Nasaaan ka ba?"

"Andito ako sa Cibo Grill,"

"Okay, I'll see you."

Her text sounded almost desperate, baka may kung ano itong problema. Saka na siya magliligpit. Tinungo niya ang banyo at sandaling naligo.

Mayamaya ay may kung anong kalampag siyang narinig sa kanyang gate. Wala siyang ina-asayang bisita ngayon. At walang nagsasadya sa bahay niya sa Antipolo Hills, maliban kay Carlos.

Lumabas siya mula sa verandah ng kanyang bahay sa ikalawang palapag at dumungaw mula roon. Hindi niya masyadong makita kung anong nasalabas pero may kung anong taong nakalupasay sa labas ng kanyang gate.

Nagmamadaling bumaba siya roon, ni hindi pa siya nakakapagbihis.

Ganun nalang ang panggilalas niya ng makilala ang babaeng nakalupasay doon. Jesus no!

"Bella, sweetheart! "aniyang mahinang niyugyog ang balikat nito.

Umungol ito. " Uhm..."

Nagmamadali niya itong binuhat. Surely, someone dropped her off, in front of his house. Pero sino?

"Uhmmm Ian... Kuya Ian... " nanghihina nitong sambit, nakapikit ang mga mata.

Nilapag niya ito sa isang mahabang sofa ng makapasok na sa kanyang pamamahay. She was wearing a thin sheet of white dress, almost a nightie. Napakarevealing ng damit nito. Halos lumuwa na ang mga dibdib nito sa harapan. Bigla siyang pinanuyuan ng lalamuan. He could almost feel her intoxicating breath. Pero nilabanan niya ang kung anumang pagnanasang pumaloob sa kanyang isip.

" This is me Inna, si Ian ito..." Pero tanging ungol parin ang sagot nito.

Namumutla ang balat nito. At ganun nalang ang panlulumo niya ng makita ang ilang mga paso ng sigarilyo sa may bahaging dibdib nito.

Oh God, I could kill the fucking bastard! Could they have touched her? Nginangatngat na siya ng matinding mapipibugho maisipan pa lamang iyon.

No! Not Inna. Not her.

Binistahan niya ang mga kamay nito pati sa may bandang hita nito, may mga maliliit iyong marka. Oh God. No! No!

Muli niyang- niyugyog ang mga balikat nito. "Tell me who did this, Inna? Tell me?!"

Hindi nga niya maatim na makita itong masugatan o kaya masaktan. Anong klasing hayop ba ang gumawa nito kay Inna?  His sweet and innocent Inna. Damn the fucking bastard, he would really kill him!

Masuyo niyang hinaplos ang mukha nito. Kailangan niyang madala ito sa ospital.

He was about to take her to his arms. Pero bago pa iyon mangyari ay may biglang sumulpot sa harap niya.

Iyon  ang tagpong inabutan ni Carlos.

Sandali itong nagitla, nagpalipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Inna at pagkatapos ay lumapit at dinamba siya sa mukha. Nawalan siya ng panimbang at natumba.

"Putang-ina ka pare, anong ginawa mo sa kapatid ko?" Nanlilisik sa galit ang mga mata nito.

Nakatitig ito sa kanyang ayos, at sa mga nakakalat niyang gamit sa sala, sa mga nangatumbang alak at mga upos ng sigarilyo.Oh Shit!

"Pare, kailangan nating dalhin sa ospital si Inna. I'll explain to you later. It's not what you think."

Nanggilalas ito ng mapansin ang mga maliliit na paso ng sigarilyo sa kapatid nito, napatingin sa katabing mesa na may ashtray at puno ng sigarilyo. Shit!

Parang hayop na nagliyab ang mga mata nito at dinaluhong siya. "Tang-ina! Pinagkatiwalaan kita! Tang-ina ka! Iyon pala ay ina-ahas mo na ang kapatid ko?!" Tila demonyo itong nagpakawala ng mga suntok at sipa.

Nagpagulong gulong sila sa sahig. Sinikap niyang sanggain ang mga suntok at sipa nito, pero hindi rin niya napaglabanan na hindi ito suntukin.

Nang mabigyan niya ito ng isang malakas na suntok sa mukha at siyang nagpatumba dito ay doon na siya nag salita. "Makinig ka pare! Hindi ako ang gumawa niyan kay Inna. Look at her? Do you wanna kill me, or watch her being killed?"

Galit na iniwan niya ang kaibigan sa sala at nagmamadaling nagbihis at lumabas ng kwarto. Nakatayo na si Carlos ng maabutan niya, buhat-buhat si Inna.

Nakamamatay na tinitigan siya nito. "Ito ang tatandaan mo, Sebastian, oras na makita ko pa ang pagmumukha mo, ay hindi ako magdadalawang isip na patayin ka. Magkalimutan na tayo." Iyon lang at nilisan na nito ang kanyang tahanan.

Nanlalatang napaupo siya sa isang sofa. Nakatitig sa kawalan. Who would do such a thing to his Bella?

Sana ay pinatay nalang siya, hindi niya kaya ang lahat ng ito.

"Bakit? Bakit?" Tira sira ulong nag-sasalita siyang mag-isa. Namamaos ang boses.

Una ay ang kanyang ama, tapos ay si Inna. Ano bang kasalanan niya sa Diyos? Pero hindi siya pinanganak na mahina. Kinaya niyang lampasan lahat ng mga naging pagsubok sa buhay niya sa mga nakalipas na taon. Hindi siya uurong.

Saka na niya aasikasuhin ang pagpapakasal kay Elise. Kung sinuman ang walang hiyang gumawa noon kay Inna, ay sisiguraduhin niyang mabubulok sa kulungan. Lintik lang ang walang ganti!

Lucas Sebastian Andretti (Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon