Germany
MASAYANG niyakap ni Sebastian ang matalik na kaibigang si Carlos. "Damn! You did great, pare, you have it! The FIA Eligibility license this season! Congratulations!"
"Thanks, man!" anitong gumanti ng yakap.
Pumapangatlo si Carlos ngayong series, na labis na ikinamangha ng spectators ng karera. Kung tutuusin ay mas mahusay ito kumpara noong nag uumpisa pa siya. Pero siyempre, siya ang nangungunang driver sa Formula sa alinmang category, pumapangalawa si Evo Benitti. Kahit na magkaibang manufacturer ng sasakyan ang minamaneho nila ni Carlos ay hindi iyon naka hadlang sa pagkakaibigan nila. Carlos was his bestfriend.
Kababa lang nila mula sa podium. Hindi na siya makapaghintay na umuwi ng Pilipinas. Napangiti siya ng maalala si Vienna. He deserves a mind blowing christening from her super model of a girlfriend.
Thanks to sweet Inna. He wondered what that kid has been doing lately. Na miss niyang kulit kulit in siya nito.
"Sebastian, darling, oh you were great!" malambing na hinalikan si Ian sa labi ng nobyang si Vienna. Kalalapag lang ng eroplano nila mula Germany.
He just hitched the championship again and just hitched the most beautiful woman in the whole damn world! Sobra pa siya sa tumama sa lotto. Just as he expected, but the feeling becomes so ordinary every time. Dahil siguro ay wala doon ang mga magulang para salubungin siya. Ang pinaka inaasam-asam niya sa kabila ng tinatamasang tagumpay.
Nakita niyang sinalubong rin ni Inna ang kuya nito. Mahigpit na nagyakap ang dalawa. Kasama nito ang mga magulang na masaya rin siyang binati.
Kumaway si Inna sa kanya. "Kuya Ian, congrats! Ang galing mo!"
"Aw Bella, iyan lang ba ang isasalubong mo sakin? Why won't you give me a bear hug? Nakalimutan mo yata."
Sandali itong nag atubiling napatingin kay Vienna, saka lumapit sa kanya at mahigpit siya nitong niyakap. "Sandali lang akong nawala pero mukhang tumaba kana yata?" Magiliw niyang ginulo ang buhok nito matapos itong yakapin.
Umusli ang nguso ni Inna. "Hindi ah, makapal lang ang suot ko no!"
Sandali niyang tiningnan ang suot nito. A loose hoodie jacket and a pair of denim pants na ma luwang din dito.
"Oo nga naman." Binulungan niya ito sa tenga. "May pasalubong ako sayo, ihahatid ko nalang bukas sa bahay niyo."
Nanlalaki lalo ang mga bilugang mata nito. "Oh, thank you kuya Ian!" Muli siya nitong niyakap.
"Welcome Bella. I'll see you tomorrow." Hinalikan niya ang tuktok nito bago ito pinakawalan.
"Okay kuya. Ingat kayo ni Ate Vienna." Nakangiting kumaway pa ito bago tumakbo pabalik sa Kuya nito.
Hindi niya mapigilang maaliw kay Inna. Matagal na niyang inasam na magkaroon ng kapatid na babae. She was one of the reasons kung bakit excited siya laging umuwi ng Pilipinas. Her smiles were so innocent and sweet as candy.
Binalingan niya si Vienna na nang-aakit siyang tinitingnan, tila alam na nito ang gagawin. Ano pa nga ba ang gagawin niya? Pagkatapos ng makapigil hiningang bilis sa loob ng race track ay ibang karera naman ang haharapin niya ngayon.
Nagpa-alam muna siya sa pamilya ni Carlos bago hinila si Vienna sa naghihintay nilang sasakyan.
KITANG- KITA ni Inna ang pag irap ni Vienna sa kanya.Kung tutuusin ay napakaganda nito.Bakit naman siya nito iirapan? Kinaibigan pa nga siya nito dahil kay Ian, lagi siya nitong tinatanong tungkol sa lalaki. Syempre, alam niyang mainit sa mata ng mga babae si Ian dahil hindi lang ito world champion, napaka gwapo rin nito, at napakabait pa. Alam niyang attracted na si Ian kay Vienna noon paman kaya madali narin ditong naging syota si Vienna. Ni wala ngang ligawang nangyari.