Chapter Seventeen

11.6K 347 8
                                    

CHAPTER 17

"ANONG ginawa mo sa kapatid kong hayop ka?! "

Pinigilan niyang muling sugurin si Carlos. Anong karapatan nitong tanungin iyon sa kanya? Was it only him?

"Wala akong kailangang ipaliwanag sayo Carlos. Nakita mo naman siguro ang naabutan mo. Huwag mong sabihing gusto mo pang idetalye ko sayo lahat?"

Lumapit ito at kwenilyuhan siya akmang susunggaban pero ibinaba rin nito ang kamao.

Hindi siya natinag sa kanyang kinatatayuan. Dahil kung susuntukin siya nito ulit ay hindi siya uurong. "Ba't hindi mo ituloy? You had been wanting to kill me for so long. Come on, ituloy mo na."

"Huwag mo ng sasagarin ang pasensiya ko Sebastian !" Ganting singhal nito sa kanya.

Pumalatak siya." Ah, puro ka naman dada Carlos."

"Isa pa Sebastian at baka kung saang kalye pulutin iyang mukha mo."

Payak siyang tumawa. "Magdahan dahan ka Carlos at nasa pamamahay kita. Baka manghiram ka ng mukha sa aso. Ikaw itong pumasok pasok sa pamamahay ko ng walang permiso. Hindi mo ba alam na tresspassing itong ginawa mo?" Inayos niya ang nagusot na damit

Hilaw itong tumawa. "We both know who owns this Estate Sebastian. Hindi ka naman siguro istupido?"

Naglakad siya papunta sa kusina at kumuha ng tuwalya, binasa iyon at ipinahid sa nagdurugong labi. "Anong kailangan mo Carlos? Dahil wala akong panahong makipag kwentuhan sayo ngayon."

"Anong ginawa mo sa kapatid ko, ha Sebastian? Hindi mo ba alam na ikakasal na ang kapatid ko? At ikaw, 'tang ina, may asawa kana!"

Nilapitan niya ito, nakipagsukatan ng nakamamatay na titig. "Wala kang karapatang husgahan ako Carlos dahil wala kang alam sa buhay ko!"

"Bakit hindi ba totoo?"

"Wala akong dapat na ipaliwanag sayo dahil noon paman ay hinusgahan mo na ako. But old wounds shouldn't be brought up kaya kung pwede lang ay umalis kana. Nakakaistorbo kana sa pamamahay ko."

May kung ano itong envelope na pinulot sa sahig. "Naparito ako para ibigay sayo to'." Inilapag nito iyon sa isang side table. "Ito ang tatandaan mo Sebastian, hindi pa tayo tapos at kung malaman kong ginagago mo ang kapatid ko ay sisiguraduhan kong hindi kana malalagay sa kulungan dahil deretso nitso ang pangalan mo."

Iyon lang at lumabas na ito.

Damn the bastard!

Sandali niyang tinitigan ang envelope na ipinatong ni Carlos. Anong klaseng bagay ang sasadyain ni Carlos sa kanya? Wala siyang ni anumang transaksiyon ginawa dito. Iyon ang isang bagay na pinakaiwas-iawasan niya, ang magkita silang dalawa.

Kinuha niya ang envelope at inilabas ang nakalagay doon. Isa-isang tinitigan niya ang mga larawan. Saka muli iyong isinilid sa envelope. Nagtiim ang kanyang mga bagang, nakuyom ang mga palad.

Damn that fucking bastard! Sisiguraduhin niyang sa nitso nga malalagay ang pangalan nito.

HINDI na hinintay pa ni Inna ang mag umaga, ngayon din ay aalis na siya roon. Bakit ba kasi siya umasa na parang loka-loka? Iyon tuloy ang inabot niya. Nakakababa pala ng respeto sa sarili at dignidad.

Nagmahal ka lang!

Nagmahal nga siya pero ano naman ang nakuha niya? Sa tingin niya'y may sa pusa na nga siguro ang buhay niya dahil ilang beses na siyang pinatay ng pag-ibig na inilaan niya para kay Ian. Bakit ba ganoon? Bakit ba hindi makuhang magmahal ng puso niya sa iba? Kung pwede nga lang tanggalin ang puso at palitan iyon ay matagal na siyang nagpa heart transplant pero kahit na gawin niya iyon ay alam niyang si Ian parin ang mamahalin niya. Ang saklap at ang hirap ng sitwasyon niya. Parang dam na nag uunahang tumulo ang kanyang mga luha. Parang isang delubyo ang dumating at winasak ang kanyang dangal, nagkapirapiraso. Nagmamadali na niyang isinilid ang mga gamit sa kanyang toat bag. Ayaw niyang maabutan pa siya ng kuya Carlos niya doon.

Lucas Sebastian Andretti (Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon