CHAPTER 9
MABIGAT ang ulo ni Inna ng magmulat ng mata. Bakit parang hindi pamilyar ang silid niya? Inilibot niya ang mga mata.
Umi-iyak na lumapit ang kanyang mommy. "Inna, anak mabuti't gising kana."
Sinikap niyang bumangon. Wala naman siyang kakaibang nararamdaman sa katawan, maliban sa kanyang ulo at ilang kirot sa ilang parte ng kanyang balat. Bakit umi-iyak ang mommy niya? Doon lang niya napagtantong nasa ospital siya.
What happened?
"Kamusta na ang pakiramdam mo anak?"
"Uhm medyo masakit po ang ulo ko ma," Binistahan niya ang kung anong mahapding iyon sa parte ng kanya dibdib at kamay, maging sa may bahaging hita niya at maselang parte ng kanyang pagkababae. Mayroon iyong mga maliliit na blisters.
Pilit niyang inalala ang nangyari pero wala siyang matandaan.
"What happened, mom?" nagtatakang tanong niya. Wala talaga siyang matandaan. Namataan niyang naka upo sa isang sulok ang kuya Carlos niya, namumugto ang mga mata at may ilang pasa sa mukha. Binalingan niya ito. "Kuya? Anong nangyari?"
Hindi ito nakatingin sa kanya. "Hindi mo ba naa-alala kung anong nangyari, anak?" anang kanyang ina.
Umiling siya, wala siyang natatandaan. Naiiyak na siya, hindi niya alam ang nangyayari. "Ma, ano bang nangyari, bakit ako narito sa ospital at may mga sugat?"
Humagulhol na ang kanyang ina. "Hindi ko rin alam, anak. Ang sabi ng kuya Carlos mo ay naabutan ka raw niyang ganyan sa bahay ng kuya Ian mo."
Pilit niyang inalala kung nagkita nga ba sila ni Ian kahapon pero ang huli niyang naa-alala ay nagkitakita silang magkakaibigan sa isang coffee shop. "Wala aklng natatandaang nagkita kami ni kuya Ian kahapon, mom?!"
"Wala kang maaalala dahil pina inom ng kung anong gamot!" sagot ng kuya Carlos niya sa galit na boses. "I'm gonna kill that bastard if I have too!"
"Paano niyo napatunayang si kuya Ian nga ang gumawa nito sakin? Hindi niya ito magagawa sakin ma, kuya? Bakit siya ang pinag-bibintangan niyo?" mangiyak-ngiyak na siya.
"Nagpapaimbestiga na kami ng kuya mo anak, dapat may managot sa nangyari sayo. Look at you sweetheart? Sinong matinong tao ang gagawa nito sayo?"
" Pero siya parin ang suspect niyo, tama ba?"
Tumingin ang mommy niya sa kuya Carlos niya. "Yes, Inna. May mga upos ng sigarilyong nakakalat sa bahay niya ng maabutan kayo ng kuya Carlos mo doon," mahina lamang ang pagbigkas ng mga salita ng mommy niya pero tila para iyong lason na nagpatuliro sa utak niya.
No! No way! Alam niyang naninigarilyo si Ian, pero hindi nito magagawa iyon sa kanya.
"No ma! No! Hindi ito magagawa ni kuya Ian. Why can you say such a thing to him? Pamilya na natin siya, kahit kailan ay hindi niya ako sinaktan. Maaaring iba ang gumawa nito?!" nag hihisterya na ang boses niya.
Hinagod naman ng kanyang mommy ang likod niya. Ang kuya Carlos niya ay tahimik lang na nakikinig, alam niyang nagtitimpi lang rin ito. "Huwag mong sabihing naniniwala karing si kuya Ian ang gumawa nito kuya?"
Hindi siya nito sinagot.
Muli niyang tiningnan ang kanyang mommy, hilam na ng luha ang mga mata. "May nangyari ba sa'kin, ma?"
Niyakap siya ng kanyang ina. "Hindi ko alam 'nak you have wounds sa maselang bahage ng pagkababae mo pero negative ang resulta ng semen test anak.. ."
Alam naman niya iyon dahil siya mismo ang nakaka-alam ng kanyang katawan. Walang gumalaw sa kanya. " Makukulong ba si kuya Ian, mom?"
Pinahid ng mommy niya ang kanyang luha. "Hindi ko yan masasabi anak, hindi pa naman kumpirmado na siya nga ang gumawa niyan sayo."
"No mom, huwag na kayong magsampa ng demanda sa kanya, kalimutan nalang natin to. Wala namang nangyari sakin. Sugat lang naman ito at gagaling din...please ma,"
"Pero anak..."
Umiling-iling siya. "No mom, gagawa lang tayo ng eskandalo pagnagkataon, nakakahiya po..."
Doon tumayo ang kanyang kuya, galit na galit na ito ng matingnan siya. "Bakit ba ayaw mong tanggapin na ginawa iyan sayo ng tarantadong iyon? No more of him Inna, ipakukulong ko ang lalaking iyon! Ang hayop hindi ko man lang natunugan!"
Ngayon lang niya nakitang ganoon nagalit ang kanyang kuya, pero hindi siya makakapayag na ipakulong si Ian. She will die. Kahit na ito pa ang gumawa nun sa kanya."Huwag kuya please, nagmamaka-awa ako sayo. Ayoko ko ng eskandalo..."
"No! Kung pwede nga lang na patayin ko na ang hayop na yun ay gagawin ko!"
"Yan ang huwag na huwag mong gagawin kuya! You try , God, I will never forgive you, I swear I will never forgive you!"
Malungkot ang mga mata nito ng muli niyang sulyapan. "Why so Christinna?"
"Nagmamaka-awa ako kuya please," aniya sa mahinang tinig, hirap-na hirap.
"Sana ay masaya ka sa desisyon mong iyan at sana ay hindi mo ito pagsisihan." Iyon lang at galit na ibinalibag ng kuya Carlos niya ang pinto palabas.
"Ma, please... nakikiusap akong huwag na po natin itong palakihin." Hindi mapatid ang pagtulo ng kanyang luha. Kakayanin niya ang dilubyong iyon huwag lang makulong si Ian. Si Ian na inalagaan niya sa kaibuturan ng kanyang puso mula musmos pa lamang siya. At naniniwala siyang hindi nito iyon magagawa.
Hindi sumagot ang kanyang ina, alam niyang tutol ito sa kanyang desisyon, pero paninindigan niya iyon. Alang-alang sa pag-ibig niya kay Ian.
Ilang sandali pa ay iniwan narin siya ng kanyang ina. Ibinilin nitong uuwi muna at ang yaya Coring niya muna ang magbabantay sa kanya. Alam niyang sobra itong nasaktan sa kanyang sinabi.
Kinuha niya ang cellphone at binasa ang mga text doon ng nagdaang araw.
Nabasa niya iyong isang text na nasend niya kay Ian.
Magkita tayo kuya, please? Ganoon ba siya kung magtext kay Ian? Bakit wala siyang ma-alala? Binasa niya ang buong conversation.
Nanlumo siya ng mapagtantong totoo ang binangggit ng mommy niya. Siguradong si Ian nga ang huli niyang kasama kahapon. Pero bakit nito iyon gagawin sa kanya? Pero hindi siya naniniwalang ma gagawa sa kanya iyon ni Ian. Hindi totoo ang binibintang ng kuya niya dito.
Madalian niyang binura lahat ng text conversation nila, para walang maiwang ebidensiya.