Chapter Twelve

11.1K 349 6
                                    

CHAPTER 12

INNA vowed gracefully after her piece. She was fully aware of one man's presence that almost made her press a wrong chord. Halos lumabas na ang kanyang puso pagkakita kay Ian, pero pinanatili niyang kalmado at perpekto ang mga galaw.

Nagpalakpakan ang mga taong nakatingala sa kanya. Hindi niya gustong tumugtog pero pinilit siya ng makulit na si Channing. Nakita pa tuloy niya ang taong pinaka-iwas iwasan niyang makita. His knowing eyes bared nothing. Walang emosyon.

Nginitian niya ang mga taong nakatunghay sa kanya saka siya naglakad pababa ng stage at nagkubli sa likod. Bakit ganoon ang pakiramdam niya? Kasama ni Ian ang magandang asawa nito sa Italya na isang kontesa. Nakaabresete ang kamay ng asawa nito sa braso. Napakakagandang pagmasdan ng dalawa at makikitang mukhang maayos ang naging pagsasama ng mga ito sa nakalipas na mga taon . Unang beses niyang nakita ang dalawa at hindi niya mapigilan ang panlulumo. Pakiramdam niya ay parang lumabas ang ispiritu niya sa kanyang katawan. Nanghihina siya.

Bakit parang may kung anong kirot na kumudlit sa kanyang puso sa nakita? For God's sake she was about to get married! Hindi pwedeng maapektuhan ni Ian ang damdamin niya ng ganoon. What happened between them was all in the past. Sigurado siyang burado na siya sa memorya nito.

Pero ikaw ay hindi!

Ilang taon niyang ipinagluksa ang pag-ibig para dito. Masokista nga siguro siya dahil kahit alam niyang may asawa na ito ay panaka naka parin siyang nakatutok sa telebisyon, nagbabakasakali. Pero kalaunan ay napagod narin siya, at itinutok ang atensiyon sa kanyang pag-aaral.

Pero bakit ngayon? For God's sake! She had this in mind. Alam niyang magkru-krus din ang landas nila pero hindi niya ina-asahang ganoon parin ang epekto nito sa kanya. Pakiramdam niya ay lalabas na ang puso niya sa kanyang dibdib sa lakas ng tibok kanina . She ached when she looked at him from the stage. Ang tiningin nitong buong panlalambot siyang tinintingnan dati pero ngayon ay napakalamig na.

Napabuntong hininga siya. Ano nalang ang sasabihin ni Earl sa kanya? Napaka traidor niya. Bakit pa kasi siya pumunta doon?

"Inna, Inna, my dear Inna why are you hiding here? A lot of people wants to see you out there."

Napakibot siya sa pagkabigla ." Nakakagulat ka naman!" It was her bestfriend Channing.

"Mukha ka namang nakakita ng multo. Halika sumama ka sa'kin dahil gusto ka nilang makilala."

"Ah eh, Chan medyo sumakit yata ang ulo ko," hinawakan pa niya ang sentido para mapaniwala ito.

Umikot ang mga mata nito, mukhang hindi kumbinsido. "Bakit ba biglang sumakit ang ulo mo? Eh ang lively lively mo nga kanina." Could Channing possibly know that it was Ian? Hindi naman nito alam ang totoong damdamin niya sa lalaki noon. Siya at ang yaya niya lang ang may alam.

"Ah eh Chan, masakit talaga eh, magpapahinga lang muna ako sandali."

"Sigurado ka? Baka gusto mong dalhin kita sa ospital?"

Siya naman ang nagpaikot ng mga mata. " Masakit lang ang ulo ko, hindi pa naman ako e a-admit."

Tumawa ito. "Well girl, sige diyan kana, total ay engage ka naman. Hahanapin ko lang ang baby ko, baka makatakas na naman iyon sa paningin ko."

Umiling-iling siya. Kung anong tahimik niya ay iyon naman ang daldal ni Channing. Magkaibang magkaiba rin ang ugali nito at ng ate nitong si Vienna.

She closed her eyes pero ang mga imahe ng nakaraan na naman ang umentra sa isip niya. Nung unang beses niya na nakita si Ian. Nung nagdalaga na siya at nandoon parin ito. Nung naramdaman niyang nagkagusto na siya dito. Kung paanong naging tulay siya ni Ian at Vienna noon. Why was she thinking about Ian? Matagal na silang nagkalimutan nito.

Lucas Sebastian Andretti (Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon