Gustuhin man niyang magtaka ay pinigil na niya ang sarili nang sa makalabas ng kanto ay may huminto na lang na isang kotse sa kanilang harapan, iyon siguro ang tinawagan nito.
Mukhang mamahalin din ang kotse at kaagad na umibis ang driver niyon at nagbigay-galang kay Jidee.
“Sakay na.”anito sa kanya.
“Ihahatid mo nga ako?” naniniyak na tanong niya. “Sa DGLalaland pa ako umuuwi.”
“Kahit sa Barangay na Di-Matagpuan ka pa nakatira.” anito at kulang na lang ay itulak siya nito sa pagsakay.
Sinamaan niya ito ng tingin saka siya padabog na pumasok sa loob ng sasakyan.
“Malayo ang DGLalaland.” wika niya nang magsimula nang umusad ang sasakyan.
“Sabihin mo kung saan doon. Kayang-kaya iyong hanapin ni Bert.”
Inirapan niya muna ito saka niya binalingan ang driver sabay sinabi niya dito ang kompletong address niya. At dahil hindi na kumibo si Jidee ay isinandig na lamang ni Sandy ang kanyang ulo sa backrest at pumikit.

BINABASA MO ANG
Ikaw Na Nga Ang Pag-ibig
Любовные романыNadamay si Sandy sa isang pangyayaring hindi nya inaasahan- kasama siyang nakidnap ng guwapo at mayamang sought-after bachelor na si Jidee Kwon. Nabighani siya rito kung kaya't hindi niya masisisi ang sarili nang angkinin siya nito kahit nasa peligr...