CHAPTER NINE

167 5 0
                                    

“Kumusta ang birthday?” tanong ni Yusuk kay Sandy nang pagbuksan siya nito ng gate.

“Okay lang. Hindi dumating si Chris,” matabang na sabi niya. “As usual, may trabaho raw.”

Magsisimula na sana siyang magkuwento nang mapahinto siya.

“Yusuk, hindi mo ba hahanapin sa akin ang kotse na ginamit ko?”

Pinong ngiti ang sumilay sa yayat na mga labi nito.

“Nakita kong may naghatid sa'yo. Hahayaan muna kitang magkuwento.”

Naupo sila sa terasa. Pinatunog nito ang hawak na bell at mayamaya lang ay dinalhan na sila ng kape ng katulong.

Pitong taon na siyang nakatira kah Yusuk. Isang guest room sa malaking bahay nito ang pinagagamit sa kanya. Mag-bestfriend ang lolo niya at si Yusuk. Ngunit ayaw magpatawag ng huli na “lolo” dahil lalo raw itong tumatanda.

Ito ang kumalinga sa kanilang maglolo matapos silang mapalayas sa bahay na naremata ng bangko. Nang mamatay ang lolo niya ay hindi ito pumayag na magsarili siya. Kinupkop siya nitong parang anak sapagkaʼt biyudo na ito at ang kaisa-isang anak ay nasa America na namimirmihan.

Ang “upa” niya sa bahay ay ang buwanang grocery. Siya ang nag-atang niyon sa sarili at hindi rin naman sana gusto iyon ni Yusuk ngunit pinilit niya na makatulong dito sa kahit na ganoon man lang na paraan, tutal ay nagsisimula na siyang kumita.

Masaya siya sa piling nito kaysa sa kinagisnang ama na nasa

“Hindi pa tapos ang problema mo, Sandy.”

Napailing si Yusuk matapos niyang sabihin ang naging kapalaran ng kotseng ipinahiram sa kanya.

“May insurance 'yon—”

“Wala. Nagipit ako nitong huli at hindi ko iyon ipina-insure. Tutal 'kakoʼy bihira namang gamitin.” anito.

“My God!” usal niya at napatayo. “Maliligo lang ako. Luluwas ako uli.”

“Iyong isang sasakyan na lang diyan ang gamitin mo, kung gusto mo.”

“Huwag na, Yusuk. Hindi ko na gusto humawak ng manibela.” aniya sa tonong waring nagkaroon ng panibagong phobia.

“Ikaw ang bahala. Basta't tandaan mo, isang Multi-millionaire ang nakabangga mo.” paalala nito sa kanya.

“Huwag mo ng ipaalala, Yusuk!” sigaw niya saka tuluyang umakyat papunta sa kanyang kwarto.

Napailing-iling nalang si Yusuk sa kanyang tinuran at saka itinuloy ang pag-inom ng kape.

Ikaw Na Nga Ang Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon