CHAPTER SIXTEEN

158 3 0
                                    

Natural ang paglaganap ng dilim at hindi naman yata sila maaaring magsindi ng kandila. Walang maayos na dadaanan ang usok at malamang na noon pa lang sila magsisimulang ma-suffocate ni Jidee.

Anyong tatalikod na siya nang mamataan ang dalawa sa mga kidnappers na nakasalampak sa inilatag na sako malapit sa pinagkukulungan nila. Naglalaro ng baraha at pandalas ang sulyap sa kinaroroonan nila ang mga ito.

“Ano ka ba?” inis na sabi ng isang lalaking nakasumbrero. “Huwag ka nang tingin nang tingin diyan at imposible namang makatakas 'yan. Tingnan mo 'yang baraha mo, kaya hindi ka manalo, eh.”

“Dinadaya mo ako, eh.” akusa naman ng isa at tumuon na nga ang pansin nito sa hawak na baraha.

Tumalikod siya at bumaling kay Jidee.

“Alas tres na.” aniya sa tonong tila minuto na lamang at kakalat na ang dilim.

“Tiyak na malayo itong pinagdalhan sa atin,” sabi nito. “Mag-a-ala-una na nang dalhin tayo rito at nang nagkamalay ako. Ibig sabihin ay halos apat na oras ang itinagal ng ating byahe.”

“Dalawa lang ang bantay sa labas. Nasaan iyong iba? Hindi ka ba nila kinausap?” tanong niya.

“Ang kakausapin nila ay ang taong hihingan nila ng ransom at maaaring nasa labas lang ang ibang mga kumidnap sa atin.”

“Imposibleng makatakas tayo rito!” bulalas niya. “Bakit hindi na lang tayo pinatay?”

“Don’t say that!” pagalit na sabi nito.

“Bakit ka nila kinidnap?”

“Iniisip ko rin iyan mula pa kanina. Siguro ay mga kalaban ko sa negosyo o 'di kaya ay 'yong mga taong hindi napagbigyan ng malalaking loan. Pwede ring 'yong mga taong naremata ng aming bangko ang kanilang mga ari-arian.”

Napangiwi siya sa huling tinuran nito.

“Marami ka palang kaaway?”

*Hindi na nakakapagtaka 'yon!* isip niya.

“Hindi nawawalan ng kaaway ang isang tao. Iyon nga lang, minsan ay hindi ka aware na may kaaway ka pala.”

“Magkano ang hihingin nila para pakawalan ka?”

“Hindi ko alam, Sandy.”

“Ano na nga iyong sinasabi mo kanina?” tanong niya.

“Ihanda mo ang sarili mo na magtiis nang matagal dito. Hindi madaling makaka-raise ng pera ang kokontakin nila.”

“Huh? Paano mo nasabi? Hindi ba mayaman ka?”

Tumango ito. Walang halo ng kayabangan kundi kompirmasyon lamang sa tanong niya.

“Ang ibang mayayaman, hindi itinatago ang pera sa isang lalagyan. Kasali ako sa mga ibang iyon. Nasa ibang bansa ang pera ko.”

“Eh, ang pera sa bangko?”

“Sa kompanya iyon. Hindi iyon basta-basta nailalabas dahil sa pansariling interes lang.”

“Pero ang alam ko ay ikaw ang Presidente. At hindi biro ang nangyayari sa'yo ngayon.”

“Still, matagal ang proseso ng paglalabas ng pera. Magdedesisyon pa muna ang board.”

“Ano? Pag-uusapan muna nila kung maglalabas ba sila ng pera o hindi? Pambihira! Ganun ba talaga kayong mayayaman, mas mahalaga pa ang pera kaysa sa mga buhay niyo?” hindi makapaniwalang tanong ni Sandy.

“Just like what I've said, hindi basta-basta naglalabas ng pera ang kompanya even if it's a matter of life and death.”

*Parang kanina lang ah na sinabi ko yun sa receptionist* sabi niya sa kanyang sarili.

“Ang pamilya mo? Hindi ba sila maglalabas ng pera para kaagad kang mabawi?”

“Paano nila kokontakin ang nasa gitna ng laot? Ang mama ko na lang ang pamilya ko. I granted her a grand vacation. A six-week cruise in the Caribbean. Ako lang ang nakakaalam kung paano makakausap ang mama ko. At ako lang din naman ang nakakaalam na nagbabakasyon siya.”

Bumalik siya sa mesa at doon naupo. Palda lang ang suot niya kaya gusto man niyang gayahin ang pagsalampak nito sa lapag ay hindi niya magawa.

Sinapinan naman nito ang inuupuan. Naisip niya kung gaano kamahal ang naturang sapin. Iyon ang katernong jacket ng suit nito. Signature labeled at nagin sapin na lamang ang silbi.

“The building was tightly secured,” anito mayamaya. “Iniisip ko kung paano sila nakalusot sa basement. Alam din siguro nila ang private elevator ko. At siguro ay paakyat na sila roon kung hindi tayo ang mismong napalapit sa kanila.

*Kung hindi mo kasi ako hinila-hila edi sana wala tayo sa sitwasyon nato!* gusto sana niyang isumbat dito pero pinigil niya ang sarili.

Tahimik lang siyang nakatingin dito habang nakikinig. Seryoso ang anyo nito at inaanalisa nito ang mga nagdaang pangyayari.

“At may monitor ang lahat ng entrance at exit points. Imposibleng walang nakakita sa kanila.” At bigla ay pumitik na lamang ito sa ere. “This is an inside job, Sandy.” Puno ng kombiksiyon ang tono nito.

“Kung ganoon man, may naisip ka na rin ba kung sino ang nagpa-kidnap sa'yo?”

Umiling ito.

“Wala pa sa ngayon. Pero 'pag nakawala tayo rito at nalaman ko, hindi puwedeng hindi siya magbabayad sa batas.” pagbabanta nito.

“Sana makawala na tayo rito.” aniya.

“I trust Bomera. Inaasahan kong siya ang gagawa ng paraan para mapabilis ang pagre-raise ng ransom money. Tiyak na siya rin ang kokontakin ng mga kidnappers.”

“S-sino si Bomera?”

“Si Mrs. Lee.”

“Pero hindi baʼt secretary—”

“She is. Ang secretary ang little boss, if you don't happen to know. Sa kanya babagsak ang tawag ng mga kidnappers at hindi sa mahigit na sampung miyembro ng board.”

“Sa palagay mo, hindi pa siya kinontak ng mga kidnappers?”

“Ang naghahangad ng pera, hindi mag-aaksaya ng panahon.” pakli nito.

Ikaw Na Nga Ang Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon