CHAPTER THIRTY-ONE

133 4 0
                                    

“Wala ka ba talagang cash?” tanong ni Sandy kay Jidee nang nasa harap na sila ng tubusan ng ticket.

Isinusuhol nito sa kahera ang hinubad na singsing kapalit ng ticket nila sa bus at paggamit ng telepono.

“Wala.” tipid na sagot nito at binalingan uli ang kahera.

May kislap sa mga mata ng kahera nang hawakan ang singsing ni Jidee. Ilang beses na pinagpalit-palit nito ang tingin kay Jidee at sa singsing. Tunay na ginto iyon at natatamnan ng ilang di-kalakihang mga brilyante.

Luminga muna sa paligid ang kahera bago dumukwang para ilapit ang mukha sa butas ng glass.

“Umikot ho kayo. Nasa likod ang pinto.”

Magkasama silang pumasok sa booth. Dinampot ni Jidee ang telepono at mabilis na nag-dial. Napakaraming instructions ang narinig niyang tinuran nito. Inabot marahil nang sampung minuto ang pakikipag-usap nito kay Bomera.

Nakamasid din sa kanila ang kahera. Alanganin ang oras at waring wala namang sasakay ng bus maliban sa kanilang dalawa. Iilan lang din ang pasaherong nakasakay sa bus na nakatakda nilang sakyan.

Nang ibaba ni Jidee ang telepono ay hiningi na nito ang ticket nilang dalawa.

Inabot iyon ng kahera at sa buonh pagtataka nilang dalawa, kasali doon ang singsing.

“Mahal ho 'yan. Tulong ko na lang sa inyo ang ticket.” mahinang sabi nito.

Tinitigan ito ni Jidee. Tila inaarok ang narinig.  Pagkuwan ay kinuha rin ang singsing.

“Ibigay mo sa akin ang pangalan at address mo. Ipadadala ko sa'yo ang ipang-aabono mo sa ticket at sa bill nitong telepono.”

Isinulat naman iyon ng kahera sa kapirasong papel. At bago nila lisanin ang booth ay ibinigay naman ni Jidee dito ang sariling pangalan at opisina.

“If you need my help, puntahan mo ako sa opisinang 'yan.” anito.

Sumakay na sila ng bus. Kakaunti ang pasahero ngunit ayon sa dispatcher ay paalis na rin iyon. Sa bandang likod sila naupo.

Halos sabay pa sila nang ilapat ang likod sa sandalan. Alam niyang pareho silang pagot at gutom ngunit walang nakakaisip sa kanila ng pagkain. Una ay wala silang pera. At pangalawa ay mas okupado ang isip nila na makabalik na agad sa MotteinManila.

Tahimik lang na nag-usap ang mga mata nila nang sa wakas ay umandar na ang bus.

Habang nasa biyahe ay pareho silang napapikit na anyong matutulog. Mainit at maalikabok ang loob ng bus dahil hindi naman iyon air-conditioned. Anhin na lamang nila ay makalipad ang bus at makauwi na silang pareho.

Ikaw Na Nga Ang Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon