CHAPTER THIRTEEN

149 4 0
                                    

Pareho silang nagulat nang bigla na lamang nilang naramdamang hindi nila solo ang lugar na iyon.

Parang isang pitik lamang ng mga daliri na may pumaligid sa kanilang mga lalaking pawang nakatakip ang mga mukha.

Sa tantiya niya ay limang kalalakihan iyon at pawang armado ng mahahabang baril.

Napuno ng takot ang pakiramdam niya. Nang bumaling siya kay Jidee ay waring ganoon din ito ngunit na sa anyo pa rin nito na buo ang loob.

"Anoʼng kailangan nʼyo?" tanong nito sa mga nakapaligid sa kanila.

Bagamaʼt panibagong nerbyos ang sumalakay sa kanyang dibdib ay hindi nakaligtas sa kanya ang mga bisig nito na tila pumoprotektang nakayakap sa kanya.

Tumawa ang isang lalaki na marahil ay pinakalider ng mga ito bago humakbang palapit sa kanila.

"Mahusay ka magtanong, Kwon. Sasagutin ko. Ikaw ang kailangan namin." at mabilis nang bumaling sa mga kasama. "Hala, ano pa ang hinihintay nʼyo!"

Sa labis na pagkatigagal ay walang lumabas ni katiting na tinig mula sa bibig ni Sandy nang tangkain niyang ibuka iyon.

Nasaktan siya ng haltakin siya ng isang lalaki palayo kay Jidee ngunit wala siyang nagawa.

Mabilis na pumarada ang sa tapat nila ang isang itim na van na bukas na agad ang pinto. Patulak na isinakay roon si Jidee at tinutukan ng baril sa leeg.

Awang ang kanyang mga labi na napasiksik siya sa pader. Nanlalaki ang mga mata niyang nakamasid lang mula roon at hindi yata makuhang kumurap ng mga iyon.

"Mga tonto! Iyong babae, hʼwag niyong iwan!" narinig niyang sigaw ng isa sa mga iyon.

Maymaya ay binalingan siya ng tatlong kalalakihan. At sa sobrang pagkasindak niya, nakuha siyang ipasok sa van ng mga ito na tila isang robot.

Humagibis ng takbo ang van. Nakita niyang nakalugmok na sa isang sulok ng van si Jidee at walang malay. Muli ay bumukas ang kanyang mga labi.

Ngunit bago pa niya namalayan kung may tinig na lalabas sa kanyang lalamunan ay isang panyo na ang tumakip sa ilong niya at unti-unti siyang nawalan ng ulirat.

Ikaw Na Nga Ang Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon