Walang araw na pinalagpas si Chris na hindi nito tinatawagan si Sandy. Alam ni Sandy na nasa mga kilos nito amg pagsisikap na bumawi sa mga naging pagkukulang nito. May mga pagkakataong natatangay na rin siya, subalit mas madalas ang pagkakataong inaatake siya ng guilt.
Mahigit isang buwan na si Chris sa Kwangpoo. Isang linggo na lamang at babalik na ito at panay ang pangugulit nito sa kanya na dapat na rin siyang maghanda.
Alam niya ang ibig sabihin nito. Hindi iilang beses na nagpahiwatig ito ng tungkol sa kasal. At sa tuwing magagawi roon ang usapan nila ay natitigilan siya.
May pakiramdam siyang hindi pa siya handang pasukin ang bagay na iyon.
Madalas na sumasalit sa isip niya si Jidee. Hindi namimili ng oras at kahit sa panaginip niya ay nakikita niya ito. At sa mga oras ng gabing nangungulila siya kay Jidee, tinititigan niya ang mukha nitong matagumpay niyang naipinta.
Ito ba ang dahilan kung bakit hindi pa siyang handang magpakasal kay Chris? Dahil tuluyan na siyang umibig kay Jidee?
Isang buntunghininga ang pinakawalan niya. Unfair para kay Chris na paasahin pa ito gayong si Jidee ang matimbang sa puso niya. Nagdesisyon siyang kakausapin si Chris pagdating nito. Hindi na niya dapat ipagpatuloy pa ang pakikipagrelasyon dito.
BINABASA MO ANG
Ikaw Na Nga Ang Pag-ibig
RomansaNadamay si Sandy sa isang pangyayaring hindi nya inaasahan- kasama siyang nakidnap ng guwapo at mayamang sought-after bachelor na si Jidee Kwon. Nabighani siya rito kung kaya't hindi niya masisisi ang sarili nang angkinin siya nito kahit nasa peligr...