CHAPTER TEN

162 5 0
                                    

Kulang na lang ay hilingin ni Sandy sa driver ng DGLalaland Bus na paliparin iyon para makarating na sa MotteinManila. Alam na niya kung saan ang opisina ni Jidee Kwon.

Ang isang taong kagaya nito ay hindi mahirap ipagtanong ang opisina. Lalo pa at ang pinagtanungan niya ay si Nadia na updated sa lahat ng bagay.

“This is important, Miss. A matter of life and death.” aniya sa receptionist nang marating ang opisina ni Jidee.

Nagpapasensiya ang ngiting isinukli nito sa kanya.

“Wala ang pangalan nʼyo sa listahan na ibinigay sa akin ng secretary ni Sir Kwon, Miss. Park”

Napahinga siya ng malalim.

“Ipinaliwanag ko na 'yan kanina, Miss.”

“Sorry” anito sa malamig na tinig.
Nasa tono nito ang pagtataboy sa kanya subalit hindi siya tuminag sa kinatatayuan.

*Patience Sandy, patience.*  sabi niya sa kanyang utak.

“Miss, kaninang alas-kuwatro ng madaling araw, pumayag si Jidee na tatawagan ko ang secretary niya pero nagpunta na ako rito para makipag-usap sa kanya ng personal.” mahinhin pero may pagtitimpi na sabi niya.

Tinignan lang siya nito na para bang gagawa siya ng isang himala.

*Kapag ikaw hindi ko makiusapan ng maayos, talagang kakalbuhin ko yang kilay mong hindi pantay!*  naiinis na sabi niya sa kanyang isipan.

Mayamaya pa ay dinampot na nito ang telepono.

Hindi niya gusto ang mga tinging ipinupukol sa kanya ng mga nasa paligid. Disenteng-disente ang gayak niya. Corporate dress na kulay blue with silver heels ang suot niya. Sinadya niyang ganoon ang gawing bihis upang hindi siya muling mapagkamalan nang masama.

Ngunit dahil sa salitang binitawan niya ay tila hindi siya nagtagumpay sa imaheng nais sana niyang i-project. Ngunit wala rin siyang pagpipilian. Kailangang makausap niya ang secretary ni Jidee, kung hindi man ay ito mismo ang makakaalam na wala namang insurance na sasagot sa nangyaring insidente. Kaya bago pa malaman ni Jidee Kwon ang katotohanan ay uunahan na niya ito, ika nga: The earlier the better!

Iginala pa niya ang paningin sa paligid habang naghihintay. Main office iyon ng bangkong pag-aari ng pamilya ni Jidee Kwon. At bagamaʼt naaasiwa pa rin siya sapagkaʼt bangko iyon ay ipinagpasalamat niyang kakaiba ang lobby ng mismong opisina kaysa sa bahagi na mismong tanggapan ng mga bank clients.

Kung nagkataon, counter pa lamang siguro ng mga teller ang natatanaw niya ay malamang na pagpawisan na siya nang malamig o di kaya ay kumaripas na siya ng takbo pauwi.

“Mrs. Lee will see you,” pormal na sabi sa kanya ng receptionist. “Twenty-eighth floor.”

Bahagya lang niya itong tinanguan at nagpasalamat dito.

Pagdating niya sa nasabing palapag ay puro glass panel ang tumambad sa kanya. May security guard sa entrance door at hinarang pa siya.

Pinigil niya ang iritasyon nang magpakilala. Napakahigpit ng security at nasasakal siya.

“Nasa meeting pa si Mr. Kwon, hindi siya pwedeng abalahin.” sabi sa kanya ng may-edad nang sekretarya ni Jidee.

“Pwedeng gumawa ako ng kahit kapirasong sulat at pakiabot na lang sa kanya?” aniya.

Hindi na siya naghintay sa itutugon at magiging ekspresyon nito bagkus ay mabilis na siyang sumulat sa isang papel.

Nang matapos ay itinupi niya iyon nang ilang beses hanggang sa lumiit na nang husto at inabot dito.

Kahit na hindi kumibo ay ipinagpasalamat niyang tumayo naman ito at tinungo ang nakapinid na pinto. Nakaulinig siya ng mga tinig mula roon.

Mayamaya nga ay kasabay na nitong lumabas mula sa pinto si Jidee.

He was wearing a formal business suit. Medyo nanlalalim ang mga mata at kagaya niya marahil na kulang sa tulog dahil sa nangyari.

Ngunit waring hindi man lang nabawasan ang matikas na anyo nito. Taglay pa rin ang awtoridad sa bawat kilos nito at maging man ang kakisigan nito.

Tila perpekto itong modelo na nais niyang ipinta. Sa mga sandaling iyon ay hindi niya maipaliwanag ang nararamdamang dikta ng kanyang damdamin. Parang gusto niyang umuwi at humarap sa canvass. Buo rin ang tiwala niya sa sariling kaya niyang ipinta ang kabuuan ni Jidee mula sa kanyang imahinasyon.

Ngunit agad din niya iyong pinalis sa kanyang isip. Mag-iisang taon na marahil nang huli siyang humarap sa canvass nang seryoso.

Wala siyang oras para sa pagpinta. Inisip niyang isang desperasyon lamang marahil ang dahilan kung kayaʼt iniisip niyang nakahahalinang ipinta ang anyo ni Jidee.

“Follow me.” utos nito sa kanya.

Walang kibo siyang sumunod dito.

Ikaw Na Nga Ang Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon