“Hoy, ikaw! Kunin mo nga 'yong alak sa sasakyan at nang makainom! Lintek! Mabubulok na yata tayong pare-pareho sa lugar na ito!” singhal ng pinakalider ng mga kidnappers.
“Buti pa nga, inuman na lang tayo!” natutuwang ayon naman nʼong isang naka sumbrero.
“Gunggong!” sigaw uli ng lider. “Bakit naririto ka? Doon ka sa dalawa. Bantayan mo ang mga 'yon at baka makatakas!”
“Boss naman,” kakamu-kamot sa ulong sabi nito. “Natatanaw naman natin, paano 'yon makakatakas? At saka nakakadena pa ang pinto.”
“Basta doon ka!” pasigaw na mando ng lider.
“Lugi naman ako. Kayo lang ang iinom.” tila masama pa ang loob na tumalikod na ito at bumalik sa kinaroonan nila Sandy at Jidee.
Lumayo na sa mga butas si Jidee. Naging malikot ang mga mata niya sa buong paligid ng pinagkukulungan sa kanila.
“Paano tayo makakatakas dito?” pabulong na sabi ni Sandy.
Napatigil siya sa bahagi ng dingding na yari sa yero. Naroroon ang isang malaking butas. Iyon ang bahaging pinanggalingan ng aircon. Mahirap iyong abutin ngunit kung may tutuntungan ay hindi na ganoon kahirap.
Pinagtulungan nilang buhatin ang isang mesa at doon sumampa si Jidee. Hinawakan niya ang nakatapal sa butas. Yero na nakahinang sa mga gilid. Ilang beses niyang sinubukang itulak iyon ngunit hindi iyon natinag.
“Anoʼng gagawin natin?” tanong uli ni Sandy na nakatingala kay Jidee.
“Dito lang tayo pwedeng dumaan,” aniya at bumaba na sa tutuntungan. “Maghintay lang tayo ng tiyempo.”
“Anong tiyempo?” kunot-noong tanong ni Sandy.
“Basta.” Muling sumilip si Jidee sa butas at hinanap ang nagbabantay sa kanila. Napatango siya nang makitang palabas na naman ito ng bodega.
“Boss, peʼnge naman ako,” malakas na sabi nito at iminuwestra ng kamay ang pagtungga ng alak.
“Tado ka! O, susi!” Initsa rito ng lider ang susi. “Kumuha ka roon sa trunk ng kotse.”
Matagal pa siyang nagmasid. Nagkakatuwaan na ang mga kidnappers na nasa labas ng bodega. Tinatawanan ang mga walang kuwentang usapan. Mayamaya ay bumalik na rin ang lalaking kumuha ng alak.
“Boss, wala bang pulutan?”
“Ungas! Bumalik ka na roon sa binabantayan mo!” pagtataboy nito sa naka nakatalaga na magbabantay sa kanila.
Sumunod naman ito at habang humahakbang ay tinutungga na ang hawak na alak.
“Ano nang gagawin natin?” Kalabit ni Sandy sa kay Jidee.
Alam niyang naiinip na ito sa kanyang magiging plano.
“Let's wait.” aniya.
Sa bubong ay mabibilis ang mga yabag ng pusa, mayamaya ay tumigil iyon. Nagkatinginan sila nito, saka siya muling bumaling ng pagsilip sa labas.
Naubos na ng nag-iisang bantay ang alak nito. Initsa nito ang basyong bote at lumapit ulit sa mga kasamahan.
“Kaya mo bang sindihan iyon?” mayamaya ay tanong niya kay Sandy, sabay turo sa kalan na nasa sulok.
Tumango ito.
“Pero sumasabog ang ganyang kalan. Baka sumabog lang din 'yan.”
“Hindi sasabog 'yan. Sinindihan ko na 'ya, 'di ba?” Sumampa siya sa tinutuntungan at kinuha ang kusinilya. “Sige na, sindihan mo na, 'tapos ay iabot mo sa akin.”
![](https://img.wattpad.com/cover/188022698-288-k149922.jpg)
BINABASA MO ANG
Ikaw Na Nga Ang Pag-ibig
RomanceNadamay si Sandy sa isang pangyayaring hindi nya inaasahan- kasama siyang nakidnap ng guwapo at mayamang sought-after bachelor na si Jidee Kwon. Nabighani siya rito kung kaya't hindi niya masisisi ang sarili nang angkinin siya nito kahit nasa peligr...