“B-bakit?” tanong pa rin niya.
Nagbago ang ekspresyon nito. His face softened at tila umapaw ang damdamin sa mga mata nito.
“I love you, that's why. Marry me, Sandy.”
Napangiti siya. She was hearing what was exactly on her mind.
“Akala ko baʼy wala kang balak magpakasal? Hindi baʼt sinabi mong—”
“I take it back. I've got you under my skin. Kahit na anoʼng ginagawa ko, sumisiksik ang mukha mo sa isip ko. I simply couldn't forget you.”
“At pag-ibig na ang tawag mo roon?”
“Hindi siguro sa pananaw mo, pero nakakatiyak akong pag-ibig ang kahulugan niyon. Marry me at patutunayan ko sa'yo na pag-ibig nga ang nararamdaman ko.”
“I'm not even pregnant para ikonsidera ang alok mo.” kunwa ay sabi niya.
She couldn't stand seeing him almost begging. At malaki ang paniniwala niyang hindi niya makakalimutan ang anyo nito nang mga sandaling iyon abutin man sila ng pagtanda.
Napakaseryoso ng anyo nito kaya hindi napapansin ang mischief sa mga mata niya.
Tumiin ang anyo ni Jidee. Tila nag-isip bago siya kinabig.
“Kung iyan lang ang dahilan mo, napakadaling gawan ng paraan.”
His face bent down at tinuksu-tukso ng mga labi ang kanyang mga labi.
Napapikit siya. Warm sensation was washing over her at parang hindi niya kayang tagalan iyon.
“Jidee, hindi mo ba kakalasin ang tali sa kamay ko?” malambing na sabi niya.
“Later,” may diing sagot nito. “Gusto kong makasiguro sa isasagot mo.”
Sukat doon ay umalpas ang pinipigil niyang tawa.
“Kalagan mo ako!” aniya sa pagitan ng pagtawa.
Nagtataka naman ang anyo ni Jidee.
“What is happening to you?”
“Nothing!” bungisngis pa rin niya. “I'm just in love with you, in case you want to know!”
Hindi pa rin nagbago ang ekspresyon nito, waring inulit pa sa isip ang sinabi niya bago niya nakitang nagliwanag ang anyo nito.
“A-are you sure?” he asked doubtfully.
“Kalasin mo munaʼng tali ng kamay ko then I'll prove it to you.” hamon niya.
Hindi na niya kailangang ulitin pa rito ang utos na iyon. Kinalas nito ang tali sa kanyang mga kamay. As soon as her hands were free, she threw herself to him at mahigpit na yumakap dito.
“I love you, Jidee. I know I do mula pa noong kinidnap tayo. I promised not to give myself to someone I'm not in love with. Pero ibinigay ko sa'yo.”
“And you said you love me?”
“Of course I do. I realized that after.” she kissed him.
At nakapaloob na sa mga halik na iyon ang iba pa sanang gusto niyang sabihin.
He kissed her back. At doon nagsimula ang pagpapatunay ng pag-ibig na inamin nila da isaʼt isa.
Pansamantala ay inilagay muna niya sa likod ng kanyang isip ang iba pang mga bagay. Puwede namang mamaya na lang niya aminin dito na sa opisina mismo nito siya talagang papunta. Puwede ring mamaya na lang niya itanong dito kung ano ang nangyari sa mga kidnappers nila at sa mastermind niyon. At puwede rin namang makipag-bargain na lamang siya sa nabangga niyang kotse nito.
Alam niyang masosorpresa ito kapag ipinakita niya ang kanyang obra. At ang ipininta niyang iyon ang sasabihin niyang kapalit ng naging damage ng Lamborghini nito. Malakas ang loob niya, tutal, magpapakasal na naman sila.

BINABASA MO ANG
Ikaw Na Nga Ang Pag-ibig
RomansaNadamay si Sandy sa isang pangyayaring hindi nya inaasahan- kasama siyang nakidnap ng guwapo at mayamang sought-after bachelor na si Jidee Kwon. Nabighani siya rito kung kaya't hindi niya masisisi ang sarili nang angkinin siya nito kahit nasa peligr...