Tama ang hakbang na ginawa niya. Awtomatiko ring natuon ang atensyon ng mga ito sa humintong sasakyan sa labas. Itim ang kulay niyon at napakakintab.
“Tignan niyo kung sino!” wika ni Nadia na nahaluan ng kilig ang tinig.
Isang matikas na lalaki ang bumaba sa driver's seat. Iniabot nito ang susi ng kotse sa naka-abang na valet.
Kita niya ang kompiyansa nito sa sarili nang tumungo sa entrance ng restaurant.
“Hindi ko alam na ganyan pala kaguwapo si Jidee Kwon sa personal!” kinikilig na sabi ni Nadia.
Haaay salamat at mukhang nakalimutan na nito ang pinag-uusapan nila.
“Sino?” aniya na pinaliit pa ang mga mata para lalong maaniag ang lalaki.
“Si Jidee Kwon, iyong may dalang Lamborghini. Wala ka kasing panahong magbasa ng business section ng mga broadsheets kaya hindi mo siya kilala. He's a banker at binata pa raw.” sabi nito na tila nangangarap, sabay kindat sa kanya.
Ngunit hindi ang huling tinuran nito ang napagkit sa utak niya. Banker... Bangko... Pera...
Napangiwi siya. Kung mayroon man siyang phobia ay sa bangko marahil.
Hindi siya papasok sa institusyong iyon kung hindi rin lang kinakailangan. Ang huli sa napakadalang na pagpunta niya sa bangko ay nang magbukas siya ng kanyang payroll account.
Tandang-tanda niya nang isama siya ng Lolo niya sa bangko para makiusap sa manager na dagdagan pa ng kahit na ilang araw ang grace period na itinaning sa nakasanlang bahay at lupa nila.
Maayos ang pakikiharap sa kanila ng mga taga bangko kaya ganoon na lamang ang pag-asang pagbibigyan sila ng mga ito. Ngunit kinabukasan ay ginulantang sila ng mga sheriff sa kanilang tinitirhan.
Iyon marahil ang dahilan kaya hindi na nagtagal pa sa mundo ang kanyang lolo. Kinain ng depresyon ang sistema nito at nang manghina ito ay hindi na nakuhang gumaling.
“Iyon siguro ang girlfriend niya.” narinig niyang wika ni Dyovada na pumukaw sa kanyang pag-iisip sa nakaraan.
Sumunod ang kanyang mga mata sa parehang hindi man marahil sinadya ay umagaw ng atensyon sa mga dinatnan sa restaurant.
Jidee Kwon must be the epitome of a tall, dark and handsome man. At ang kaagapay na babae nito ay sadyang maliit para rito. The girl was petite and pretty. Parehong glamoroso ang taglay na personalidad ng mga ito.
Sa kabilang panig marahil ng restaurant ang nakareserbang mesa para sa mga ito. Nang lumiko ang mga ito sa kaliwang bahagi ng kainan ay hindi na nila nakita ang bulto ng mga ito. At kasabay naman niyon ay ang pagdating ng pagkain nila, kaya nawala na sa isip nila ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Ikaw Na Nga Ang Pag-ibig
RomanceNadamay si Sandy sa isang pangyayaring hindi nya inaasahan- kasama siyang nakidnap ng guwapo at mayamang sought-after bachelor na si Jidee Kwon. Nabighani siya rito kung kaya't hindi niya masisisi ang sarili nang angkinin siya nito kahit nasa peligr...