“Hindi makapaglabas ng pera si Bomera, Sandy. May humaharang sa kanya at ang isa
andaang libong tawad niya ay manggagaling lang sa personal niyang pera. May hinala na rin siya kung sino ang may pakana sa kidnapping na ito.” ani Jidee na galit na galit.“Sino?”
“Isa sa mga board of directors, si Jaehae Kim. May ambisyon siyang pumasok sa politika at labag iyon sa corporate code. Walang sinuman sa amin ang puwedeng maging politiko hanggang konektado sa kompanya. Pero pwede iyong mabago kung mawawala ako. Posibleng maimpluwensyahan niya ang ibang members.”
“A-anong gagawin natin?” kinakabahan nang tanong ni Sandy.
“Kailangan na nating gumawa ng paraan.” may igting na sabi nito.
Sumilip ito sa isang siwang at hinanap ang mga kidnappers.

BINABASA MO ANG
Ikaw Na Nga Ang Pag-ibig
RomanceNadamay si Sandy sa isang pangyayaring hindi nya inaasahan- kasama siyang nakidnap ng guwapo at mayamang sought-after bachelor na si Jidee Kwon. Nabighani siya rito kung kaya't hindi niya masisisi ang sarili nang angkinin siya nito kahit nasa peligr...