CHAPTER THIRTY-EIGHT

135 4 0
                                    

Nasa tapat na sila ng bahay ni Yusuk. Bababa na sana si Sandy ngunit pinigilan siya ni Chris. Kinabig siya nito at hinalikan. Marahan iyon at masuyo. Tinanggap niya ang mga halik nito subalit hindi niya nakuhang gumanti.

Tinapos din nito ang mga halik na iyon. Lumayo sa kanya at sumandal.

“Alam kong masama pa rin ang loob mo sa akin. Desidido akong bumawi sa'yo, Sandy.”

“Baka gusto mong banggitin kung sino 'yong babaeng nasa opisina mo noong gabi ng birthday ko?” kaswal na sabi niya.

Hindi niya nakakalimutan iyon lalo at hindi pa nito nililinaw sa kanya ang tungkol doon.

Inabot ni Chris ang kamay niya.

“She's an officemate. I admit natutukso ako sa kanya, pero nakapag-isip na ako. Hindi kita ipagpapalit kahit na kanino.”

Nakatingin lang siya rito. Gusto niyang paniwalaan ang sinseridad nito, subalit wala naman siyang maramdamang labis pa roon. Natanaw niyang bumukas ang ilaw sa terrace.

“Kailangan ko ng bumaba.” paalam niya.

Bumaba ito at ipinagbukas pa siya ng pinto ng kotse. Inihatid siya nito hanggang gate.

“May live-in seminar ako sa. Six weeks ako roon. Pangako, tatawagan kita nang madalas.”

“Mag-iingat ka.” sabi lang niya.

“Ikaw rin.” anito.

At bago siya hinayaang makapasok ng bakuran ay magaan pa siyang hinalikan nito sa kanyang mga labi.

Ikaw Na Nga Ang Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon