Bumuglaw sa kanya ang pinalamalaking opisinang nakita niya sa buong buhay niya. Isang panig niyon ay yari sa makapal na bubog at tanaw ang buong MotteinManila. Iilan ang gamit doon; mahabang mesa ni Jidee at chest sa likuran, dalawang mahahabang sofa at mesita sa gitna, at maliban sa painting na palamuti sa dingding ay wala na.
Lumubog ang takong ng sapatos niya nang tumuntong siya sa makapal ba alpombra. Ipininid ito ang pinto nang makapasok siya.
“So, what's exactly the problem?” sabi na kaagad nito.
“P-puwede bang maupo muna? aniya.
Nang nasa bus pa lang ay pinaghandaan na niya ang salitang bibitawan dito ngunit nang mga sandaling iyon ay bigla na lamang siyang nangapa. Parang nablangko ang kanyang utak.
Tumango ito. Nauna pa nitong tinungo ang sofa. Mas pinili niyang maupo sa kaibayong sofa. Kinakitaan niya ng pagkainip ang mukha nito.
“Iyong kotse,” kinakabahang simula niya. “Hindi pala nai-renew this year ang insurance.”
“Walang insurance!” Kagyat ang pag-angat ng tinig nito.
“Hindi ko alam na wala,” depensa niya. “At isa pa, insured man iyon o hindi, hindi ko gustong makaaksidente.”
*Lalo nang ikaw ang mabangga ko! Suplado, hmpft!* mataray na sigaw niya sa kanyang utak.
Tinignan siya nito.
“Kaya mo bang sagutin ang gastusin ng damage ng kotse ko kung sakali? Mayroon na akong quotation kung magkano ang magagastos sa kotse. Kaya ba 'yong bayaran ni Yusuk?”
Hindi na siya nag-react nang marinig mula rito ang halaga. Inaasahan na niya ang abot-langit na presyo. Ang iniintindi niya nang mga sandaling iyon ay kung paano iyon babayaran.
“Huwag kang mag-alala, hindi ko tatakbuhan ang kasalan ko. Ako ang nakabangga kaya ako ang dapat na magbayad. Babayaran ko yan. Hulugan nga lang.” at marahil ay aabutin siya ng mahabang panahon para matapos ang bayaring iyon.
Tumindig na siya. Maagap din itong tumayo.
“Hindi pwede 'yon. I'll press charges!” anito.
“Charges?! Hindi pa ba charges ang halagang sinabi mo?!” bulalas niya.
“There's one thing that I'd like you to know. Baka hindi mo alam that I know you were drunk last night o kaninang madaling araw pala. You're driving under the influence of alcohol. Mapapabigat ko ang kaso mo.” tila nananakot na sabi nito.
“Hindi ako lasing!” mariing pagtanggi niya.
“Tell that to the marines! At ipaalala ko sa'yo dahil baka nakakalimutan mo. Mabigat ang kasalanan mo. Ikaw ang pumasok sa one-way road. Naka-record din iyon sa pulis.” anito.
Nagsimula na siyang humakbang.
“Saan ka pupunta?” hinagip nito ang kanyang braso.
“Hindi mo ako pwedeng i-detain dito.”
“At hindi rin naman pwedeng takasan mk ang atraso mo sa akin!”
“Hindi ko tatakasan ang atraso ko sa'yo, pero hindi ko rin iyon kayang bayaran nang bigla. Hindi naman ako kasing yaman mo eh! Hulugan lang kaya ko.” pilit pa rin niya sa gusto niyang mangyari.
Tumaas ang sulok ng labi ni Jidee.
“Why don't you tell me now na pag-usupan na lang natin ito na tayong dalawa lang?” anito na sadyang binigyang-diin ang mga huling salita.
“Para ano pa? Tatawag ka rin naman ng pulis sa bandang huli.”
Hindi ito sumagot at bigla nalang siyang hinila palabas ng opisina nito. Kaiba sa pintong pinasukan nila, private elevator kaagad ang tinungo nila.

BINABASA MO ANG
Ikaw Na Nga Ang Pag-ibig
RomanceNadamay si Sandy sa isang pangyayaring hindi nya inaasahan- kasama siyang nakidnap ng guwapo at mayamang sought-after bachelor na si Jidee Kwon. Nabighani siya rito kung kaya't hindi niya masisisi ang sarili nang angkinin siya nito kahit nasa peligr...