Chapter 1

62.9K 926 26
                                    


Chapter 1

It was supposed to be Melchiorre's happiest day. Sa isip niya noon, ang araw na ito ang siyang magmamarka ng lahat ng pagbabago sa buhay niyang may kasiyahan siyang tuparin. It meant no more games, no more playing around with lovely ladies. It meant starting a family, and a happy one.

Noon, nagpapasalamat siya na sa kabila ng katotohanang corporate marriage ang papasukin niya ay nahulog ang loob niya kay Catherine, ang babaeng nakatakda sana niyang pakasalan may tatlong buwan na ang nakakaraan. Sa simula ay hindi natuwa ang babae sa pagpapakasal na naiplano ng mga magulang nila; habang siya naman ay tinanggap na iyon nang magsimula siyang magtrabaho sa kompanya noong beinte-kuwatro anyos siya, matapos ang MBA niya sa Harvard.

He found himself falling for her, and she to him. It was fate's greatest gift. At nang halos handang-handa na ang kanilang kasal, muling nakipaglaro sa kanila ang tadhana. At dahil sa larong iyon, hindi si Catherine ang pakakasalan niya sa araw na iyon.

Isang katok at paglingon niya sa pinto ay nakapasok na ang kanyang ina. Pawisan ito, halatang tensiyunado. "Are you all right, son?"

"I am." Lihim siyang napabuntong-hininga. "You don't look well though. Don't stress yourself out, everything's going to be fine."

Saglit itong nag-alinlangan, tila may nais sabihin ngunit pinigil ang sarili. Inakay niya ito patungo sa kama, inabot dito ang kanyang panyo.

"Thank you," utal nitong wika, idinampi-dami ang panyo sa ilong at noo nang bigla nitong ibulalas, "Hijo! Just tell me you don't want this wedding to push through and I will help you out. I have a driver on stand by—"

"Mama!" Labis siyang nabigla. Noon pa mang beinte-kuwatro siya ay ito na ang mapaggiit na huwag siyang pumayag magpakasal sa paraang nais ng kanyang ama. Magkakontra ang ideya at personalidad ng mag-asawa. His mother was old fashioned in many ways, superstitious even; while his half-Italian father did not even believe in feng shui. Kung paano nagkasundo ang mga ito at maluwat na nagsama sa loob ng kulang apat na dekada ay hindi niya alam.

Ayon sa kanyang ama ay magreretiro ito kapag naikasal na siya, mangangahulugan iyon na natupad na nito ang matagal nang pangarap na merger. Ang kompanya nila ay distributor ng gym and sports equipment sa buong Asia at Ocenia. Ang lolo naman ni Catherine, na si Mr. Louis Boyd, ang may-ari ng pinakamalaking sports shop sa Asia, Ocenia, at nagsisimula na rin sa Europa. Ang reputasyon ng negosyo ni Mr. Boyd ang siyang noon pa ay nais nang makuha ng kanyang ama. Ilang taon nang sinusuyo ng kanyang ama ang matanda ngunit ayaw nito ng merger, hanggang sa dumating ang panahong nag-venture na sa sarili nito ang kanyang ama bilang retailer. The man tried several times but failed. Mahirap tapatan si Mr. Boyd na affliated sa malalaking gym franchise, isang pangalang mahirap tapatan at tibagin.

Ngunit nabigla ang kanyang ama nang lumapit dito si Mr. Boyd. The old man agreed to a merger, under one condition—that one of his grandddaughters would marry him, being the next CEO of the company. Wala nang anak si Mr. Boyd bagaman buhay pa ang asawa nitong Pilipina, at mayroon itong dalawang babaeng apo—sina Catherine at Casilda. Catherine was younger than Casilda by four years.

"Anak, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ka pumayag pakasalan si—"

Tumayo siya. "You know I'm going to be a father soon. Do you want me to turn my back on my baby—"

"Your baby? You don't even remember making that baby! Are you sure it's yours?!"

Parang sumakit ang ulo niya sapagkat may katotohanan sa sinasabi nito. Wala siyang alaala sa pakikipagniig na siyang bumuo sa bata. Ngunit hindi iyon nangangahulugan na hindi siya ang ama niyon. Walang dahilan upang magsinungaling ang ina ng bata.

Melchiorre and Mira - Dreams of Passion 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon