Chapter 12

28.3K 662 37
                                    

MELCHIORRE could not believe that he was actually inside Casilda's room, watching her sleep, telling himself it was not okay to touch her, kiss her, and then ravage her—even though his body was telling him to. Sa katunayan ay sumisigaw ang kanyang katawan na gawin ang ganoon sa babae, kahit isinisigaw ng isip niyang hindi tamang pumasok siya sa silid na iyon.

But I'm her fucking husband!

Right. Fucking, his brain taunted him.

I'm not here for the honeymoon!

Nang maunawaan niyang para siyang baliw sa pakikipagtalo sa sarili ay napabuntong-hininga na lang siya. Kaya siya nagtungo roon ay ibig sana niyang sabihin ditong nagyaya ng dinner ang kanyang ina, kasama ang kanilang pamilya, sa susunod na linggo. Batid niyang baka kailangan nilang talakaying mag-asawa iyon.

Casilda did not like his family. Nadarama niya iyon at minsan nitong naisatinig, nang mag-usap sila sa telepono isang buwan bago ang kasal. Napag-uusapan ang tungkol sa isang family dinner, parang regalo sa kanila ng kanyang ama at para na rin pormal itong maipakilala sa ibang miyembro ng pamilya. She said then, "It's really unnecessary, Melchiorre. Wala namang nagsasabing kailangan nating magpaliwanag sa lahat tungkol sa nangyari. I don' think I owe anyone an explanation, do you?"

At ngayon, kailangan nilang pag-usapan iyon.

Who the hell was he kidding? Halos dalawang oras siyang umisip ng dahilan para makapasok sa silid ng asawa. Puwedeng ipagpabukas ang pag-uusap tungkol sa dinner na hinala niya ay hindi naman nito tatanggihan.

Talaga bang nagbago ang babae o sadyang hindi lang niya ito nakilala noon? Maybe both. Mahigit isang buwan nang naging misteryo ang babae sa isip niya, isang bagay na hindi niya kailanman naisip na mangyayari noon, dahil isinarado niya ang isip sa unang impresyon niya rito.

Ngayon ay biglang dumami ang mga posibilidad. Maaari kayang noon pa ito mayrong gusto sa kanya kaya ginawa nito ang advances nito? Kung pagbabasehan niya ang babaeng nakasama niya sa ilalim ng iisang bubong ay masasabi niyang marahil naging mahirap para ritong bumuo ng ganoong hakbang.

He had always believed she was one of those modern women. Ikinahon niya ito sa isang stereotype na paraan—mahilig sa party, mahilig makipaglaro, worldy. But what did he really know about her? Practically nothing. At iyon marahil ang naging una niyang pagkakamali.

Now she was mesmirizing him. Kahit sa puwesto nito sa kamang nakatagilid at nakabaluktot, hawak sa leeg ang kumot nito na parang isang bata. Malayo iyon sa nailarawang diwa niyang magiging posisyon nito sa pagtulog, kailangan niyang aminin. In his mind, the woman would be in a very sensual pose. That tickled his imagination for the past month. Hindi niya inakalang sa kabila ng hindi sensual nitong posisyon ngayon, sensual pa rin ang dating niyon sa kanya.

What the hell was the matter with him, spying on his wife like this? Gawain ba ng isang matinong lalaki ang ganoon? Para siyang kriminal na guilty.

But she's my wife and she wanted me to marry her.

Aminado siyang nasosorpresa siya sa magandang kinalabasan ng kasal nila. This was a welcome surprise. At ang makita ito noong nakaraan sa pagseserbisyo sa mga nasalanta na may genuine na ngiti sa labi nito ay sadyang nakapagpasaya sa kanya at naisip niyang baka ang lahat ng kanyang akala noon sa babae ay ganoon lang talaga—mga maling akala. She was proving to be a kind-hearted person after all. Isa lamang ba iyong pagpapanggap para makuha ang loob niya? Bakit? Wala siyang makitang dahilan gayong naikasal silang mayroon na siyang hindi magandang impresyon dito.

He silently sighed looking at her. Damn, he cursed. He remembered her breasts, her body. He had never imagined he would be this physically attracted to her. He liked meat, and even some fat. Casilda was not as thin as before and he liked her better this way. Marahil naisip nitong ayaw na nitong magmodelo at kahit naman nitong nakaraang dalawang taon ay hindi na ito full time na tulad ng noon. Good then, he was planning on fattening her up a bit more.

Melchiorre and Mira - Dreams of Passion 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon