Chapter 6

31.9K 691 12
                                    


THERE was something different about Casilda, something Melchiorre couldn't point his finger to. She looked the same, but there was something different. Was it her figure? Maybe. Yes, maybe that was it. Parating payat na payat ang babae at ngayon ay bahagya itong nagkalaman.

"You look different," aniya. Natigilan ito, tila kinabahan. Nabaghan siya. Inabot nito ang baso ng tubig at nasaid iyon sa isang inuman lang, tila nagmamadali sa puntong tumapon ang ilang patak sa damit nito na agad nitong pinunasan. Naunawaan niyang hindi lamang ang pigura nito ang nagbago. Mukha itong tensiyunado na hindi niya maunawaan. "Anything wrong?"

"It's the collagen injection. It's still fresh."

"Oh, is that what's different?"

"Yes and a few botox here and there."

Hindi na niya iginiit ang obserbasyon niya. Um-order na sila ng pagkain. Katulad pa rin ng dati ang paborito nito, lamang sa pagkakataong ito ay pangtatlong tipikal na kainan nito ang order nito.

Binanggit ng waiter iyon. "You ordered for one waldorf salad—light mayo, extra walnuts, one pan-grilled salmon with lemon butter sauce, scampi on fettucine, and one Pellegrino. Would that be all, Ma'am?"

"And one decadent chocolate cake... Uhm, sinful."

Matutuwa ba siya sa pagsipag nito sa pagkain o magtataka? The woman used to eat like a sick person. Sinabi niya, "I'm glad you're eating well now."

Tumango ang babae. Muli ay nabaghan siya rito. Kailan pa natigil ang bibig nito sa pagsasalita? Parati itong mayroong reklamo. Sa pagsasama nilang hindi maiiwasan, lalo na noong panahong bago pa lamang niya si Catherine, ay nakita niya ang ugali nitong ganoon. Hindi na niya mabilang kung ilang maitre d, waiters, valet, at mga katulad na empleyado ang nasinghalan nito. Maybe she was a different person now after the accident. If there was anything good that came out of it, it was that probably.

"I'm glad," pagbibigay-diin niya. Ayaw niyang maisip nitong pinupuna niya ang pagkain nito. Casilda was very conscious, about those things.

Nagkibit ito ng balikat. "I just realized I don't want to starve myself anymore. Pagkatapos ng nangyari, naisip kong maiksi ang buhay, Melchiorre. I could die any day, thanks to you, of course, and I don't want my last meal to be salad."

Bagaman nainis siya sa tinuran nitong halatang patama sa kanya ay parang nais niyang matawa sa bagong prinsipyong iyon. Nais niyang sabihing sorry sa nangyari, kinompirma nito ang hinala niya na may sama ito ng loob sa kanya, at marahil nararapat lang iyon sapagkat nawala ang kanilang anak, ngunit hindi niya ginawa. It was awkward. He was sorry that what? That his reflex action during the accident was to protect Catherine and not her and their baby? It sounded way too awkward.

"Isa 'yon sa mga bagay na magbabago sa akin, Melchiorre," patuloy nito. "Pagkatapos ng nangyari, marami akong bagay na na-realize sa mundo. It was such a painful experience for me." Nanginig ang tinig nito. Inabot nito ang water goblet nito na wala nang laman, ibinaba, saka inabot ang sa kanya, tumingin sa kanyang nagpapaalam at kahit nagtataka na naman sa inaakto nito ay tumango siya. Agad nitong sinaid ang laman noon, saka ibinaba. "So how's your leg?"

"It's no longer there, the left one."

Tila naiilang na tumango ito, muli, hindi niya iyon inasahan dito. He had suspected she wouldn't care about it. Ngunit itinaas nito ang mantel ng mesa at sumilip sa ilalim. Napilitan siyang itaas ang pantalon upang ipakita rito ang prosthetic leg niya.

"Ay, parang Terminator!" bulalas nito, tila natuwa.

It was the weirdest, funniest comment he had ever received the whole week that he wore that artificial leg. Mula paa hanggang sa ilalim ng tuhod ang saklaw niyon. Habang comatose siya ay pinasukatan na siya noon ng kanyang ina. Sa ngayon ay hinihintay niya ang isa pang artificial leg na pinagawa niya sa Amerika.

"You think so?" aniya.

Tumango ito, bagaman hindi na nakangiti. Dumating ang order nila at parang limot na nito ang sinabi. He liked the new Casilda and it was totally unexpected. If they can't be husband and wife, maybe theuy at least get along while living under the same roof. It was his hope for now.

Melchiorre and Mira - Dreams of Passion 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon