Chapter 30

51.1K 1K 111
                                    

Tiniyak ni Mira na tuwid ang kanyang tindig sa pagsalubong sa bagong dating, kahit aminado siyang hindi si Nicci ang inaasahan niyang maging representante ni Melchiorre. Nakuha na niya ang iniwang sobre ng lalaki at batid niyang nakatawag na rin ito sa bahay, bagaman ang mga kawaksi lang ang nakakausap, nagtatanong lang kung naroon pa siya. Tatlong araw na mula nang umalis itong walang paalam.

Inaasahan na niyang magpapadala ito ng emisaryo para sabihin sa kanyang umalis na siya, isang bagay na pinanindigan niyang huwag gawin. Galit siya, nanghihina rin. Naiinis siya sa lalaki na hindi man lang siya nito binigyan ng pagkakataong magpaliwanag at nanghihina na nais nitong umalis na lang siya. Ganoon na lang. At pagkatapos ay may iniwan pa itong tseke na nagkakahalaga ng sampung milyong piso.

Ang seryosong usapan na inaasahan niya ay nabahiran ngayon ng pagdududa. Ang suot ni Nicci ay malayo sa dating kasuotan nito, bagaman takaw-atensiyon pa rin. Para itong isang aerobics intructor noong dekada-otsenta sa makintab na spandex nitong suot. Leggins na pinatungan nito ng leotards, kumpleto sa leg warmers at rubber shoes. Ang buhok nito ay iba rin ang estilo ngayon at parang kay Farrah Fawcett noong araw. Bakit ito ang ipinadala ni Melchiorre?

"Hello," nakangiting wika nito.

Bigla niyang naisip na marahil ni wala itong ideya na wala roon ang kapatid nito. "W-wala ang kuya mo dito, Nicci."

"I know, I know. Pinadala nga niya ako rito."

Muling tumaas ang depensa niya. "At?"

"Well, he wants me to convince you to leave."

"Pakisabi sa kanya na hindi ako aalis hanggang hindi niya ako kinakausap. Hindi niya ba ako kayang harapin kaya ipinadala ka pa niya?"

Nagkibit ito ng balikat, naupo sa sofa. "Well, can you blame the man? Naniniwala siyang magaling kang artista. O siguro iniisip niyang kapag nakita ka niya, hindi niya gugustuhing paalisin ka pa."

Nabigla siya sapagkat noon lang pumasok sa isip niya ang bagay na iyon. "Pakisabi sa kanya na kailangan naming mag-usap."

"Do you really love him though? What's up with the fifty million request?"

"Sinabi niya 'yon sa 'yo?"

"Well, normally he wouldn't say that to me, but since he was drunk as a skunk, he did, yeah."

"Sa kanya ako magpapaliwanag."

"Baka hindi mo na siya makita kaya nakasalalay sa akin ngayon ang sitwasyon mo. Better tell me."

Kung bakit natagpuan na lang niya ang sariling sinasabi rito ang napakasimpleng katotohanan patungkol sa papel na iyon na sinulatan niya ng numero niya at halaga. Ang komento nito sa huli, tila bored. "I knew it was something as stupid as that. Well, come on." Tumayo na ito.

"Ha?"

"Come on!" Nagpatiuna na ito palabas ng pintuan. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Motorsiklo ang gamit nito sa pagkakataong iyon at inabutan siya ng isang helmet.

"Saan tayo pupunta, Nicci?"

"Duh? Kay Kuya, saan pa?"

"Akala ko inutusan ka niya na—"

"Gusto mo siyang makausap, 'di ba? Then I'm taking you to him. And please, do your best to make this work. Nauunahan ka na ni Catherine."

"Catherine?" Naging matalas agad ang tinig niya.

"She knows where he is and she went there."

Sa sinabi nito ay agad niyang isinuot ang helmet at umangkas sa babae. Salamat at nakamaong siya. Akala niya ay hindi sila lalabas ng Metro Manila ngunit nakaabot sila ng Tagaytay at napakatulin magpatakbo ng babae! Humipil sila sa isang gasolinahan at binilinan siya nitong mag-ayos ng sarili—na para bang may magagawa siya gayong wala siyang dalang kahit na ano. Sa convenience store ay bumili siya ng sabon at mumurahing lipstick at pulbos.

Melchiorre and Mira - Dreams of Passion 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon