Chapter 28

26.7K 653 3
                                    


Napangiti si Mira habang nakatingin sa salamin. Kilala na niya ang babaeng naroon—ang nakangiting mga mata at labi. Lumapit sa kanya si Melchiorre at ipinaikot ang bisig sa kanyang baywang, saka dinampian ng halik ang gilid ng kanyang leeg.

"Lovely morning, wife," sambit nito.

Posible palang araw-araw siyang maging high sa kaligayahan. Hindi tulad noon, ang kaligyahan niya ngayon ay buong-buo. Alam na ng lalaki ang totoo at hindi ito nagbago.

"N-nakita mo ang picture ko, 'di ba?" Bigla niyang naitanong. "Iyong p-picture ko noon? Bago... alam mo na."

"Yes."

Naghintay siya sa magiging reaksiyon nito. Ayaw na sana niyang balikan pa ang nakaraan, may pagkailang pa rin siyang nadarama, ngunit isa sa mga bumabagabag sa kanya ay iyon. Hindi naman sa insekurada siya pero... well, insekurada siya talaga. Hindi sa lahat ng pagkakataon, ngunit pagdating sa lalaking ito. Pakiwari niya, dalawang diyosa ang katunggali niya, magkapatid na diyosa. Ang orihinal na Baldomera Daet ay sadyang hindi mananalo sa mga iyon. Sa katunayan, kahit nga ngayon. Isinilang na natural na maganda ang dalawa.

"A-and...?" Parang ayaw na niyang tumingin sa mukha nito ngunit hindi niya pala kayang hindi makita kung ano ang reaksiyon nito. Sa kabila ng katotohanang iba na ang mukha niya ngayon, hindi mawawalay sa kanya kailanman ang orihinal niyang mukha.

"And I love your exotic beauty."

Bigla siyang napalabi. "Ang exotic naman, eh, ginagamit lang pang-describe sa mga... hmp. Sabagay, exotic nga talaga ako. Meron pa bang mas e-exotic pa sa akin?"

Bigla itong tumawa. "Why won't you believe me when I say I find your old looks beautiful? I do. It's exotic because it's real, it's beautiful, and I don't mind being with that woman. How dare you not believe that you were, and still are beautiful."

"Siya, siya, bolahin mo pa ako."

"Seriously."

"Ang sabi ko, bolahin mo pa ako."

Muli itong humalakhak, saka siya hinagkan sa pisngi sa aktong tila aliw na aliw. "God, how I missed you."

Nakakatuwa na kahit dalawang linggo na silang magkasama ay parati pa rin nitong sinasabi sa kanya kung gaano ito nangulila nang maghiwalay sila. Panaka-naka, nagkakausap sila tungkol sa nangyari noon. Iniiwasan lang niya ang magbanggit ng higit pa sa nararapat dahil mayroon pa ring pagkaalangan sa puso niya.

At dahil under process na ang bagong passport niya, ang sabi ng lalaki ay matutuloy na ang matagal na nitong pagyayang mamasyal sila kahit ilang araw lang. Hiling niyang magpatuloy ang ganitong pagsasama nila. Unti-unti, mabubuo iyong muli.

Matapos ang almusal ay nanatili sila sa terrace sa ikalawang palapag. Mataas ang bakod at hindi sila tanaw mula sa labas. Ang tanawin naman nila ay ang malinis na pool sa ibaba at ang magandang garden nito. Nakaupo sila sa isang hammock. Nagbabasa ito ng isang libro, habang siya naman ay nakikinig ng audio book, inaaral pa rin ang diction doon.

"You really are into doing voices," komento nito na narinig niya kahit naka-earphones siya.

Tinanggal niya ang nakasuot sa tainga. "Bata pa ako, gusto ko nang maging artista. Sabi ko nga noon, kahit komidyante, okay sa akin. Pero ang hirap pumasok sa showbiz. Pa-extra-extra lang ako. Iyong huli kong pinag-extra-han, nagalit pa sa akin ang direktor." Ikinuwento niya rito ang huling pangyayaring iyon.

Tumawa ito. "Well, admit it, you are not an excellent actress."

"Aray ko naman, Melchi. Masakit 'yan."

"It's true." Umakto itong mayabang. "You're a good one, but not excellent. Otherwise, you would've been able to portray Casilda perfectly. That was you all along, wasn't it?"

"May point ka." Lumabi siya. "Eh, iba naman kasi ang acting sa harap ng camera, sa acting sa totoong buhay. Sa harap ng camera, kaya kong maging kasing-sama niya. Sa totoong buhay, mahirap, eh. Baka lasunin na lang ako nina Manang nang hindi ko nalalaman." Umismid siya. "Wala nang balita sa bruha?"

Umiling ito. "To shut her up, her grandfather returned her allowance. Nahiya rin sa akin si Mr. Boyd sa nangyari."

"Pero iginigiit pa rin ni Casilda na wala siyang kinalaman, hindi ba?"

Muli ay tumango ito. "No one believes her, of course."

Noong nakaraan ay nabanggit ng lalaki sa kanya na ang naging malaking motibo pala ni Casilda sa ginawa nito ay ang katotohanang inalisan ito ng allowance at mana ng lolo nito. Isa iyong bagay na hindi sinabi ni Catherine kay Melchiorre, sa pag-aakalang si Casilda na ang magtatapat tungkol sa bagay na iyon. Bago pala mapilitan si Melchiorre na pakasalan si Casilda ay nagbanta ang babae na kukunin na nito ang mana nito sukdulang mangahulugan iyon ng mawala na sa mundo ang lolo at lola nito. Ayon daw kay Catherine, "it was said in rage beause Lolo decided to cut her allowance in half."

Nagkaroon ng legal na basehan si Mr. Boyd upang alisan ng mana si Casilda, bagaman binigyan pa rin ito ng ilang milyong piso. At dahil doon, gumawa ito ng paraan para makuha si Melchiorre. Pera ang dahilan ng lahat ng iyon. Hula ni Melchiorre, mayroong balak si Casilda na palabasing lalabagin ni Melchiorre ang ilang clause sa prenup ng mga ito na magiging dahilan para makakuha ang babae ng malaking settlement, sa kabila ng prenup. Bruha talaga si Casilda.

Noon mayroong kumatok sa pintuan at si Melchiorre ang nagbukas niyon. Si Bituin ang nasa labas, inabot ang isang sobre sa lalaki.

"Ano 'yan?" tanong niya.

"Speaking of Casilda, she just filed a case against you."

Napanganga siya, agad lumapit dito. "A-ano?"

"I'll take care of this. You have nothing to worry about."

Melchiorre and Mira - Dreams of Passion 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon