Chapter 13

27.7K 618 15
                                    


Kung noong una ay kabado si Mira sa pagharap sa ama ni Melchiorre, ngayon na nakilala na niya ang personalidad nito ay komportable na siya sa matanda. Nalusutan niya ang mga sinabi nitong mukhang hindi raw niya nagustuhan ang before wedding dinner na gusto sana nitong ibigay sa kanilang mag-asawa sa pamamagitan ng pagsasabing labis siyang na-stress sa paghahanda ng kasal noon.

Bruha talaga si Casilda, pati ba naman ang ganoong aktibidades ay hindi nito dinaluhan gayong wala itong ginawa sa araw-araw kundi ang magkulong lang sa silid nito at ni Jeremy at ewan niya kung ano ang ginagawa nito roon kapag wala ang lalaki. Baka nagbibilang ng pusong dinurog nito.

"Do you remember our trip to Baguio, Casilda? Why don't we do it again? What do you say, son?"

"Why not?"

Tumango siya. Nagsimulang magkuwento ang "biyenan" niya tungkol sa naging trip nila at nagsimula siyang kabahan sapagkat walang naikuwento tungkol doon si Casilda. Sa pagtatagni-tagni niya ng impormasyon base sa kuwentuhan, ang kasama sa trip na iyon ay ang mga magulang at kapatid ni Melchiorre, maging sina Casilda at Catherine. Nangyari iyon noong magnobyo pa sina Melchiorre at Catherine.

"Maybe this time you can join us in every activity, son, not like what happened before. Right, Casilda?"

"Right," aniya, nakangiti ring tulad ng pagkakangiti ng matanda bagaman wala siyang ideya sa nangyari noon.

"So what can you say about it? Have you seen it?" tanong ng matanda kanya.

"What, Sir?"

"The thing that kept him busy then. I never actually saw it."

Pinagpawisan siya ng malamig. Bakit kasi hindi na lang tukuyin ng direkta ng matanda kung ano ba iyon? Hindi niya alam! Ano ang itutugon niya? At lintik naman itong sina Casilda at Jeremy, bakit hindi iyon nabanggit sa kanya? Kabado siya, nais nang i-text si Casilda, lamang ay hindi niya alam kung paano ilalabas ang cellphone nang hindi siya magmumukhang bastos gayong nagsasalita ang ama ni Melchiorre.

"She didn't see it either, Papa," tugon ni Melchiorre.

Para siyang binunutan ng tinik. Natapos ang hapunan nang hindi na masyadong nagsasalita ang lalaki at nang papauwi na sila sa sasakyan ay sinabi nito, "I'm sorry he had to ask about it. He doesn't know what it was."

Ano ba 'yang it na 'yan? It kayo ng it, sabihin na ninyo.

"Okay lang."

"I'm glad you didn't tell him. That would've been awkward."

Ngiti ang itinugon niya. Sana ay tumigil na ito. Nagsisimula na namang mamasa ang kilikili niya sa tensiyon.

"There's nothing wrong with it, I guess. Ayoko lang sanang mabalikan pa 'yon. I kept it in the basement. I wasn't able to burn it like you asked when you saw it."

Gusto na niyang suminghal. Ano ba iyon na hindi nito mabanggit? Ano ang nasa basement? Hindi pa siya nakakapasok doon sapagkat workshop iyon ng lalaki at wala raw nakakapasok doon kundi ito lang para magpinta. Hobby lang nito iyon bagaman ilang ulit na rin itong nagkaroon ng exhibit.

"Nagbibiro lang ako noon," aniya, umaasang tama ang kanyang naging tugon. Kung hindi nito sinunog ang bagay na nais ni Casilda na sunugin nito, ibig-sabihin ay walang mabigat na dahilang makita ang lalaki para gawin iyon, marahil isa na namang kapritso ni Casilda.

"I will get rid of it."

"Gusto kong makita ulit," giit niya dala ng matinding kuryosidad.

"Are you sure?"

Tumango siya. Mukhang hindi ito masaya sa kanyang desisyon bagaman wala na itong naging ibang komento. Nang makarating sila sa bahay ay sinabi nitong magpahinga na sila, na hula niya ay paraan nito para hindi na niya makita kung anuman iyong nasa basement nito kaya ipinaalala niya rito. Tila napipilitan lang itong isama siya sa basement.

Unang pagkakataon niyang makapasok doon. Amoy-pintura ng kaunti ang loob pero mayroong mga exhaust fan na naglalakihan, nakakunekta sa isang vent. Yari sa kahoy ang sahig, ang paligid ay puno ng mga obra maestra nito. Isang malaking painting ang inalisan nito ng takip mayamaya at napasinghap siya nang makitang portrait ni Catherine iyon. Wala sanang masama kundi lamang walang saplot ang "kapatid niya" sa painting. Hindi man kita ang maselang bahagi sa ibaba ay halatang iginuhit iyon habang walang saplot ang modelo.

At hindi niya gusto ang nadarama niya ngayon. May kung anong kirot sa puso niya ang pagkakita sa painting. Una dahil itinatago iyon ng lalaki sa basement nito kahit "kasal na sila," ibig-sabihin ay sadyang mahalaga iyon dito. Lalong higit kung ipinasunog na pala "niya" iyon dito. Pangalawa, sa pagkakaguhit nito sa babae ay kitang-kitang mahal na mahal nito ang modelo. Detalyadong-detalyado iyon.

Bumuntong-hininga ito at sinabi, "I will get rid of it."

"'Wag," aniya. Hindi niya maatim. Wala siyang karapatan, masarap mang sunugin iyon. Sa kauna-unahang pagkakataon, sumang-ayon siya kay Casilda. Parang nais niyang ibuhos sa painting ang isang galong paint thinner, sabay itsa ng lighter. Ngunit sa kabilang banda, mas magandang itinago nito iyon kaysa ibinigay sa modelo.

"I'm sorry I kept it. Noong nakasal tayo, nawala na sa isip ko. My father doesn't know this was what kept Catherine and me from joining you guys to dinner."

"And I bet you two stayed up all night," sambit niya, sarkastiko, dahil lang hindi niya naawat ang bibig niya. Ano ba ang ipinagkakaganoon niya? Extra lang siya doon! At kung siya man ang totoong Casilda, wala pa rin siyang karapatang magalit dahil nangyari iyon nang legal na magnobyo ang dalawa. "I'm sorry," agaw niya bago pa ito makapagsalita. "Wala kang kasalanan. Hindi natin puwedeng kalimutan na lang kung ano ang nangyari noon. Hindi patas na sabihin ko sa 'yong itapon mo ang nakaraan mo. Keep it. It's a work of art. It's very beautiful, actually."

Titig na titig ang lalaki sa kanya at tipid siyang ngumiti rito. "I will get rid of it."

Hinawakan niya ito sa braso. "Please don't." Hinaplos niya ang pisngi nito. "Magpapahinga na ako. 'Wag mo nang isipin ito. Tataas ka na rin?"

"I'll stay here for a while, Casilda." Hinagkan nito ang kamay niya.

Pumihit na siya at naglakad tungo sa hagdan. Bahagya niya itong nilingon at nakitang nakatitig ito sa iginuhit nitong larawan ni Catherine. Batid niya, wala siyang karapatang masaktan.

Melchiorre and Mira - Dreams of Passion 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon