Chapter 19

24.8K 629 5
                                    

Isang lantang gulay si Casilda at awang-awa rito si Melchiorre. Hayun ito sa bisig niya, pilit pa ring nakikipaglambingan kanina kahit na halatang bibigay na ang katawan sa matinding pagod. Ilang araw na itong ganoon sapagkat inaasikaso nito ang ama ng isa nitong kaibigan, isang kaibigan nitong hindi niya kilala, isang nangangalang Mira.

Marami rin siyang hindi kilalang kaibigan nito sapagkat hindi sila nito naging malapit masyado, hindi katulad ni Catherine.

He enjoyed this, just holding her in his arms and looking at her, enjoying her warmth and providing her with his. He loved this. He loved this very much. Hinaplos niya ang buhok nito at panaka-naka ay hinahagkan iyon. She smelled... lovely. Simple, sweet, reminded him of a meadow on a crisp summer day when he was just a young boy with small dreams.

For Pete's sake. Nais niyang mapatawa. Isa ba siyang pintor o isang makata?

"Casilda..." sambit niya, halos daing, nang gumalaw ito sa pagkakatulog at lumantad sa kanya ang ibabaw ng maputing dibdib nito. He inhaled sharply. Kay bilis ng naging epekto niyon sa kanya. Inayos niya ang damit nito, saka ito hinaplos sa pisngi. He planted a soft kiss on her cheek.

"Melchiorre... Hmmm..." sambit nito sa pagtulog. Napangiti siya. Parang lumaki ang puso niya nang bigla niyang naalala ang tagpo kung saan naabutan niya ito sa apartment nito, umiiyak habang nasa harapan ng kahon ng mga damit ng supling na hindi nito nailuwal. And it hurt him more so now, the fact that they had lost that child.

And when he thought about it, he couldn't help but hate himself but he needed to move on for them. Kung hindi ay mananatili siya sa alaala ng kahapon at hindi na makakaabante. At gusto niyang umabante. Maganda ang nakikita niya sa hinaharap nilang mag-asawa. Aminado siya, noong una ay mayroon pa rin siyang mga pagdududa, lalo na at makailang ulit niyang nakikita noon si Catherine at nakikita niya sa mga mata nitong gusto pa siya nito. Ngayon, handang-handa na siya sa bagong hinaharap.

Patuloy na hinagod niya ang ulo ng asawa at napatawa mayamaya nang humilik na ito. Sadyang pagod na pagod ito. Kung hindi pa niya ito inawat kanina at doon ito matutulog sa ospital. Hindi niya kailanman nakitaan ang babae ng ganoon katinding dedikasyon sa pagtulong sa isang partikular na tao.

Ang sabi ni Casilda ay mabait daw dito ang kaibigan nitong si Mira na kasalukuyang nasa ibang bansa upang tustusan ang pangangailangan ng ama. Nagpaalam si Casilda sa kanya noong nakaraang linggo dahil tinawagan daw ito ni Mira at pinakiusapan na kung maaari ay ito ang mag-asikaso sa ama niyon dahil hindi iyon makakauwi.

Noong una ay hinayaan niya si Casilda hanggang sa na-curious siya sa ginagawa nito, sinamahan na niya ito. Alagang-alaga nito ang matandang lalaki at maging siya ay hindi maiwasang matuwa sa matandang lalaki, lalo na sa lola ng Mira na iyon. Palabiro ang matanda at mahilig na magkuwento tungkol sa apo nito na ubod daw ng bait.

At oo, nais niyang makilala ang Mira na kaibigan ni Casilda. Marahil sa pagbabalik ng babae ay yayayain niya iyong mag-dinner kasama ang asawa.

Nang makarating na sa bahay ay pinangko niya si Casilda papasok sa silid. Napapatawa siya sapagkat papalakas ng papalakas ang hilik nito. Even the sound of that was endearing to him. Para bang ginayuma siya ng babaeng ito. It was a blessing since she was already his wife.

Kapag naiisip niyang hindi man lamang niya ito naligawan ay parang nahihiya siya sa sarili niya. The woman deserved to be wooed. Ah, he was being romantic but he liked it. Sa katunayan ay naiisip niyang ibig niyang muling pakasalan ang babae.

Umungol muli si Casilda nang maibaba niya ito, hinagkan niya ito sa noo. Umunat siya at tatabihan sana ang babae nang magsalita ito.

"Pupunta ako sa UP mamaya, 'La..." ungol nito, malinaw kahit tila lango ang nagsalita. Napansin din niyang bagaman ungol iyon ay nawala ang kakaibang timbre ng tinig nito. Casilda's voice was deep, a little more feminine than Bea Arthur's voice but almost as deep.

Hindi niya maunawaan kung bakit sinasabi nito ang ganoon. Ang "La" bang sinabi nito ay "Lola?" At UP? Hindi nag-aral doon ang babae. Sa UAP ito nag-aral. Ah, marahil namali lang siya ng dinig. Maybe she meant to say "UAP" and just missed one letter. Maybe she was calling a friend named Lala. Nahiga na siya sa tabi nito. Agad itong sumiksik sa kanya, saka sinambit, "Melchiorre."

It was heaven. Just heaven.

Melchiorre and Mira - Dreams of Passion 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon