Chapter 3

36.2K 703 11
                                    


Hindi naging madali kay Mira ang magdesisyon para sa trabaho, hindi dahil sa ibig niyang manatili sa lusak na kinaroroonan niya at ng kanyang pamilya, kundi sumumpong ang konsensiya niya. Sa huli, naisip niyang kung walang tapang ng sikmura ay walang mangyayari sa kanya. Isa pa, dinala sa ospital ang kanyang ama at dahil batid nitong wala silang pambayad doon, nagtangka itong tumakas ngunit nahuli ito ng guwardiya. Awang-awa siya habang lumuluha nitong ikinuwento kung bakit bigla ay kailangang tahiin ang noo nito. Sa pagtakas nito ay nahulog ito sa hagdanan ng ospital, palibhasa ay mabuway ang mga biyas nito dahil sa sakit.

Ang sabi sa kanya ni Jeremy, ang trabaho ay magpapanggap siya bilang ibang tao at mababago ang kanyang hitsura sa pamamagitan ng plastic surgery. Parang kuwento sa pelikula na nang sabihin nito iyon sa kanya ay napatawa siyang bigla, akala niya joke, pero nang makitang seryoso ito ay natigilan na lang siya at inalam kung sino ang kanyang gagayahin.

Ayaw nitong sabihin. Kapag pumayag na lamang daw siya ay saka nito sasabihin sa kanya. Kailangan daw siya ng mga ito sa loob ng humigit-kumulang isang taon lang. Bibigyan siya ng mga ito ng halagang tatlong milyong piso. Makakabayad na siya ng utang, makakabili pa siya ng bato para sa ama niya. Ang posibilidad pa lamang na binuksan ng halagang iyon ay sapat na upang mapaluha siya.

Ngayon ay nasa isang ubod ng laking bahay sa Ayala Heights siya, doon siya pinapunta ni Jeremy. Hinainan siya ng masasarap na pagkain, animo huling kain na niya. Hindi siya makakain sa labis na kaba. Sino ang taong gagayahin niya at bakit? Ikukulong ba ito? Kung makukulong ito sa preso, hindi siya papayag natural. Pero naisip niyang kung ganoon ang mangyayari, bakit pa mag-e-effort ang mga itong pagpanggapin siya? Sana ay iretoke ang mukha ng salarin, hindi siya.

"How are you?" tanong ni Jeremy. Kabababa pa lang nito sa mataas na hagdan.

"Okay naman. Ikaw?"

"I'm great. Ever since I saw you, I've been great." Ngiting-ngiti ito. Tumango siya, iyon lang ang nakuha niyang maging reaksiyon. "Are you in?"

"Gusto ko munang malaman kung ano ang gagampanan kong papel bilang kung sinomang ipapagawa mo sa akin. Baka kasi ikamatay ko naman iyan, hindi na bale."

"You'll be playing the role of a former model, wife of a very rich man."

"At ang totoong model, saan magpupunta?"

"I do believe that's none of your business. You just have to know that you will fill her shoes for a year, more or less, for reasons I cannot disclose to you as well."

"Ito bang richest man na ito ay maayos? Baka gawin niya lang akong punching bag? Baka tanghalin akong bangkay."

"Of course he will not hurt you. I'm pretty sure you know him, his name is Melchiorre Sandejas. He's a businessman and a painter."

Nakatingin lamang siya sa lalaki, naghihintay kung kailan nito sasabihin sa kanyang, "Joke, joke, joke!" Sapagkat kilala niya si Melchiorre Sandejas, wala yatang hindi nakakakilala rito. Naging sikat ito sa masa nang maging nobya nito ang isang sikat na artista noon. Napukaw ang interes ng marami sapagkat si Melchiorre ay mas guwapo pa sa mga artistang nakikita madalas sa telebisyon. Sa pagkakaalam din niya, naaksidente at na-comatose ang lalaki noong nakaraan, nabasa niya iyon sa diyaryo.

Higit sa lahat, alam niyang si Casilda Boyd ang asawa nito, isang dating modelo, mestiza, may lahing-puti bagaman mas lamang pa rin sa hitsura ang pagiging Asyano. Ibig-sabihin, ang magiging mukha niya ay iyong kay Casilda? Sigurado ba itong si Jeremy? Alak-alakan lang yata ng babaeng iyon ang kamukha niya!

"Magiging si Casilda ako? Bakit?"

"Are you in?" tanong nito. Matagal bago siya nakatugon. Tumango siya. "Okay then, I'll tell you, but first, I would like to introduce you to Casilda." May tinawagan ito sa intercom at mayamaya nga ay nakita niyang pababa sa hagdan ang isang babaeng ubod ng ganda. Ang una niyang napansin ay ang gasang nakadikit sa kaliwang pisngi nito. Pangalawa ay naisip niya, kung mayroon silang pagkakatulad, iyon ay ang kanilang tangkad at ang cheekbones nila. Iyon lang. Kumpara sa babae, lumalabas na mataba siya—dahil anorexic yata ito. Butu't balat na halos.

"Is she the one? She's too fat," wika nito, nakasimangot. Malaki ang tinig nito, parang pinaghalong Jaya at Zsa-Zsa Padilla na parang tinig ng binabae. Umismid ito. "She would be so lucky to have my face. I don't want her possessing my face afterwards, okay? No one else can have my face."

Muli, tumango si Jeremy. "Of course."

Mataas ang noo ni Casilda nang itanong, "Well, can she do me?"

Binalingan siya ni Jeremy. "Can you do her voice, Mira?"

Tumango siya at nang bigyang-udyok ni Jeremy ay ginaya na nga niya ang tinig ng babae. "Is she the one? She's too fat. She would be so lucky to have my face. I don't want her possessing my face afterwards, okay? No one else can have my face," paggaya niya sa babae, kasama ang supladang reaksiyon nito.

"Excellent!" si Jeremy, habang si Casilda naman ay ngumiti, ngiti ng tagumpay iyon.

Nagpaalam si Jeremy at pumasok ang dalawa sa isang pintuan, marahil patungo sa kusina. Noon siya nakaramdam ng pamimigat ng pantog. May dumating na kawaksi at itinanong niya kung nasaan ang banyo na agad itinuro sa kanya. Nagtungo siya sa pinuntahan nina Casilda at Jeremy at papasok na siya sa banyo nang maulinig niya ang usapan ng dalawa.

"What if they pull the plug on Melchiorre?" tinig ni Jeremy.

Maaskad ang tinig ni Casilda nang magsalita ito. "You're kidding. They will never pull the plug. That bastard is gonna live forever. If he wakes up from the coma—and I hope he doesn't—I don't want see his face ever. I could've died in that accident if I was sitting on the wrong side of the car. But at least that took care of the baby problem. And it cost him his leg so that's a bonus."

Nagsalita si Jeremy. "If he dies?"

"Then that's great. I look good in red." Tumawa si Casilda. "We have to get moving, Jeremy, and fast. He can wake up any second. That woman should be ready by then, what's her name again?"

"Mira. Baldomera Daet."

"Ugly name, ugly face. We fly to Thailand as soon as possible."

Nangmakarinig siya ng pagkilos at pumasok na siya sa banyo, malakas ang sasal ngdibdib. May ideya na siya kung ano ang pinasok niya, at nalungkot siya sakatotohanang labag man iyon sa kalooban niya ay kailangan niyang patatagin angkonsensiya. Laro na ibang tao iyon, magiging isang empleyado lang siya. Trabaholang, walang personalan. Walang bayad kapag namersonal siya. At mahigpit namahigpit ang pangangailangan niya.

Melchiorre and Mira - Dreams of Passion 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon