Chapter 14

28.1K 611 8
                                    

"HE GAVE you what?"

"Flowers, Ma'am. Roses," wika ni Mira sa kausap, si Casilda iyon, tumawag sa kanya alas-tres ng madaling araw at nangnungumusta kung ano na ang sitwasyon nila ni Melchiorre. Nabanggit niya ritong nang nagdaang araw ay binigyan siya ng lalaki ng isang bungkos ng bulaklak, malalaki at imported na roses. Halos matunaw siya sa kaligayahan.

"Oh, really? Tell me, have you been acting like a complete and total whore to him using my face?" sigaw nito.

Nabigla siya. Hindi ba dapat na masaya ito sa balita niya ngunit bakit tila galit pa ito sa kanya? Bagaman hindi totoo ang sinasabi nito ay nakakairita ang akusasyon, lalo na kung parang isinusumbat pa nito ang pagpapagamit ng mukha nito sa kanya. Hindi siya nakatiis, ipinaalala niya rito ang sitwasyon, "Ma'am, kayo po ang may plano ng lahat ng ito. Hindi ko po alam na kailangan ko palang galitin si Melchiorre. Iyon po ba ang gusto ninyo, iyong hindi niya ako bibigyan ng bulaklak?"

"Don't speak to me like that, you have no right!"

Tumahimik siya. Nagpatuloy ang babae sa paghahabilin sa kanya, bagaman hindi na iginiit ang unang paksa. "Convince him to give me a bigger allowance, that's your new mission."

Muntikan na siyang mapaismid. Ang gandang misyon noon. Ang allowance nitong hindi niya nahahawakan, kailangan niyang palakihin.

"Magkano po ba ang monthly allowance na nakukuha ninyo?"

"Just for reference, it's half a mil, that cheap bastard. I need for him to double it for now, at least."

Muntikan na siyang mapabuga. Hindi niya maiwasang isiping parang iginigisa pala siya sa sarili niyang mantika ng babae. Hindi ito naglabas ng pera sa kanya, kung tutuusin, sapagkat sa pagpapakasal niya kay Melchiorre ay mayroon itong nakukuha buwan-buwan na higit pa sa ibinibigay nito sa kanya.

"May balita po ba tungkol sa kidney donor?"

"Jeremy is going to call you soon about that."

"Sana po makausap na rin niya ako agad para po makausap ko na rin si Melchiorre tungkol sa allowance ninyo." Hindi siya asshole pero naisip niya bigla na kung ganito ang ka-deal niya, may posibilidad na hindi tumupad ang mga ito sa usapan at dahil tali siya sa trabaho niya ay hindi siya personal na nakakakilos para sa kanyang ama. Kung maghihintay siya sa hakbangin ng mga ito, baka abutin na sila ng siyam-siyam at walang oras ang ama niya.

"Are you threatening me?"

"Nagpapaalala lang, Ma'am. Tali ang oras ko rito para personal na maghanap. Kailangan ko ng tulong ninyo, kailangan ninyo ang diskarte ko, magtulungan po tayo."

"Fine!" singhal nito at nawala na ito sa linya.

Muli siyang nahiga at dahil hindi na siya makatulog ay bumangon na rin siya, naglakad-lakad sa loob ng silid. Masaya siya sa nangyayari sa kanya roon ngunit mayroong mundong naghihintay sa kanya sa "labas."

Alas-singko ng umaga, nasa kusina na siya, katulong na ng mga kasambahay na magluto ng almusal. May kaligayahan siyang nadarama sa pagsisilbi kay Melchiorre. Tutal ay naroon na rin siya sa estadong iyon, bakit hindi niya pa sagarin? Bakit hindi pa niya itotodo ang pagiging isang asawa na nagsisilbi?

Noong una, katulad ng lahat ng ginawa niya, ay hindi halos makapaniwala ang lalaki na marunong siyang magluto, ngunit sinabi niya ritong matagal na siyang may alam sa pangungusina, lamang ay nahihiya siyang subukan na ipagluto ito at baka hindi nito magustuhan. Alam niyang nagluluto rin ang totoong Casilda at nakatikim na rin siya ng luto nito. Masarap naman. Iyon lang, para tila kay Jeremy lang ang mga iniluluto nito.

Dahil madalas na kasama niya ang mga kawaksi ay naging kaibigan na niya ang mga ito. Noong una ay aloof ang mga ito hanggang sa natuto na ring makisabay sa kanya sapagkat madali niyang napakibagayan ang mga ito. Naiisip nga niyang kung magsu-switch na silang muli ni Casilda, marahil ay bahagya itong mahihirapan sa pag-a-adjust bagaman problema na nito iyon.

Melchiorre and Mira - Dreams of Passion 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon