Chapter 27

27.5K 678 12
                                    

"MELCHIORRE... Teka nga, bakit ba ang haba ng pangalan mo? Melchi ka na sa akin ngayon." Pilit kinakalma ni Mira ang sarili. Nasa labas sila ng bahay ng mga magulang nito at naroon din daw ang ilang mga kamag-anak nito. Tensiyunadong-tensiyunado siya, kahit pa sinabi ng lalaki na wala siyang dapat problemahin.

Tumawa ito. "I told you, everything's going to be fine."

"Hindi naman maiiwasan, Melchi, na mainis sila sa akin, 'di ba? Ako man ang lumagay sa puwesto nila, baka nagwawala na ako."

"Relax."

Humugot siya ng malalim na hininga at naglakad na sila papasok. May ilang tao roon na hindi niya kilala at ipinakilala sa kanya ng lalaki bilang mga tiyahin nito, asawa ng mga iyon, at mga pinsan nito. Lahat ng mga iyon ay ngumiti sa kanya. Mukhang mababait ang mga iyon, ngunit ang inaalala niya ay ang mismong mga magulang at kapatid ni Melchiorre.

Nang lumapit sila sa mga ito, napansin niya agad na hindi na kasing-init ang naging pagtanggap ng magulang nito sa kanya. Si Nunzio ay parang naiilang, habang si Nicci naman ay halatang walang pakialam. Naka-gown ang babae, ang suot na sapatos ay cowboy boots.

Mayamaya ay niyaya siya ng mama ni Melchiorre na mag-usap. Agad siyang sumunod dito. Nagtungo sila sa lugar na malayo sa mga bisita. "How are you, hija?"

"Ma'am, pasensiya na po kayo sa mga nagawa ko."

"Sa akin, hija, wala namang problema, nauunawaan kita. My husband has his doubts but I'm sure in time you will prove him wrong."

Nangliit siya. "Ma'am, hiyang-hiya po ako sa inyo. Gusto ko pong mag-sorry kay Sir Fabrizio," tukoy niya sa asawa nito.

"I said I understand, hija. Kung ako lang, gusto ko sanang maikasal kayong dalawa ni Melchiorre, pero siguro nga mas magandang magkakilala muna kayo ng husto. I am against living together, but my husband thinks it's for the best. Ang sabi niya, dahil sa nangyari, mas magandang lubos muna kayong magkakilala ni Melchiorre."

Hindi man direkta ay batid niyang tutol sa kanya ang ama ni Melchiorre at nauunawaan niya iyon. "Ma'am, salamat po."

"I'm still a hundred percent sure you'll make my son happy. I have faith in the Gypsies. And quite honestly, anak, I trust in you." Pinisil nito ang palad niya.

Parang natunaw ang puso niya. Ang marinig mula rito ang pagtawag sa kanya ng "anak" ay nagdulot ng kapanatagan sa isip at puso niya. Nagpasalamat siya rito at bumalik na sila sa pagtitipon. Nagpaalam itong may kakausapin daw na bisita. Hinanap na niya si Melchiorre at natigilan nang matanawan sa 'di-kalayuan ang isang mukhang hindi niya inaasahang makikita roon: si Catherine.

Nagtama ang mga mata nila ng babae at kumunot ang noo nito, saka naglakad palapit sa kanya.

"You're Mira, right?" anito.

Tumango siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito, at sa palagay niya ay wala siya sa lugar na itanong kung ano ang ginagawa nito roon. Pinagmasdan siya nitong maigi, bumaba ang tingin mula sa kanyang mukha, patungo sa kanyang mga sapatos.

"What are you still doing here?" Mayroong hindi maipagkakailang galit sa tinig nito. "Hindi ka pa ba masaya sa gulong ginawa mo?"

"Gulong ginawa ko?" Labis siyang nabigla, kasabay ng pag-alsa ng galit niya. "Sa pagkakatanda ko, si Casilda ang gumawa ng gulo."

"How dare you speak to me that way! I'm trying to clean up the mess she created! Ikaw ang huling taong inaasahan kong makita pa rito. If you had any decency left, you will leave Melchiorre alone. Do you understand me?"

"Sa palagay ko, hindi mo na sakop pa ang bagay na 'yon, Catherine. Naiintindihan kita sa isang banda, pero personal ko na ito ngayon."

"How much do you need?"

Melchiorre and Mira - Dreams of Passion 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon