Chapter 18

27.1K 698 23
                                    

"YOU KNOW, Ate Casilda, I like you. I really, really do."

Napangiti si Casilda sa tinuran ni Nicci, ang bunsong kapatid ni Melchiorre. Minsan nang nabanggit sa kanya ni Melchiorre na problema daw ng mga magulang nito ang bunsong kapatid. Nakikita niya iyon base sa pananamit pa lamang ng babae na sadyang hindi akma sa personalidad ng mga magulang nito.

Ang suot nito ngayon ay isang T-shirt na mayroong larawan ng dalawang naghahalikang lalaki, pantalong maong na hapit sa katawan, at Ugg boots. Kulay orange ang lipstick nito, ang buhok ay naka-mohawk—undercut at nakatayo ang gitna, kulay matingkad na pink.

"You do?" aniyang naupo sa tapat nito.

"Yeah. Pasensiya na kung naiistorbo ko kayong mag-asawa. I wanted to ask Mama and Papa for some cash, but they wouldn't give it to me, so here I am."

"Saan ka pupunta niyan?"

"Rosario. I'm going to surprise Henrietta, our cousin. One time when we were kids I told her I'd get a mohawk one day."

Napatango siya. Sa tingin niya ay weird ang babaeng ito, bagaman mukha namang mabait. Dumating na si Melchiorre, inabutan ng isang envelope ang kapatid. Agad tumayo si Nicci, niyakap si Melchiorre, saka siya niyakap. "If I didnt know any better I'd say you're not the bitch that my brother married."

Parang nanglamig siyang bigla. Nagtama ang mga mata nila ng babae, saglit na saglit lang. Lalo na siyang binaha ng kaba. Mayroong kung anong kislap sa mga mata nito, bagaman naisip niyang marahil ay naghahalusinasyon lang siya. Paano naman nito malalaman? Hindi. Imagination lang niya ang lahat.

"Nicci!" bulalas ni Melchiorre. "Don't make me regret giving you money."

Tumawa lang ang babae. And then she skipped like a little child until she reached the door. Isang babaeng mohawk ang buhok na palundag-lundag na animo namamasyal sa damuhan, masayang-masaya, umawit ito na parang wala nang tao sa paligid—I Feel Pretty—at tuluy-tuloy nang lumabas na parang nalimot na ang lahat.

Napatingin siya kay Melchiorre. Bumuntong-hininga ito, nagkibit ng balikat, saka naglakad patungo sa bintana at sumunod siya. Sumilip sila roon. Hanggang sa driveway ay palundag-lundag sa paglalakad si Nicci hanggang sa marating nito ang Mini Cooper nito. Lumingon ito sa bintana, tumingin sa kanya, saka nag-Rock and Roll sign sa kamay nito.

"Rock on, sister." May kakaibang pagdiin ang huling salitang binanggit nito, dahilan upang manlamig ang puso niya, bagaman pinasibad na nito ang sasakyan na para bang walang nangyari. Agad siyang napatingin kay Melchiorre.

"Menopause baby," tila paliwanag ng kanyang "asawa."

Tumango siya, nanglalamig pa rin ang loob. Pero wala siyang magagawa sa ngayon. Pumuwesto sila sa couch. Muli, nagyaya ang lalaki na magtungo raw sila sa kung saang bansa para mamasyal. Napakarami na nitong nabanggit—mula France hanggang Singapore, parati siyang may dahilan—kesyo malayo, hindi maganda, hindi niya feel. Nauubusan na siya ng dahilan. Ang simpleng katotohanan ay batid niyang hindi uubra sa fingerprint scanner ang fingerprints niya, lalabas na hindi siya si Casilda at hindi rin niya maipipresenta ang passport niya bilang Mira sapagkat malayo roon ang hitsura niya, bukod sa kung sa Europe nagyayaya si Melchiorre ay wala siyang visa roon. Noong nanggaling sila sa Thailand ay ginamit nila ang koneksiyon ni Jeremy, VIP check in sila, bukod sa chartered ang eroplano.

Habang hawak ang kamay niya ay nagtanong ito. "Since when did you decide Paris is boring?" tanong nito. "I heard you used to stay there for months."

"Noon. Ngayon ayokong umalis sa Pilipinas. Dito na lang tayo sa bahay."

"I want to be with you, just the two of us in a place where we don't know anybody."

Naalala niyang si Casilda nga pala ay semi-sikat. Kapag namamasyal sila sa mga mall ay madalas siyang pinagtitinginan ng mga tao, marahil dahil pamilyar sa mga ito ang mukha ni Casilda. "Eh, di mag-day off ang mga kasamahan natin dito sa bahay para dalawa lang tayo rito. Puwede tayong maghabulan sa labas."

Melchiorre and Mira - Dreams of Passion 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon