Chapter 4

32.7K 668 5
                                    

"HOW ARE you feeling?"

Tumingin si Melchiorre sa doktor na nagsalita. Hindi siya makatugon. Parang manhid ang buong katawan niya at magaspang din ang pakiramdam ng lalamunan niya.

"Water," sambit niya.

Inalalayan siyang makabangon at sumandal sa headboard ng doktor, katulong ang kanyang ina at isang nurse. Natigilan siya nang makita ang katawan niyang may takip na kumot. Something looked off. Tila walang laman sa ilalim ang bahagi ng kumot na nakatakip dapat sa kanyang kaliwang binti. At marahan, habang unti-unting nanunumbalik ang ngalay na pandama niya ay naunawaan niya na mayroon nang kulang na bahagi ang kanyang katawan.

"Hijo," umiiyak na sambit ng kanyang ina. "It had to be cut off." Humahagulgol na ito sa puntong iyon. "I'm so sorry, I'm so sorry, hijo."

Funny, his first thought was, "Is Catherine okay?"

"Y-yes, she's fine. She will be here soon."

Uminom siya ng tubig, saka muling nahiga. "And my wife?"

"S-she lost the baby. Malaki ang naging pinsala sa kanya, anak. Right now she's in the States. She needed to have her face redone. It was... it was awful. The accident took away so much. So much, hijo."

May tumundong aspile sa kanyang puso para sa isang batang hindi niya alam na mahal na pala niya. How bitter was this situation for them all, he realized. At marahan, unti-unti ay nais niyang tumawa nang mapait nang tumimo sa isipan niyang ang dahilan kung bakit niya pinakasalan si Casilda ay wala na. Ngunit kasal na sila nito. Did Casilda hate him for protecting Catherine, instead of her, his wife?

"Hijo?" pukaw sa kanya ng kanyang ina. "Are you all right?"

He will never be. Kung noon nangyari na nawala ang bahagi ng katawan niya, marahil ay iisipin niya nang katapusan na iyon ng kanyang mundo. Ngunit nagkakamali ang kanyang ina, his left leg didn't bother him at all and he knew that that should bother him. But it didn't. He did not care. How could he care about a fucking leg when his heart was shattered when he married Casilda; and the tiny shards of that heart that remained were ripped off after learning that he lost his baby in that accident.

Kung si Casilda ang pinotektahan niya, buhay pa kaya ang bata? Kung ganoon ang ginawa niya, si Catherine ba ang mawawalan ng binti? Would he choose that over the life of his child? Maybe not. Dahil anoman ang gawin niyang pag-iisip tungkol sa batang iyon ay isa't isa ang ideyang kinahahantungan niya—kung hindi sa kanya iyon, hindi maglalakas-loob si Casilda na ipasagot iyon sa kanya sapagkat darating at darating ang oras na malalaman niya ang totoo. Maybe deep in his heart he believed the child was his. Maybe it was what convinced him to marry Casilda in the first place.

"Hijo..." sambit ng kanyang ina, hinaplos ang kanyang ulo.

"Where's the baby?" tanong niya. "Where did they burry my baby?"

Melchiorre and Mira - Dreams of Passion 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon