Chapter 1: Seal it with a kiss

2K 29 22
                                    

Chapter 1: Seal it with a kiss of contract

First day of school ngayon sa Fameus Academy. Kung saan dito halos lahat pumapasok ang ilan sa mga sikat na mga tao sa Seoul bukod sa Seoul performing arts university. Pero meron pa din naman na mangilan-ngilan na ordinaryong tao lang. At dito ngayon magttransfer ang ating bida na si Go Karin kasabay ng kanyang bestfriend na si Chloe Ho. Ayaw kasi nitong humiwalay dahil kahit saan ito mapadpad ay minamalas ito.

Magkasabay silang naglalakad sa hallway ng school, at dahil sa bagong transfer sila ay di maiiwasang tignan sila ng mga estudyante roon.

"Ay grabe Lui! Talaga ngang Fameus ang dapat na tawag sa school na ito. Tignan mo sila oh kung makatingin sa atin. Ibig sabihin ba nun famous na din tayo?" Natutuwang saad ni Karin ng mapansin nya ang mga tao sa paligid nila.

Napailing na lang si Chloe sa narinig. "H-huh? Loka ka talaga, Rin. Manhid ka ba. Iba yung tingin ng mga yan sa atin para ngang papatay e. Feeling ko tuloy...Mukhang di tayo welcome dito." Inis na saad nya.

"Ganun? Bakit naman?" Parang batang tanong ni Karin

Napashrugged na lang si Chloe. "Who knows mga famous kasi sila eh kaya siguro ganyan sila sa mga ordinaryong student na tulad natin lalo na't bago pa tayo."

"Awwts naman yun." Malungkot na sambit ng dalaga.

Ilang lakad din ang nagawa nila bago dumating sa office ng school nila para makuha ang mga I.D at schedules nila. "Okay here's your schedule mga newbies. Sana magenjoy kayo sa school na ito. Magaral at wag magpasaway. Kasama na jan ang mga rules and regulations ng school basahin nyo na lang hangga't maaga pa at mamaya pang alas 8 ng umaga ang klase ninyo." Sabi ng registrar

Ngumiti at tumango ang dalawang dalaga bago ito lumabas ng office at humanap ng mapagtatambayan muna nila dahil 7am palang ng umaga at napaaga talaga sila ng dating.

"Napakalaki naman ng school na itey ano Lui ^_^" ngiting waging saad ni Karin ng mapunta sila sa garden at umupo sa isang bench doon.

"Yep, mahirap din sa atin ito lalo na't pareho tayong walang sense sa direction.-_-" respond ni Chloe

Napatango-tango naman si Karin sa sinabi ng BFF nya. "Hays, tama. Hmm ay teka nawiwiwi ako." Di mapakaling sambit ng dalaga

"Oh sige samahan na kit-" "hindi na sis ako na lang sigeeeeee." Patakbong saad ni Karin.

Napailing-iling na lang si Chloe. "Hay nako pasaway talaga."

Karin's POV

Nagmamadali akong tumakbo para maghanap ng CR grabe bigla naman ako nawiwiwi...What a first day, ahmm teka ang laki pala talaga nitong school ang hirap hanapin ng CR. huehue pano na lan-AYUN! Yes makakajingle na din ako hihi.

Nagmamadali akong pumasok ng Cr para makawiwiwi na. Matapos eh nagwash na ko ng hands at pinatuyo ito sa hand dryer nila dito.

So ang problema ko na lang is yung pabalik sa garden. Wew ang aga kasi namin wala pa tuloy masyadong tao dito T.T. Wala tuloy akong mapagtanungan.

----Wait dito ba yun? Saan ba ko dumaan kanina??

Turned left. Walk straight turned right.

Ay teka O.O hindi ito yung dinaanan ko kanina TT.TT andito tuloy ako sa abandunadong building ng school namin napadpad. Abandunado kasi mukhang di na ito ginagamit nakakatakot baka maraming mumu dito.HuehuehueChloe??! Sana pala nagpasama na lang ako para may kasama akong naliligaw dito!

Paalis na sana ako ng may marinig akong nagsasalita?? O.o??? T-teka m-may multo ba ng ganto kaaga? Nanginginig tuloy ako uwahhhh !!!

-Mamaya na lang babe baka may makakita-

-Wala naman makakakita satin dito.-

Eh?

T-teka hindi naman nagsasabi ng ganun ang mga mumu ah? Nacurious tuloy ako..

Kaya sa sobrang curious ko sinundan ko yung boses kung saan nanggagaling. Ni hindi ko nga napansin na nakapasok na pala ako sa abandunadong building. Hanggang sa mapadpad ako sa harap ng isang kwarto na medyo nakauwang yung pinto. Sinilip ko ito at lalong nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. ????

D-dalawang l-lalaki n-NAGHAHALIKAN???????

*Blink* *Blink* Totoo ang nakikita ko nagkikiss nga sila as in torrid kiss yung sa mga napapanood natin sa movie.

OHHH MYYYYYYYYY???!

Rated SPG po ito. Kyahh bata pa ko I need to get out of here baka mahuli nila ako! Dahan dahan na sana akong aalis ng aksidenteng masanggi ko yung lumang base sa gilid ng pinto at bumagsak ito kadahilanan ng pagkagulat ng dalawa.

Lalo akong kinabahan ng marinig kong may isa sa kanila ang palabas ng kwarto kaya nagmadali akong maglakad palayo ng di lumilingon.

"Hoy! Ikaw! Hoy tumigil ka nga!" Sigaw nung isang lalaki este pusong babae, hindi ko sya pinansin sa takot ko lalo ko pang binilisan.

*oh diyos ko please wag nyo po ako hayaang mahuli ng kung sino mang lalaki ito!!! Chloe help me Huehue.*

"Hoy sinabi ng tumigil ka eh." Pagkasabi nya nito ay bigla ko na lang naramdaman na may humablot sa aking braso. Napakahigpit kadahilanan ng paghinto ko.

"Ahhhhhh. Bitiwan nyo po ako! Pramis wala po akong nakita! Hindi ko po nakitang naghahalikan kayong dalawa!!!!!Uwahhh please parang awa nyo na po!! T.T" sigaw ko ng mahuli nya ako at isinandal sa pader.

Nakatungo ako at nakapikit ayoko makita ang galit nyang mukha. Nangangatog ako sa takot.

"Tsk walang nakita huh? Ginagago mo ba ko huh?" Inis na sambit nya.

"H-hindi po!" Nauutal na sagot ko.

"Tumingin ka nga sa akin babae ka!" Asik nya kaya imblis na mapatingin ako lalo akong natakot natakot at napatungo.

"A-ayoko po!...P-parang awa mo na paalisin mo na ko!" Naiiyak na sambit ko.

He slaps his hands on both sides of the wall behind me! Ayoko na nakakatakot na talaga sya kaya napatingin ako sa mukha nya sa sobrang takot T.T

Nang makita ko ang kanyang mukha, naghalong kaba at gulat ang naramdaman ko. Isang napakagwapong lalaki ang nasa harapan ko may galit man ang nakahulma sa kanyang mukha ay di mo pa ring maiiwasang mapatitig sa kanya..

I-isa ba sya sa lalaking nakikipaghalikan kanina? Hindi ako makapaniwala. Kung ganoon? Sayang sya...

Nakatitig lang ako sa kanya habang sya'y panay ang tingin sakin ng masama.

"Now, lahat ng nakita mo ay kakalimutan mo na paglabas mo ng building na to! Wala kang pagsasabihan sa kahit na anong nakita o nalaman mo. Maliwanag??!!" Nakakatakot na boses na sabi nya.

Napalunok ako ng laway sa narinig. "P-pero b-bakit?"

Tumalim lalo ang tingin nya sakin. "You're stupid! Sa tingin mo ba kapag hindi mo tinikom yang bibig mo, magiging okay ang lahat sa amin? Kapag nalaman nila ang totoo ay masisira ang reputasyon namin. Kaya kung gusto mong maging maayos ang pagaaral mo sa school na to. You better shut your mouth up!"

"P-pero masama ang maglihim hindi ba? Bakit di nyo na lang aminin ang totoo. Mas makakahinga kay-ahdhksdkdjshj"

I was cut off by the sudden kiss from him. Nanlaki ang mata ko sa nangyayari bakit nya ko kinisan!! Yung first ko huhuhuhuhu.

Akala ko ba bakla sya? Huhuhu

After a few seconds he broke the kiss.

"Now, I sealed that secret with a kiss. Starting from now, wala kang pagsasabihan ng kung ano about dito kahit kanino. At para makasiguro ako you'll be my servant or my personal maid so that I could assure that you won't say a thing about it. Wag ka magalala. May sahod ka naman sa akin. Bukas I'll see you here on the same spot and on the same time. Para pirmahan mo ang contract at malaman mo ang mga rules and regulations ko. Got it?!"


N/A: It's raw hindi ko pa sya naeedit ng bongga and i am really nervous to post this kasi who knows baka walang magbasa. Hueheuhue so yeah hope meron naman magbasa kahit papano pls give it a shot. Thank you. Gonna ready the other chappies laterz..

A kiss from a dangerous gay?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon