Chapter 12: The Date thingy

486 22 13
                                    

Chapter 12: The Date thingy

Pauwi na sana si Hansaem ng makasalubong nya ang kanyang pinsan na nagmula pa sa London. Malapit na rin sya sa park kung saan naguusap sila Karin.

"Hey couz!" Bati sa kanya ng isang napakatangkad na lalaki. Na kung titignan mo eh mukha itong prinsipe. Tindig at sa pananamit pa lamang ay masasabi mong di sya basta bastang tao.

Ang kanina'y badtrip na si Hansaem ay nagulat ng makita ito. "Oi insan! Sebastian?!! Bakit andito ka? Diba nasa london ka?" Takang tanong nya.

Ang lalaking nagngangalang Sebastian ay ngumiti sa kanya bilang pagtugon. "As usual its about business. At naisipan kitang bisitahin dito. And oh may gusto rin sana ako sayong itanong since member ka ng student council." Sagot nya.

Napatango-tango naman si Hansaem habang nakikinig ito. "I see. Namiss mo talaga ako insan. Hehe. Yep anu ba yang itatanong mo?"

"Gusto ko kasing malaman ang pangalan nung babaeng nakaglasses na nakita ko kanina." Sagot ni Sebastian.

Tumingin ng nakakaloko si Hansaem sa kanya na tila nanunudyo. "Hmm ano yan insan. Ngayon ka lang nagpahanap ng ganyan ng dahil sa isang babae. Di kaya hmm. ?? You're a womanizer couz and yet mahina ka pa rin."

Sebastian smirks. "You can say whatever you want, saem. So Tell me matutulungan mo ba ko?"

Hansaem shrugged and put his hands at the back of his head. "Of course. Iisa lang naman ang babaeng kilala kong nakaglasses rito eh." He grinned.

Kinabukasan

Maagang nagising si Karin dahil excited sya sa date nila ng bessie nya. Kaya agad na syang nagayos ng sarili at ng mga susuotin nya sa lakad maya-maya lang.

Matapos eh bumaba muna sya para magalmusal. Kung saan nandun ang kanyang ina na nakangiting naghihintay sa kanya sa kusina.

"Oh anak, Karin good morning. Tara at kumain na tayo ng almusal." Bati sa kanya ng ina.

Ngumiti sya at binigyan ito ng halik sa pisngi at bumati. "Good morning mama." At umupo na, nagdasal at nagsimulang kumain.

"Anong oras ba ang lakad nyo anak?" Tanong ng mama nya

"9am po mama." Nakangiting sagot nya at sumubo pa ng favorite nyang tocino.

Tumango ang ina. "Okay, kasama nyo ba si Hansaem sa lakad nyo mamaya ni Chloe?" Tanong muli nito.

Halos mabilaukan sya ng marinig ito. Bakit naman ata nasama si Hansaem. "Huh? Hindi po ma. Bakit nyo po natanong?"

"Ah wala naman akala ko lang kasi ay kasama nyo sya. Nakakamis din kausap ang batang yon. Sabihin mo nga hija na bumisita naman sya dito minsan." Sambit ng kanyang ina.

Di malaman ni Karin kung anong reaction ang dapat nyang ireact. "Ganun po ba ma. Sige po sasabihan ko po sya." Matapos kumain ay bumalik na sya kwarto at tuluyan ng nagayos.

Karin's POV

Nandito na kami sa mall ni bessie. Dito kasi namin naisipan na pumunta since matagal tagal na rin bago kami nakapunta dito. May bibilihin daw kasi sya dito kaya pumayag na din ako. Mahilig syang bumili ng mga gamit na panlinis sa katawan. Masyado kasi syang malinis at medyo maarte pag dating sa katawan nya.

Kaya kahit may pagkaboyish si Bessie makikita mo talaga ang ganda ng kutis nya na kahit simple lang manamit ay makikita mo pa rin na isa syang dukha. I mean rich kid hihi.

Hihihi buti na lang ako maganda rin ang kutis kong pang natural beauty na kahit di mayaman eh nabiyayaan ako nito.

"Ui Rin. Tulala ka na nakangiti jan? Nakakahiya sa mga tao bessie haha para kang baliw jan. Ano ba nasa isip mo huh?" Pansin sakin ni Chloe.

A kiss from a dangerous gay?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon