Chapter 17: Forgiveness

369 14 6
                                    

Chapter 17:Forgiveness

Karin's POV

This is it pansit!!! Nandito na ko sa harap ng bahay ni master. Jusko bigla akong kinabahan. Umuwi na lang kaya ako?

Wahhh di pwede! Nandito na rin lang ako bakit hindi ko pa ipush. Nagsign of the cross ako at humingi ng gabay kay papa God at kay papa.

Tandaan mo Karin! Buo na ang loob mo na makita sya kaya ka nandito ngayon! Kaya umayos ka! I told myself.

Huminga muna akong malalim bago pumasok sa loob. Di ko pa rin maiwasan na kabahan at manginig >_< asan kaya sya? Para akong ewan maglakad yung tipong ayokong marinig nila yung yapak ko.

Hays Karin mukha kang magnanakaw sa ginagawa mo nyan. Kaya umayos ako ng lakad at pilit pinapakalma yung sarili ko.

Wala sya sa sala, sa kitchen baka nasa kwarto nya sya. Kaya dun na ako pupunta. Aakyat palang sana ako ng hagdanan ng makita ko si master na lumabas galing sa....kwarto ko???? O.O??? Malapit kasi ang hagdanan sa kwarto ko.

Bakit kaya sya galing doon. Nakatingin lang ako sa kanya at hindi na umalis sa kinatayuan ko. Or more like di talaga ako makakilos hanggang sa makita nya na ko ng tuluyan.

"K-karin?" Gulat na pagbanggit nya ng pangalan ko.

Hindi ko alam pero nung narinig ko yun bigla na lang ako napahikbi. Yung boses nya hindi galit. Kaya di ko na namalayan na kusa na kong tumakbo palapit sa kanya at sinalubong sya ng yakap.

Namiss ko talaga sya ng sobra wala na kong paki kahit itulak nya pa ko basta mayakap ko lang sya. Ramdam ko ang pagkagulat nyang muli ng yakapin ko sya. Mahigpit ang yakap ko. Dahil gusto ko iparamdam sa kanya ang pangungulila ko sa kanya. T.T

"Master!" I sobbed.

End of POV

Hansaem's POV

Kalalabas ko lang ng kwarto ni Karin miss na miss ko na kasi sya alam kong kaya sya lumayo saglit ay dahil sa sinabi ni manang. Kahit kailan talaga ako pa rin ang inisip nya. Matagal akong nakatitig sa tapat ng pinto nya ng mapansin ko sa pheripheral vision ko na may tao sa tapat ng hagdanan kaya agad akong napatingin dun.

Nanlaki ang mga mata ko at gulat na gulat ako ng makita si Karin na nakatingin rin sa akin. Totoo ba tong nakikita ko? O baka naghahallucinate na ko ng dahil sa pagkamiss ko sa kanya.

Pero hindi...totoo talagang sya ito!!

Di ako makapaniwalang nandito sya kaya wala sa sariling nabigkas ko ang pangalan nya. At ang mas ikinagulat ko pa ay ang pagtakbo nya papunta sa akin at biglang niyakap ako.

"Master!" Umiiyak na sabi nya. Hindi ko na sya natiis kaya unti-unti ko na din syang niyakap.

Ang sarap sa feeling na nandito sya sa harap ko at nasa bisig ko ngayon. Napawi ang galit at sakit na nararamdaman ko. Tama nga sila dad sundin ko lang ang puso ko at makakamit ko nga ang kaligayahan at sagot sa problema kong ito.

"Master, patawarin mo na ko. Hindi ko na kayang ganito tayo. Miss na miss na kita na kahit natatakot man ako sayo'y di ko natiis na puntahan ka." Saad nya na lalong nakapagpalambot ng aking puso.

"Karin pede mo bang sabihin sa akin ang side mo?" Sa wakas ay nakabuo rin ako ng tanong para sa kanya.

Hindi ko pa rin sya binibitawan at sya rin. "Master, una sa lahat hindi ako nagsinungaling sayo about sa day-off ko nun. Totoong nakasama ko si Chloe at pagkatapos nun ay si Hanyoung. Kaya lang naman ako pumayag na makipagkita sa kanya nun ay dahil kaibigan ko na rin sya at nagtatampo sa akin. Pangalawa talagang kababata ko lang si Hoonie. Namiss ko lang ang taong tumayo bilang kuya sa akin nung mga panahong mga bata pa kami. At sorry dahil nakalimutan ko talaga magpaalam sayo nun. Patawarin mo ko." Paliwanag nya sa akin.

So tama nga. Mali ang paraan ko ng pakikitungo sa kanya. Nagselos ako pero di sapat na dahilan yun para husgahan sya. Apaka tanga ko talaga. "Patawarin mo ko, Karin. Hindi man lang kita binigyan ng pagkakataon magpaliwanag. Kung tutuusin wala naman talaga akong karapatan magalit ng sobra sayo. Sino lang ba ako sa buhay mo. Pero kahit ganun di ko parin maiwasan ang masaktan. Makita lang kitang may kasamang ibang lalaki ay sobrang nagseselos na ako." Sagot ko sa kanya.

Nang marinig nya ito bigla syang napatingin sa akin. "Na-Nagseselos ka master?" She asked with full of curiousity in the eyes.

I smiled bitterly. "Yes. Sobrang nagseselos ako, Karin. Di ko maatim na may ibang lalaki bukod sa akin ang makasama mo. Gusto ko ako lang. Alam mo ba kung bakit?" I asked.

"H-hindi master." She stuttered and stared into my eyes.

Hinawakan ko ang dalawang pisngi nya at tinitigan din sya pabalik. "Dahil Mahal na mahal na kita, Karin." Sinserong pag amin ko.

Alam kong napaka laki ng move na ginawa ko. Pero wala na kong paki. Mas gugustuhin ko pang umamin na kesa patuloy na hindi nya maintindihan ang gusto kong iparamdam.

Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata nya nang lumaon ay napalitan ng mga butil ng luha. Agad kong pinunasan gamit ang aking mga daliri ang mga luha nya. "Master. Totoo ba na mahal mo ako?" Tanong nyang muli.

I nodded firmly. "Yes."

She bit her lower lip bago sya muling magsalita. "Master sa ngayon naguguluhan pa ko sa nararamdaman ko. Mahihintay mo kaya ako?" I smiled hearing it from her.

"Of course, kahit hindi mo sabihin maghihintay ako." I said and gave her a gentle kiss on her lips and on her temple.

Of course mahihintay ko sya. Alam ko na kaya sya naguguluhan ay dahil apart of her may konting nararamdaman narin para sa akin. Kaya maghihintay ako kahit anong mangyari.

At isa pa sa ipapangako ay hindi ko na muli hahayaang masaktan sya ng dahil sa akin.

End of POV

Karin's POV

Sobrang saya ko na napatawad na ako ni master. Hindi na sya galit sa akin. At ang mas nakakadagdag pa ng taba sa puso ko ay yung pag amin nyang mahal nya ko.

Ewan ko ba sobrang saya ko nung narinig ko yun mula sa kanya. Bigla akong kinilig aigoo >\\\<

Hays get a hold of yourself Karin! jusme. I relax myself. Nandito kami ngayon sa sala gusto nya daw kasi magmovie marathon kasama ako. Parang ilang taon nya daw kasi akong hindi nakasama dahil namiss nya din daw ako ng sobra.

At dahil gusto ko rin sya makasama ay pumayag ako. Nakakaisang movie palang kami. Pero hindi ko na maiwasang kulitin sya. "Master.." Tawag ko sa kanya.

"Hmm?" He just hummed in respond while focusing on the movie.

Humarap ako sa kanya at nakaupo na parang nakaluhod sa sofa. (Gets nyo? Di ko alam yung tawag sa upo na yun. XD)

"Hindi ka na talaga galit sakin diba?" Kanina pa ko tanong ng tanong nyan kasi mamaya baka magbago at magalit na naman sya sa akin.

This time napatingin na sya sa akin. At ngumiti, hinila nya ko palapit sa kanya lalo kaya medyo face to face na kami. "Hindi na nga. Baka umiyak ka na naman eh." He said sabay tawa.

Pinagttripan nya na naman ako. Napapout ako at lumayo sa kanya. Tampo epek kunwari. "Niloloko mo na naman ako, master naman eh." Maktol ko.

"Kasi naman napakauhugin mo kung umiyak. Para kang baby." Asar nya pa.

"Ikaw kasi eh pinaiyak mo ko." I pouted even more.

He stops laughing at naging seryoso. "Wag ka na nga magtampo. Di na kita paiiyakin. I promise you that." He uttered and give me a reassuring smile.

I smiled back in content. Kasi ramdam ko ang sinseridad nya. Totoo nga sinabi ni mama. Hindi nya ako matitiis dahil mahalaga ako sa kanya at mahal nya ako. I can't wait to realize what I truly feel towards him.




A/N: you can also read Chloe Ho's Story. Which is my new story after this. The title is "Sebastian's Possession. Thank you.

A kiss from a dangerous gay?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon