Chapter 14: Surprise

433 16 17
                                    

Chapter 14: Surprise!

Karin's POV

Magaling na ako. Kaya nakapasok na ko ngayon sa school. Mabuti na lang at di na naginsist pa si master sa gusto nya kahapon. At kung anu-ano pang mga sinasabi.

Di ko na daw kailangan ng future boyfie kasi nandyan naman daw sya? Anu naman kung nandyan sya? Ay ewan di ko sya nagets. Minsan ang lalim ng sinasabi nun. Hirap intindihin eh. Naglalakad ako ngayon may kukunin kasi ako sa locker hintayin ko na lang daw sya dun dahil susunod na lang daw sya.

Bising-busy ako sa paghalungkat ng gamit ko para hanapin yung susi ng di ko namalayan na may nabangga pala ako. Bumagsak yung bag ko buti na lang di nalaglag mga gamit ko. "Ay butiki! Sorry po di ko po sinasadya." Paumanhin ko sa taong nabangga ko mahirap na baka mabugbog na naman ako. Nakatungo ako at nagcrouch down na para kunin yung bag ko pero di ko inaasahan na sya na mismo ang kumuha nun.

Kaya in my curiosity agad akong napatingin sa kanya. Ay grabe! Ang tangkad at ang gwapo ng lalaking ito! Mukha syang prinsipe! Natulala ako sa kagwapuhan nya. Di ko sya type pero talagang mapapatulala ka na lang lalo na nung ngumiti sya. Di ko nga napansin na inaabot nya sa akin yung bag ko.

"My apologies for bumping into you, miss. Hindi kasi ako nakatingin kaya di ko alam na may makakasalubong pala ako." Paumanhin nya.

I just shook my head at ngumiting tinanggap ang bag ko. "Ah ano wala po yun. Sorry din. At salamat sa pag abot ng bag ko." Sagot ko sa kanya.

Muli syang ngumiti at tumango bilang respond. Magsasalita pa sana sya ng marinig ko mula sa likod ko ang boses ni Chloe bessie. Bago pa man ako mapatingin kay bessie nahagip ng mata ako ang titig na ibinigay ng lalaking ito sa likod ko. Kaya sinundan ko yung tingin nya.

I saw my bessie naglalakad sya palapit sa amin at muli akong tinawag. "Ui Karin! Bakit ngayon ka lang tumingin kanina pa kita tinatawag." Sabi nya ng makalapit sya sakin.

Ngumiti ako. "Ay sorry. May kausap kasi ako kaya di agad nakatingin sayo."

Agad naman tumaas ang kilay nya sa narinig muli nyang inayos ang salamin nya ng mapansing umalis na yung taong kausap ko kanina. "Sya ba yung sinasabi mong kausap mo kanina? Mukhang di sya student dito ah?"

Napatingin ako sa lalaking paalis na. Umalis na siguro ito ng makitang palapit na si bessie. Sayang at di nakita ni lui yung gwapong lalaki bagay kasi sila eh. Hihi~ Sino kaya sya.

"Mukha nga. Pero ang gwapo nya bessie! Mukha syang prinsipe!" Compliment ko kay kuya gwapo.

Napangunot noo naman sya. "Wag mong sabihin type mo sya? Di ko kasi nakita nakatalikod na eh nung nakita ko sya. "

Natawa naman ako sa sinabi nya. "Hindi ah. Gwapo sya pero di ko sya type. Saka alam mo naman wala pa sa isip ko yang mga ganyan. Pero Lui bagay kayo~Ayiehhh" asar ko sa kanya

"Asus! Ay nako tigilan mo nga ko. Magmamadre nga ko eh diba. Sira ka talaga." Angil nya sakin. "Oh sya tara at may kukunin pa tayo sa locker diba?" Aya nya at sumunod na ako.

End of POV

Hansaem's POV

Nandito ako sa student council room. Vice president kasi ako dito since ang bestfriend kong si Clint ang president. May mga inaayos kaming papeles sa papalit na foundation day. Kailangan namin basahin at pagaralan ang plano para dito.

Pero kahit busy petiks pa rin kami. Kalma kalma lang. Kung san ko natutunan yang mga ganyang salita? Edi sa mga iba pang members ng student council. Alam naman nating di ako ganyan magsalita noong mga panahong di pa ako straight.

A kiss from a dangerous gay?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon