Chapter 16: Pain
Hansaem's POV
Nakahiga ako sa kama ko ngayon. At nakatingin lang sa kisame. Namimiss ko na ang pangungulit ko sa kanya. Pero kahit gustuhin ko man na kausapin na sya at sabihin ang lahat ay di ko magawa.
Kasi makita ko lang sya bumabalik balik yung sakit na nararamdaman ko. Hindi ko tuloy alam kung anung dapat kong gawin.
Siguro hayaan ko muna humupa yung sakit baka sakaling sa araw na yun ay masabi ko na. At matanong ko na ang mga dapat ko malaman. Baka natakot din sya sa akin kaya hindi nagawang ipagtanggol ang sarili nya sa mga masasakit na salita na binitawan ko sa kanya.
Alam kong may mali rin ako dahil napangunahan ako ng galit. Di ko dapat sya sinabihan ng ganun. Hays! You're an idiot Hansaem! San napunta ang talino mo?! I ruffled my head in frustrations.
Habang nagmumukmok ako di ko namalayang pumasok si dad sa kwarto ko. "Son?" Tawag nya sa akin.
Ngayon ko lang ulit narinig sa kanya na tinawag nya kong anak nya. Nawala tuloy ang sama ng loob ko sa kanya. "D-dad..." Malungkot kong saad.
"Anak, nabalitaan ko ang nangyari sa inyong dalawa ni Karin." He said. "Hijo wag ka magpadala sa galit mo. Alam kong alam mo sa sarili mo ang tama." Dagdag nya.
Napapikit ako dahil tama sya. "Hindi ko dapat sya hinusgahan dad. At higit sa lahat di ko dapat sya sinaktan." Napahilamos ako sa mukha ko. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko yung ganung katangahan bagay
"Alam ko anak, alam ko. Kaya naiintindihan kita. Alam kong nagawa mo lang yan dahil galit ka." Sabi ni Dad alam kong sinasabi nya lang yan para palubagin ang loob ko. Nakaramdam ako lalo ng pagsisisi sa lahat ng nagawa ko.
"Patawarin nyo ko dad. Kahit kailan hindi ako naging mabuting anak sa inyo. Marami akong nasasaktan." Tuluyan akong naiyak. Kahit kailan hindi ko pa pinakita ang ganitong kahinaan ngunit sa panahon ngayon si dad lang ang alam kong makakaintindi sa akin.
Tinapik nya ang likod ko. "Tama na hijo. Matagal na kitang pinatawad. Galit man ako sayo'y hindi rin yun naman nagtatagal. Anak kita, nagiisang anak kaya hindi ko kayang tiisin ka. Sa ngayon ang sarili mong problema ang isipin mo anak. Yun ang pagtuunan mo ng pansin. Ayusin mo." Hindi ko lubusang maiisip na mapapatawad pa ko ng sarili kong ama. At ngayo'y tinutulungan pa ko sa aking problema.
"Pero pano dad? Hindi ko na alam ang gagawin ko." Napahawak noo kong sagot.
"Sabihin mo nga sa akin anak? Ano na ba talaga ang nararamdaman mo kay Karin?" Tanong ni dad.
Napahawak ako sa puso ko ng marinig ang tanong nya. "Mahal ko na sya dad." Walang halong pagdadalawang isip na sagot ko.
Ngumiti si dad at ni-pat yung balikat ko. "Yan ang sagot sa problema mo. Sundin mo lang ang nararamdaman ng iyong puso at makakamit mo ang solusyon sa iyong problema at higit pa roon ay ang kaligayahan."
I nodded in respond. "Maraming salamat dad."
End of POV
Karin's POV
Nandito ako ngayon sa bahay at kasama ko si Junghoon. Si mama kasi nasa trabaho at si Chloe naman ay maagang umuwi dahil may aasikasuhin daw muna sya. Mas okay na rin ito. Kasi ayokong malaman nya yung mga nangyari alam ko kasing magagalit sya at baka mabugbog nya pa si master kapag nagkataon.
Baka lalo pang lumaki ang problema. Kaya pala ako nandito ay dahil sinunod ko ang payo ni manang ellie. Hahayaan ko munang lumamig ang ulo ni master bago ko sya kausapin.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin maiwasanh maluha. Namimiss ko na kasi sya eh. Sobra...
Buti na lang at nandito si Junghoon sya ang napaglalabasan ko ng problema ngayon. Sa kanya ko naikwento ang mga nangyari pati ang advice ni manang sa akin.
"Tama nga ang ginawa mong pagbibigay ng space sa master mo. Kailangan nya munang mapagisa para makapagisip-isip." Sang-ayon ni Hoonie
Nabuntong hininga na lang ako. "Titiisin ko na lang na di sya makita at makausap. Hays. Nalulungkot at nasasaktan talaga ako."
"Sabihin mo nga sa akin Karin. May nararamdaman ka na ba para sa kanya?" Tanong na sobrang nakapagpagulat sa akin.
Kung dati mabilis lang ako nakakasagot sa mga bagay na ganyan bakit ngayon parang nahirapan ata akong sagutin ito. Ilang minuto din bago ako nakasagot sa kanya.
"H-hindi ko alam hoonie." Yan lang ang nasabi ko dahil hindi ko talaga alam yan lang ang lumabas sa isipan ko.
"Alam mo kasi Karin. Hindi ka masasaktan kung walang pagmamahal na namuo jan sa puso mo." He said. My konting lungkot sa mga mata nya ng sinabi nya ito. Ngunit imblis na mapansin yun ay mas napako ako sa mga salitang sinabi nya.
So kaya ako nasasaktan kasi? May nararamdaman na ko para kay master?
End of POV
Junghoon's short POV
Hindi ako kasing manhid tulad ni Karin kaya alam ko ang dahilan kung bakit sya nagkakaganito.
Alam kong may nararamdaman na sya para sa lalaking iyun. Hindi pa lang nya tuluyang naiintindihan ito. Pero siguradong-sigurado ako.Hindi ko pa sya nakitang na maapektuhan ng ganito ng dahil sa isang lalaki. Nakikita ko sa mga mata nya ang sakit, pangungulila at ang pagmamahal nya rito. Kilalang kilala ko na sya dahil bata palang kami ay sabay na kaming lumaki. Never ko pang syang nakitang ganito kaya alam ko nang ngayon palang ay wala na akong pag-asa.
At dahil dun Siguro nga ay nahuli na talaga ako.
End of POV
Karin's POV
Hindi ko talaga matiis isang araw palang ang nakakalipas ay gusto ko na sya makita. :( kahit ata makatanggap ako ng mga masasakit pang salita sa kanya at makita ko lang sya ay sapat na.
Lalo tumindi pagkalungkot ko kapag hindi ko sya nakikita eh. Bakit ganun feeling ko hindi buo ang mundo ko kapag wala sya.
Napasabunot tuloy ako sa aking sarili hays pupuntahan ko ba sya o? Hindi muna? Ay di ko talaga alam. T.T
Pagulong gulong ako na parang bola sa kama ko. Di kasi ako makapag decide.
"Anak Karin anu ba nangyayari sayo?" Pansin sa akin ni mama. Masyado palang pre-occupied ang utak ko kaya hindi ko man lang namalayan ang pagdating ni mama.
"Ma, namimiss ko na talaga si master. Feeling ko hindi ko na kakayanin pa ang isang araw na di sya makita." Parang batang sagot ko kay mama.
Umupo sa tabi ko si mama at hinawakan ang kamay kong may bagong benda. "Anak kung di mo na talaga kaya bakit hindi mo na puntahan? Sa tingin ko naman ay hindi ka matitiis ng batang yun."
"Natatakot kasi ako ma eh panu kung lalo lang sya magalit kapag nakita nya ulit ako?" I sniff naiiyak na naman ako kapag naalala ko yung mukhang galit nya.
"Wag kang panghinaan ng loob anak. Alam mo ba kung bakit ko nasabi na hindi ka nya matitiis?" I shook my head nung tinanong nya yan.
At saka sya nagpatuloy uli. "Dahil nung mga panahong nasa ospital ka ay hindi ka nya iniwan. Minsan nga ay hindi na pala kumakain ito wag ka lang iwan doon. Nasabi kasi sa akin ng nurse yun na palaging nagchecheck sayo. Makakain lang pala sya nun pagnabisita ako ng gabi. Ramdam ko anak na mahalaga ka sa kanya. Kaya kahit ano pang galit nya ay alam kong hindi ka pa rin nun matitiis anak." Kwento nya sa akin
Di ako makapaniwala na ganoon pala ang sakripisyo nya nung mga panahon na yun. :'( sya rin nagalaga sakin nung may sakit ako kahit na nagalit sya dahil sa kapabayaan ko hindi pa rin nya ko pinabayaan.
Siguro nga tama si mama. Bakit hindi ko subukan hindi ba? I took a deep breath. Napagpasyahan kong pumunta ngayon dun. Niyakap ko si mama at nagayos saglit bago ako dumaretso sa bahay nila master.
Basta kahit anung mangyari. Tatanggapin ko yun. At kung bigyan nya ako ng tym makapagpaliwanag hinding-hindi ko na sasayangin yun.
Fighting! Karin kaya mo yan!
BINABASA MO ANG
A kiss from a dangerous gay?!
RomanceIt's about a transferee girl na may nahuling dalawang lalaki na naghahalikan sa isang abandunadong building sa kanilang school.. It started with a secret that was sealed with a kiss. Will she fall in love? Or will she become miserable because of it...