Chapter 24: Cooking Lesson

219 12 3
                                    

Chapter 24: Cooking lesson.

Chloe's POV

Nitong mga nakaraang araw palagi na lang akong nakakareceive ng mga regalo. Di ko naman birthday at lalong hindi pa pasko? Bakit kaya may nagpapadala sa akin ng mga ganito.

Napakamot ako sa ulo ko at tinignan ang bawat isa hinanap ko kung may pangalan ba ng sender dito. Inikot ikot ko na yung box hanggang sa may nakita akong initials na S.M

S.M? Sino kaya yun? Di naman siguro galing sa mall na SM ito ano? -_- hays binalik ko sa mesa yung box at di ko na pinansin.

Paki ko ba don gawing pa kong si madam auring sa panghuhula kung sino ba syang pahirap sya. "Ate grabe bakit di mo naman buksan yang mga pinapadala sayo. Ang haba ng hair mo ah. Tapos chuzy ka pa" bati sa akin ni Cherrie ang bunso kong kapatid.

"Kung gusto mo sayo na. Di ko kailangan ng mga yan. Geez. Ayoko magentertain ng mga ganyan kung may balak man manligaw yan. Alam nyo namang buo na ang loob kong pumasok sa kumbento 10 years from now." I answered firmly

Seryoso na ako about dun. Kaya bahala yang S.M na yan sa buhay nya. "Ay ganun? Sayang naman ang mga ito."

"Sayo na nga lang kung naawa ka sa mga regalong yan." Sabi ko.

"Talaga? Sige ba sayang naman ang effort ni koya kung di maappreciate thank you ate! Aalagaan ko to hihi~" tuwang-tuwa na sambit ni bunso at hinakot na yung mga regalo.

Pagalis nya ni-busy ko ang sarili ko sa pagbabasa ng mga horror stories sa wattpad. Inayos ko yung salamin ko bago tuluyan ng magbasa.

End of POV

Karin's POV

As usual maaga akong nagising.Tapos na ang foundation day at buti na lang sunday ngayon at wala kaming pasok. Kaya tinupad ni master yung sinabi nyang tuturuan nya ako magluto.

"What do you want me to teach you, Karin?" Tanong ni master.

Binigyan nya ko ng mga cooking book at doon ako namili. Gusto ko matuto gumawa ng dessert kaya dun ako namili ng kung anong sa tingin ko ang medyo madali gawin.

"Eto na lang master yung Portuguese rice with cinnamon. Mas mukhang madali kasi onti lang ingredients hihi~" saad ko.

Matapos ko sabihin yung gusto kong ipaturo sa kanya ay agad na syang naglagay ng mga lalagyan ng ingredients.

Ingredients:

4 cups/1 litre milk
2 tsp. grated lemon peel
Scant 1/2 cup/100g pudding (short grain) rice
1/3 cup / 70g sugar
5 eggs
Cinnamon, to decorate

Method:
Prep and cook time: 1 hour plus 2-3 hours chilling

Bawat ingredients nya ay dalawa bawat lalagyan. Pati yung mga gagamitin na materials. Meron pa nga syang ginamit na measurement cup eklavush. Pinanuod ko bawat kilos nya at pinagaaralan ko.

"Naglagay ako ng tig dalawang lalagyan ng bawat ingredients sa paggawa nito para habang nagtuturo ako ay nasusundan mo ko at nagagawa mo rin yung ginagawa ko." Paliwanag nya sa akin.

"Yes chef!" I respond.

"Right, so let's start." He uttered. "Kapag pagkain ang hawak natin dapat lagi malinis ang kamay at dapat mag plastic gloves para mas malinis. Kapag nagwash ka naman ng hands dapat hindi matapang ang sabong gagamitin dahil makakahawa sa pagkain at baka malason pa tayo."

Tumango-tango ako. At sabay kaming naghugas ng kamay at naglagay ng gloves. Hinanda ko na yung sarili ko buti na lang ang laki ng kitchen dito sa bahay ni master. Ang laki ng counter kaya hindi masikip gumalaw.

A kiss from a dangerous gay?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon