Chapter 22: Foundation Day part 2

230 10 2
                                    

Chapter 22: Foundation Day part 2

Chloe's POV

Ang sakit na ng mga paa at ulo ko kakapanakot. Ilang oras pa bago ang break pero pagod na ako. Nakaheels pa kasi ang suot ko ang sakit sa paa. Minsan nga muntikan na ako mapatid dahil dito hirap na hirap pa ako lumabas sa lungga ko para manggulat.

Marami-rami narin ang mga pumasok sa booth namin. Thats good , para naman di masayang ang pagod at effort namin. Dahil kung wala talagang manghihila ako ng mga tao na papasok rito.

Nakamanananggal costume nga pala ako pero yung hindi pa hati yung katawan mahirap kasing gawin yun. Kaya kems na lang basta magmukhang nakakatakot. Saka maganda naman ang pagkakamake-up sa akin. Si Hansaem na bitter kasi ang tumulong sa pagma-make up saming dalawa ni Karin.

May narinig na akong parating na guest kaya inayos ko na ang sarili ko at ginulat sila. Pareho silang lalaki. Nagulat sila pero di natakot.

"Woahhh! Nice missy~" sabi nung isang lalaki.

"Haha ayos manananggal na nakasalamin." Sabi pa nung isa. Di ko kasi tinanggal yung salamin ko dahil malabo ang paningin ko paki ba nila.

"Haha yeah cool haha woooo nice butt baby~" sabi nung naunang lalaki magsalita bago nya hampasin yung bum ko

Naginit talaga ulo ko kaya nasapak ko sya sa mukha. "Gag* ka ah! Manyak! Umalis ka na sa harapan ko kung ayaw mong basagin ko yang mukha mo!" Sigaw ko sa kanya.

Natakot naman sila kaya tumakbo na sila palayo sa akin. Nanggigil ako. Ang kapal ng mukhang hawakan ako. Wag na wag talaga sya papakita sa akin sa labas dahil bubugbugin ko syang letche sya

End of POV

Karin's POV

"Hahah akala ko ba! Horror house to bakit naging Comedy house! Haha"

"Okay nga eh. Pasabog sa huli hahah!"

"Katakot sa una pagdating sa huli imba eh! Haahahahahaah!"

Yan lang naman ilan sa mga naalala kong sinabi ng mga guest pagdating sa akin. I puffed my cheeks at umupo muna.

Ilang oras narin kaming nanakot. At kahit isa ay wala pa rin ako matakot? Bakit ganun? Ginawa ko naman lahat? Ayaw parinnnnnn!

Ano ba dapat kong gawin??? Hays I'm a failure T.T bakittttt? Inuuntog ko ng mahina yung ulo ko sa pader. Kakainis kasi eh lahat sila natatawa sa akin eh.

Napatayo ako ng may narinig akong yapak may guest ata uli kaya niready ko na yung sarili ko.

"Bwuahh-ahh sino ka?" Nagulat na sambit ko ng makita yung isang lalaking nakavampire attire at make-up di ko sya masyado mamukhaan dahil madilim.

He hid at my hiding spot beside me. "Shhhh its me." Bulong nya

Boses palang nya kilalang kilala ko na.

"M-master? Ano ginagawa mo dito?" Di makapaniwalang saad ko.

"Yep. I'm here para bantayan ka." He answered

Eh bantayan ako? Bakit?

"Shhhhhh~" he shushed me dahil may parating na guest na. Kaya agad naman ako napatigil.

"Grabe parang wasak ata panga ko pre. Sakit manapak nung babae na yun."

"Gag* ka kasi eh hawakan mo ba naman ang pwet nya sinu bang di magagalit haha!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig? Nanghawak sya ng pwet? At sino namang kawawang babae kaya ang nabiktima nya.

Kakaisip ko hindi ko na napansin na nawala na pala si master sa tabi ko.

A kiss from a dangerous gay?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon