Chapter 21: Foundation Day
Hansaem's POV
Naghilamos ako ng mukha baka mangamoy suka ako nito. Kailangan ko na rin bumalik dun baka maghinala si Karin. Naglakad na ako palabas ng CR nang makita ko si Karin na naghihintay sakin.
"Oh Karin? Bakit hindi mo na lang ako hinintay dun.?" Takang tanong ko.
Napansin kong napahikbi sya. Kaya lumapit ako at tinitigan sya. Paiyak nga ang loka. "Ui Karin? Magsalita ka bakit ba?"
"Master, sorry. Okay ka lang ba? Sana di na lang ako nagluto." Parang paiyak na sagot nya nung tumingin sya sa akin pabalik.
Hinawakan ko yung pisngi. "What are you talking about okay naman yung luto mo..."
She shook her head. "Hindi okay yung luto ko. Pinatikim ko kasi kay manang at sumakit ang tiyan nya. Master kasalanan ko sumama tuloy tiyan ni manang." Parang batang umiiyak na sambit nya.
Hays so alam nya na palang may mali sa sopas nya. >_< sabi ko na iiyak to eh kaya nga sinabi kong masarap kahit hindi para di sya masaktan. Bumuntong hininga ako. Pinatahan ko sya at pinunasan ng panyo ang mga mata nya.
"Tahan na Karin. Unang luto mo pa lang naman yun at talagang hindi mo agad mape-perfect. Kaya wag ka ng malungkot okay? Pede kitang turuan magluto after ng foundation day natin kung gusto mo." I uttered and smiled at her.
"Talaga master? Tuturuan mo ako?" Tanong nya sa akin.
I nodded and pinched her nose. "Of course. Kaya tahan na okay?. Magpahinga ka na rin dahil bukas maaga pa tayo." I said.
End of POV
Karin's POV
Ang aga ko nagising excited kasi ako sa foundation day ngayon. Excited na din ako manakot mamaya hihi~ aigoo.
Makakilos na nga~ yipeee!
Tumayo na ako sa kama. Inayos ko muna ito bago dumaretso ng CR para maligo. Ginawa ko yung daily routine ko. Maligo, magtooth brush, magpatuyo ng hair, magsuklay, mag breakfast then tooth brush uli. Para white and bright ang teeth hihi~
Time check 6am na.
Ang start ng foundation day is 8am pero dapat before 8 ay nandun na kami dahil kailangan pa namin magmake up sa mukha. Kaya pinuntahan ko na si master para gisingin ito.
Kumatok ako ng ilang beses pero walang sumasagot kaya sinubukan kong buksan yung pinto.
Hindi nakalock. Kaya binuksan ko na ang pintuan nya at sumilip sa loob. At ayun nakita ko syang tulog na tulog pa rin. Napapout ako hays apaka takaw tulog talaga ni master.
Tinatap ko ang balikat nya para gisingin ngunit walang epek. Kiniliti ko yung talampakan nya, wala pa din. Aish! Tulog mantika! Niyugyug ko na ayaw pa din. Teka nga buhay pa ba to? Agad kong chineck ang pala-pulsuhan nya.
Thank god tumitibok pa. Buhay pa sya. Anu ba dapat kong gawin para magising sya. Ahmp nagisip ako habang tinitignan sya. Ang gwapo pala talaga ng mukha nya. Maputi at makinis. Para sa lalaki ang haba ng pilikmata nya. Matangos ang ilong at ang pinkish ng labi nya.
Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko. Nahiya naman daw kasi yung lips ko sa kanya. Talo pa nga kaming mga babae. Sabihin nyo ang asan ang hustisya?!!
Ah napanguso tuloy ako. Anu ba yang mga inisip ko. Para akong manyak. Ah alam ko na kung sumigaw kaya ako. Hmm kunwari may ipis sa kama nya. Hihi. Sana matakot di ko kasi alam kung saan sya takot eh. Meron ako nakitang plastic ng candy. Dahan-dahan kong hinila yung kumot nya at hinagis dun yung plastic ng candy sabay sigaw ng

BINABASA MO ANG
A kiss from a dangerous gay?!
RomanceIt's about a transferee girl na may nahuling dalawang lalaki na naghahalikan sa isang abandunadong building sa kanilang school.. It started with a secret that was sealed with a kiss. Will she fall in love? Or will she become miserable because of it...