Chapter 8: Being Bullied

610 24 16
                                    

Chapter 8: Being bullied by his fans

Karin's POV

Nakaupo ako dito sa garden waiting for Lui. Sya na daw kasi ang bibili ng food namin para sa recess time. Kaya eto ako naglalaro muna ng Dating game. Kyahhh nakakakilig talaga itong Wizardess Heart, ang pogi ni Klaus at ang sweet yay! Nakakaadik talagang laruin ito pramis. Ang ganda ng story kahit ang hirap ng mga mission minsan I'm trying my best para matapos ito.

Nasa kalagitnaan na ko ng paglalaro ng biglang may humablot ng phone ko. "H-huh? Yung phone ko miss." Sabi ko ng matingala ako sa kanila. Apat silang girl at mukhang mayayaman din ito.

"And look who's here. Eto ba? Oh sayo na yang pipitsugin mong cellphone." She scoffed and dropped my phone

Shems buti na lang nasalo ko. T.T ano bang problema ng mga babaeng ito?

"Miss may nagawa ba ako sa inyo?" I suddenly ask

She raised her brow and crossed her arms sya ata yung leader sa kanilang apat kasi yung iba they're just glaring at me. "Oo! Lubayan mo si Seo Hansaem kung ayaw mong masira ang mukha mo!" She yelled at me.

Seo Hansaem si Master yun ah? Omooo di nila pedeng malaman naku patay ako dun if ever kaya I acted like I dunno everything. Takot ko lang kay master >__<

"Hindi ko alam kung ano yung sinasabi mo. Hindi ko sya kilala." I lied.

"Wag ka magsinungaling! Sikat ang prinsipe namin dito. At may proof kami!" She grimace and showed her phone at nanlaki ang mata ko ng makita ang isang litrato. "Now pano mo ieexplain yan? Huh. You slut!"

Picture namin ni Master sa parking lot.  I bit my lower lip. Hindi ko alam kung paano ko ieexplain ito. Gosh! Kaya I chose na manahimik na lang.

"Sumagot ka!!! Ano!!! Tatahimik ka na lang jan???" Patuloy na sigaw nya. At mas ikinagulat ko ay yung malakas na pagsampal nya sa akin.

It sting in pain.

Hinawakan ko ito. Feeling ko nabali ata panga ko. Pero di ako lumaban.

"Ano?!! Lumaban ka! Girls let's teach this bitch a lesson." Utos nya

Kaya bigla nila akong sinabunutan at at pinagsasampal. Hinawakan ako nung isa kahit di naman ako napalag sa sakit nang bawat pagsampal at sabunot nila sa akin.

Super sakit na. Asan na ba si Lui hindi ko na kaya nanghihina na ako.

"Bakit di ka lumaban ano duwag ka? Kasi totoo na malandi ka!!! Ikaw pa ang lumalapit sa kanya! A filthy girl like you never deserve to be her girl! Kaya hetong sayo! Yahh!"

Saying that bigla nya akong sinipa sa tyan kaya sa impact tumama ang katawan ko sa bench na inuupuan ko kanina kadahilanan ng pagubo ko ng dugo. Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi na ko makatayo sa sakit.

Ang hirap huminga tatadyakan pa sana nila ako ng biglang may sumigaw na nakapagpatigil sa kanila.

"Stop that!!! Anung ginagawa nyo dito??? Nang bubully na naman kayo? Hindi na kayo nadala ah!" Maitoridad na saad nung lalaki.

"S-sorry po." Rinig kong sorry nung apat na nangbugbog sa akin.

"Sorry can't fix that poor little girl's  wound! Go to principal's office now!! Guys samahan nyo yan baka tumakas yan." He yelled at sinunod naman sya ng dalawa pang lalaki na kasama nila.

"Yes! President!" They cooed

Hindi ko na kinayang tignan pa kung sino ito dahil nanghihina na ako sobra. Naramdaman ko na lang na may naglift ng mukha ko. "What the hell? Those girls really gone too far, are you okay miss?" The president asked

A kiss from a dangerous gay?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon