Chapter 13: Sick

438 19 8
                                    

Chapter 13: Sick

Karin's POV

Grabe kotang kota na si master sakin ah, hays kundi lang ako natakot sa kung anumang punishment kuno ang gagawin nya sakin. Di sana ako napilitan gawin yun. Di ko alam kung bakit gustong gusto nya ko ikiss? Anu ba meron sa lips ko? Kissable ba ko? O,o??

Hays~

Nakakahiya. Ako ang babae ako pa ang kumiss. Di ako sanay. Kawawa na talaga yung magiging boyfriend ko in the future. Hindi na nya ko deserve kasi di na virgin lips ko :(. Wew ayoko na nga muna magisip about sa love wala pa nga pala sa isip ko yan.

Dito na rin ako natulog since nandito na rin naman ako dahil tapos na day off ko. Para akong walang day off dahil super pagod na pagod ang katawan ko ang shakit dahil siguro to sa paglalaro namin sa arcade kahapon.

Masyado kasi kaming nagenjoy ni bessie doon. Mukhang masama pa ata pakiramdam ko. Lagot ako kay master nito.

Nanghihina yung katawan ko tapos ang init ko na. Pero kailangan ko pa rin puntahan si master baka magalit na naman sya. Mas mabuti pa sigurong sabihin ko na sa kanya na masama pakiramdam ko. Kaya pumunta na ako sa kwarto nya kahit nahihirapan man.

End of POV

Hansaem's POV

Kausap ko si Sebastian ang pinsan kong hilaw na nagpahanap ng identity ng natipuhan nyang babae. Pinadala ko na sa mga tauhan namin yung mga nakalap kong inpormasyon about sa babae papunta sa kanya. Kaya tinawagan ko si insan kung tama ba yung nabigay ko

"So nacheck mo na? Sya ba yung hinahanap mo insan?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Magaling saem, sya nga." -Sebastian's respond on the phone

Napangisi na lang ako. "Sus ako pa ba? Nga pala sa dinami dami naman ng mga babae sa school bakit yan pa ang napili mo?"

Ang dami naman kasi talagang babae doon amazona pa ang natipuhan.

"She's different thats why." -sebastian answered

"Tss tipid mong magsalita. K fine then. Sige na bababa ko na to. Since tapos na yung misyon ko sayo. Goodluck na lang sayo at sa babae na yan insan." Paalam ko

"Okay then, thanks couz. Bye"

Binaba ko na nga yung phone ko matapos syang magpaalam nagulat pa ko ng biglang sumulpot sa harapan ko si Karin. Sa gulat, Napahawak tuloy ako sa dibdib ko ng makita sya

"Ano ba Karin! Bakit ba nanggugulat ka?" Sita ko sa kanya.

Malamyang humingi sya ng sorry sakin. Anu ba to nakadrugs or something?  Parang may tama eh. Pagewang-gewang kasi kahit nakatayo sya. "Sorry master."

"Ano ba nangyayari sayo? Anung arte yan?" Tanong ko pa at nagcross arms.

Kinusot nya ng dahan dahan ang mga mata nya. "Masama po kasi pakiramdam ko master."

Agad napataas ang kilay ko. Kaya hinawakan ko ang noo nya kung talagang masama nga pakiramdam nito. Agad kong nalayo ang palad ko ng mapaso ako sa noo nya.

Mainit nga ito at mukhang nilalagnat na. Napabuntong hininga ako at inilalayan ito. "May lagnat ka na nga. Halika nga at ibabalik na kita sa kama mo." Sabi ko at binuhat ko na dahil mukhang nahihirapan na maglakad.

Nang malapag ko sya sa higaan nya ay kinumutan ko agad sya. Nilalamig kasi ito. "Anu ba kasing ginawa mo kahapon nung day off mo at bigla ka nagkasakit?" Tanong ko

"Marami. Nagarcade kami ni bessie. Aww mashakit katawan ko din master pati ulo ko." Malumanay at mahina na sagot nya.

I facepalmed. Ano bang gagawin ko sayo Karin,? Inayos ko ang kumot nya. "Okay. Mahiga ka na lang jan at ikukuha kita ng gamot at ng soup para mawala yang sakit mo. Tsk gala pa kasi," pangaral ko at lumabas na ng kwarto nya.

A kiss from a dangerous gay?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon