Chapter 15: His Wrath
Karin's POV
Ilang araw na simula nung nagalit sya. Di pa rin nya ako pinapansin at kung kakausapin man. Yun ay kung uutusan nya lamang ako. Malaki ang nagbago sa kanya naging mas masungit sya kesa noon.
Mas lalong pasakit ng pasakit ang mga salita nya pero tinitiis ko kasi alam ko baka kaya nya lang nasabi yan ay dahil galit sya. Nalulungkot tuloy ako. Di ko alam na sobrang laki ng impact nya sa akin.
Ayoko ng ganito. Ayoko ng galit sya sa akin. Nasasaktan ako. Naguguluhan at nahihirapan ako sa sitwasyon naming dalawa lalo na sa nararamdaman ko. Minsan pinipilit kong humingi ng tawad muli sa kanya ngunit imblis na mapatawad eh lalo lang syang nagagalit sa akin.
Nakakatakot na sya. Palagi na kasi syang galit. Ni hindi ko sya nakitang nakangiti. Pano ko ba mahihingi ang kapatawaran nya?
Kung dati puro magagaang trabaho lang ang ibinibigay nya sa akin ngayon halos buong bahay na ata ay gusto nya ng ipalinis sa akin. Di naman sa nagrereklamo ako or what. Pero siguro ito nga yung tama. Dahil sumasahod ako ng tama sa kanya.
Sa kakaisip sa problema malimit akong magkamali sa mga ginagawa ko. At malimit nya rin akong sinisigawan ng dahil doon. Minsan iniisip ko susuko na ba ako? Di ko na rin kasi alam kung paano sya susuyuin. Habang tumatagal lalo lang tumitigas ang puso nya.
Muli, ay napaluha na naman ako. Naglilinis kasi ako ng mga gamit nya sa kwarto. Pagpunas ko ng aking mga mata ay di ko sinadyang masanggi ng hawak kong gamit ang isang babasaging base malapit sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko sa takot. Ang lakas ng pagkakabagsak nito kaya rinig na rinig ang pagkabasag ng vase. Tiyak mas magagalit sa akin si master nito.
Agad akong yumuko para linisin ito ngunit nasugatan ako sa bawat pagkuha ko ng mga basag na parte nito. Lalo akong natakot ng marinig ko ang boses ni master na halos manggalaiti sa nakita.
"ANO BA NAMAN YAN KARIN!!! BAKIT BA ANG TANGA TANGA MO!!! DI MO BA ALAM NA YANG VASE NA BINASAG MO AY NAPAKAMAHAL AT MATAGAL NA RITO?!!!" Galit na sigaw nya
Sa takot ko ay napahigpit ang hawak ko sa basag na parte ng vase. Wala kasi akong gamit na gloves or what kaya ramdam na ramdam ko ang paghiwa nito sa palad ko. Ngunit hindi ko ininda ang sakit kahit panay na ang tagas ng dugo dito. Bagkus ay mas natakot ako sa kanya.
"Patawad master hindi ko po sinasadya. Iawas nyo na lang po sa aking mga sasahurin upang makabayad po sa nabasag ko pong vase." Nakatungo at pikit kong paghingi ng paumanhin.
But I gasped when he suddenly grab my pulse kaya napatingin ako sa kanya na may takot na nararamdaman. Habang sya nama'y Tinignan nya ko ng may galit sa kanyang mga mata.
"IAWAS? NARIRINIG MO BA YANG SINASABI MO HUH??!KAHIT ILANG TAON KAPANG MAGTRABAHO SAKIN HINDING HINDI MO AGAD MABABAYARAN YAN! DAHIL MAHAL PA SA BUHAY MO YAN ALAM MO BA YUN??? KAHIT KAILAN TALAGA NAPAKALAPITIN MO SA DISGRASYA!!! ILANG ARAW NA KONG NAGTITIMPI SA MGA MALING TRABAHO MO. WAG MO KONG PILITING TANGGALIN KA NA NGAYON DIN." Sigaw nya kahit na alam nyang magkalapit lang kami.
Nakakabingi at sobrang nakakasakit na. Mahigpit ang pagkakahawak nya sa pala-pulsuhan ko idagdag mo pa yung sakit sa mga palad ko na nahiwa kanina at walang tigil sa pagpatak ng mga dugo rito.
Napaiyak ako lalo dahil hindi lang ako nasasaktan physically kundi emotionally. "Ahh! Please wag. P-patawarin mo ko master. Hindi ko po talaga sinasadya. Ack-Master nasasaktan na po ako." Umiiyak na saad ko
End of POV
Hansaem's POV
Nasobrahan ata ang galit na naramdaman ko. Hindi ko kasi napigilan lalo na ng makita ko ang nabasag na vase mula pa sa mga ninuno ng aming pamilya. Totoong mahal pa ito sa buhay nya. At napakahalaga nito sa aming pamilya. Kaya na lang nadagdagan ang galit ko sa kanya. Pero alam ko mali pa rin ang sinabi at ginawa ko.
"Ahh! Please wag. P-patawarin mo ko master. Hindi ko po talaga sinasadya. Ack-Master nasasaktan na po ako." Umiiyak na saad saad nya.
When I heard that bigla akong natauhan at napansin kung gaano pala kahigpit ang pagkakahawak ko sa kanya. Napansin ko rin ang pagdurugo ng mga palad nya kaya agad ko itong binitawan at napatingin muli sa mga basag na vase na may mga bahid na ng dugo nya.
Iniwas ko ang tingin ko dahil ayoko magpadala sa mga luha nya. Nasasaktan rin ako dahil nasasaktan ko na sya sa mga bawat sinasabi at ginagawa ko. Di ko makontrol ang sarili ko kapag naalaala ko ang mga ginawa nya.
Ni hindi man lang nya pinagtanggol ang sarili nya noon. So ibig sabihin tama ang hinala ko. Sobrang selos at galit ang naramdaman ko kaya hanggang ngayon ay di ko mapakalma ang sarili ko.
Ano pa bang kulang? Bakit ba napakahirap sa kanyang maintidihan ang lahat? Mahirap ba intindihing mahal ko sya? Na nasasaktan ako na may iba syang lalaki na kasama?
Hindi ko ginustong umabot sa ganitong sitwasyon pero masisisi nyo ba ko? Nagmamahal lang ako at nasasaktan din.
Pilit kong pinakalma muli ang aking sarili. Nang muli akong mapatingin sa kanya. Panay ang hikbi nya at iyak. Nanginginig din ang mga kamay nya. Unti-unting akong kumalma at pilit kong pinahinahon ang boses ko. "Tumayo ka na jan. Hayaan mo ng sila manang ang maglinis ng mga yan." Sambit ko ng hindi sya tinitignan.
End of POV
Karin's POV
Nandito na ko sa kwarto ngayon at ginagamot na ni manang ellie ang mga sugat sa palad ko. Ni hindi ko na maramdaman ang sakit. Parang namanhid na ata ako.
Kapag naalala ko yung mga nangyari di ko maiwasang di mapaiyak. "Tahan na hija. Ilang araw ka ng ganyan. Di yan makakabuti sa iyo." Sabi ni manang ellie na ngayo'y binebendahan na ang palad ko.
"Hindi ko po kasi mapigilan manang. Ang sakit sakit na po kasi. Ni hindi ko alam kung bakit ganoon na lang kagalit sa akin si master." Humihikbi kong sagot sa kanya.
"Siguro ay may dinaramdam lang yun. Subukan mong intindihin sya hija. Baka sakaling malaman mo ang dahilan kung bakit." Sabi nya
I sighed. "Yun naman po ang aking ginagawa manang pero nahihirapan po ako. Pilit ko pong iniintindi pero bakit ganun di ko pa rin po maintindihan."
Hinawakan nya ang balikat ko. "Hija, pagpasensyahan mo na lang si young master. Galit sya kaya nya nasasabi ang mga bagay nayon. Pero alam ko na hindi naman siguro nya talaga gusto sabihin iyun. Hintayin mo munang lumamig ang ulo nya hija. Bago kausapin mo sya at sabihin mo ang bawat gustong sabihin ng puso mo." Advice nya
I nodded and smile meekly. "Okay manang. Marami pong salamat."
"Wala yun hija. Sige na magpahinga ka na muna." She smiled back at me bago lumabas.
BINABASA MO ANG
A kiss from a dangerous gay?!
RomantizmIt's about a transferee girl na may nahuling dalawang lalaki na naghahalikan sa isang abandunadong building sa kanilang school.. It started with a secret that was sealed with a kiss. Will she fall in love? Or will she become miserable because of it...