Chapter 20: Last Preparation

286 11 11
                                    

Chapter 20: Last Preparation

Karin's POV

Talagang full-force ang pagaayos namin ng aming mga props at decorations para dito sa horror house na ginagawa namin. Ayun kasi ang napili naming theme. At kami kami rin ang mga magcocostume as mga multo. White lady ang napili kong gawin.

Buti na lang tumulong sila Master at Clint sa amin. Naghahabol na din kasi kami. Tinutulungan ako ni master na design-an yung costume ko. Sya taga lagay ng kunwaring sugat tapos mga fake blood.

Mahabang puting dress sya pa mismo pumili nun. Mahaba nga yung manggas eh ayaw nya nung sleeveless. Dahil ayaw nya daw maexposed ang katawan ko masyado. Kahit shoulder lang naman ang maeexpose sa akin >_>

Marami daw kasi manyak sa paligid kaya mas mabuti na daw na balot ako. Pinapanuod ko nga sya eh ang galing nya magdesign super artistic at parang totoo ang paggawa nya ng mga fake wounds.

"Wow~" di ko maiwasang mabighani sa gawa nya.

Napangiti sya sa komento ko. "Bilib ka na? Bukas ako na magaayos sa mukha mo. Lalagyan din natin ng fake wounds yan" Sabi nya sa akin.

Tumango tango ako. "Okie. Master bakit ang galing mo? Pag bakla ba talaga magaling sa mga make-ups  ano--"naputol ang sasabihin ko ng sumingit sya.

"Anong sabi mo?" Pinandilatan nya ako ng mata ng marinig ang sinabi ko.

Napangiti ako ng awkward at nagpeace sign sa kanya. Oo nga pala hindi na daw sya bakla. "J-joke lang hehe."

"Ayoko na maririnig ang word na bakla, Gay o bading okay? Isa pang sabihin mo yan. Makakatikim ka ng halik na di mo malilimutan mula sa dating baklang sinasabi mo!" Banta nya sa akin.

Ayan na naman sya. T.T "Sorry. Di na po mauulit. " Paumanhin ko

"Good to hear that." He smirked down at me.

I sighed in relief. "Master bakit ang hilig mong mangkiss? Required ba talaga yun?" Curious na tanong ko.

Dati kasi diba nung sila pa ni Hanyoung ganyan na sila? Paano kaya kung maging kami na? Edi ganun din? O.O eh ngayon pa nga lang kotang-kota na talaga sya sa akin. Parang nakakatakot tuloy sya maging boyfriend.

"Dahil ganun kapag mahal ko. Oo naman. Sakin required yan." Daretsong Sagot nya.

"Huhhh???" Gulat na gulat kong sambit. Jusme!!!

He laughs. "Bakit?"

"W-wala, so kaya pala nung aksidente ko kayong makita ni--"

"Wag mo nang ituloy Karin." Monotone na pigil sa akin ni master at nakapoker face na sya.

Kaya automatic na tinakpan ko yung bibig ko. "Sorry ulit."

"Okay. Balik tayo sa topic natin kanina. Ako nga ang magaayos ng mukha mo. Kakapalan ko yang make-up mo para mas mukhang kapani-paniwala." Pagbabago nya ng usapan

Nakinig at Tumango ako. "Hmm sige. Pero panu ka bukas? Diba busy ka?" Concern na tanong ko,

Syempre vice president sya at tiyak hectic ang schedule nya bukas. Pero parang wala lang sa kanya at talagang gusto nya sya pa rin ang magaayos sa akin.

"Walang busy busy sa akin pagdating sayo, malinawanag?" He said and patted my head.

End of POV

Hansaem's POV

Nakakapagod man ang pagtulong na ginawa namin ni Clint kila Karin ay okay lang dahil kasama ko naman sya. Napapawi yung pagod ko kapag nandyan sya sa tabi ko.

A kiss from a dangerous gay?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon