Princess POV
Nasa falls ako ngayon , mag Isa .
Hehehe ...hehehehe.
May mga naririnig akong nagtatawanan. Tumingin ako sa paligid . Wala Naman .
Hehehehe hehehehe
Meron uli .
Pinakinggan kong mabuti kung saan galing ang mga tinig na iyon .
Napagtanto kung nasa tubig ... Nagulat ako .
Tinitigan kong mabuti ang tubig nang ...
Woossshhhh
Biglang gumalaw ang tubig pataas at Saka bumaba rin.
Ano iyon?
Hindi ko napigilang lumusong sa tubig upang tingnan ang nasa ilalim nito
..
Pagkalublob ko ng ulo ko , iminulat ko ang aking mata , nagulat ako ng Malaya akong nakakahinga ... Para akong isDA..Tumingin ko sa paligid at wala namang kakaiba sa ilalim ng tubig kaya napag pasyahan kong umahon .
Paano ko nagawa iyon?
Paano ako nakahinga ng Malaya sa ilalim ?
Ah siguro , may mahika ang lugar na Ito . Hindi Naman nakakapagtaka Kasi kakaibang Mundo ito Hindi kagaya o malayo sa lugar na kinalakihan ko .
______________
Naglalakad ako sa school ng bigla nalang akong may naamoy. Ngayon ko lang ito naamoy ...
Ang Dami, iba iba ... Ano ba ito?
Ano bang nangyayari sa akin ... Una , sa libro ni Liana , tapos mga ibat ibang bagay na narinig ko ng napakalakas kahit mukhang malayo, tapos sa tubig , tapos ngayon sa mga naaamoy ko. Ano ba? Nababaliw na ba ako ?
_____________
Delmon's POV
"Mahal na Hari ," si Darko ang aking Dark visionist .
Tumingin ako sa kanya .
" Mahal na Hari, may Nakita po ako sa aking vision. Isang babae ... Actually, dalaga ang mamumuno sa Hellvendale"
Natawa ako
"Shempre Naman, dahil ipapasa ko ang trono sa aking pinakamamahal na anak pag dating ng takdang Panahon"
"Ngunit ,Mahal na Hari, Hindi po ang Mahal na prinsesa ang Nakita ko. Ibang babae po , ibang iba ang pisikal na hitsura nito sakaniya ngunit Hindi po Nakita ang kanyang mukha "
Nangunot ang aking noo.
"What are you saying? This place belongs to me and for my family only . Walang makakakuha nito . Wala"
Tahimik si Darko .
" Darko" ako
"Opo Mahal na Hari?" Sagot sa akin ni Darko
" Wala ka bang makitang pagkakakilanlan sa kaniya ?" Tanong ko para mas malinaw .
"Ahh , wala po maliban sa lugar . Sa Hellvendale University po siya .. mukhang studyante siya doon " sagot nito sa akin.
Sa university siya nag aaral. Mapapadali ito.Ngunit Nangunot ang noo ko. Kailangan kong mahanap ang taong iyon at para tapusin ang kanyang buhay habang maaga pa. Habang ako pa ang namumuno sa Vampire Kingdom .
"Darko, anong pwede kung gawin o hanapin o tingnan para makilala siya .?"
.....
.....
Continue next part
Bratbutterfly
BINABASA MO ANG
My Unknown World
Fantasywhat if mapunta ka sa lugar na Hindi aakalaing meron pala ?