Chapter Three

945 42 1
                                    

NAPAPAILING na lamang si Margarette at iba pang kasama sa trabaho habang nagkukuwento ang kaibigan nilang si Cloelia Kielle. Her friend looked so bothered. Kaninang pagkarating pa lamang nila sa studio ay pansin na nilang lahat ang tila namomroblemang itsura ni Cloe. At hanggang shoot break ay hindi pa rin nahuhulasan iyon.

“Hindi ko naman alam! Hindi ko naman sinasadya na siya ang napagbintangan ko no’ng time na ‘yon! Nag-sorry naman ako pero talagang mabigat pa yata ang loob niya,” pagkukwento ni Cloe na ang tinutukoy ay ang anak ng boss nila sa Rising Star. Galing sa ibang bansa si Sir Sebastian Roman at umuwi ng bansa upang tulungan ang ama nito sa pamamahala ng agency.

Margarette is a part of the trending girl group, Girlfriends. Isang fashion magazine rin ang Girlfriends na hinahawakan ng Rising Star agency. RS is the leading talent and modeling agency in the country. Karamihan sa sumisikat na artista sa industriya ay alaga ng Rising Star. Bilang mapasama si Margarette sa kompanya ay napakalaking karangalan sa kanya.

Nagtatrabaho na noon si Margarette sa Happy FM nang madiskubre ni Madam Chay—isa sa talent manager ng Rising Star. Naroon ito sa Happy FM ng mga panahong iyon upang i-promote ang live fashion show ng mga modelo ng Rising Star sa Mall of Asia. Nagkasalubong sila noon ni Madam Chay sa hallway at agad nitong tinanong kung kinokonsidera niya bang maging modelo. Marami ang nagsasabi kay Margarette—kahit pa noong kolehiyo— na model material ang aura niya. But she didn’t pursue being a model because she wanted to be a DJ. Pero ang sabi ni Madam Chay, hindi naman maisasaalang-alang ang pagiging DJ ni Margarette dahil titingnan lang naman muna ng management kung magagawa niyang mag-project sa harap ng camera.

And so, she tried the offer. Wala namang mawawala. Dagdag-income rin iyon kung tutuusin. Hindi naman naapektuhan ang trabaho ni Margarette sa Happy FM dahil tatlong beses lang naman sa isang linggo umeere ang Hotline Love Bling. Dahil nasa probation status pa si Margarette sa Rising Star ay hindi rin naman araw-araw ang trabaho niya roon. On-call lang.

Hanggang sa tumunog ang nilulutong next generation ng Rising Star na Girlfriends. Isinala ang mga modelo sa kung sino ang mapapabilang na sampung resident models sa girl group na iyon. That time, Margarette didn’t realize that she’s starting to love her job as a model as much as she loves her work as a DJ. Marami kasi siyang kaibigan sa agency at mabait pa ang management na bumubuo niyon. Kaya nang sabihin sa kanya ni Madam Chay na kasama siya sa pinamimilian ay laking tuwa na kaagad ni Margarette. Of course, who wouldn’t know Girlfriends? Lahat nang napabilang sa trend na iyon ay nakikilala hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba’t-ibang parte ng mundo.

Dalawampung modelo ang isinalang noon sa training. Sampu ang kukunin para sa sunod na batch ng Girlfriends. And she was blessed to be one of the chosen.

People say that when you love what you do, you do what you love regardless of anything. Kaya kahit dala-dalawa ang trabaho ni Margarette ay nararamdaman pa rin niya sa sarili ang fulfillment dahil gusto niya ang ginagawa. Nasa Rising Star siya sa umaga at tatlong gabi naman sa isang linggo ay nasa Happy FM siya. It wasn’t actually exhausting because there’s no conflict in schedule. Nakakatulog pa rin siya ng mahimbing araw-araw at hindi siya napagkakaitan ng social life.

“Hayaan mo na. Baka nag-o-overreact ka lang,” sabi ni Margarette habang kumakain ng Corn Bits.

“Overreact, friend? Hindi mo ba nakita kung paano niya ako tingnan kanina? Sigurado ako na tanda niya pa na ako ‘yong sumira sa supposed-to-be lovelife niya!” Ngumuso si Cloe at umaktong parang nasusuka. Hindi nila naiwasang sabay-sabay na matawa dahil sa reaksyon nito.

Humagikhik si Siena. “Baka naman mag-resign ka dahil diyan, ah?” biro nito upang pagaanin lang ang pagpa-panic na nararamdaman ng kaibigan nila.

Tumawa si Cloe. “Nako-consider ko na nga.”

Naagaw ni Estrella ang atensyon ni Margarette nang kalabitin siya nito. “Marge, si Rocco iyon, 'di ba?”

Girlfriends 4: The On-Air Affair (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon