Chapter Twelve

860 40 1
                                    

NAKATAMBAY lang sa studio ng Rising Star si Margarette at mga kaibigan niya habang hinihintay ang mga staff na nagfa-finalize ng mga plano para sa charity event nila mamaya.

Taon-taon ay nagkakaroon ng outreach program ang Rising Star. Iyon ang paraan ng management para ipamahagi ang natatanggap na biyaya sa iba. Sa mga children orphanage at home for the aged madalas ginaganap ang event. At ngayong taon ay sa Little Stars Children Haven naman sila maghahandog ng regalo. Hindi naman mandatory ang pagsama ng mga talents pero mula nang pumasok si Margarette at ang mga kaibigan niya sa Rising Star ay talagang lumalahok sila sa programa.

“May blooming talaga,” out-of-the blue ay nagsalita si Champagne. Hindi niya iyon pinansin dahil abalang-abala siya sa paglalaro ng Temple Run sa kanyang cellphone. “Ang blooming mo, Ate Marge. May iba talaga sa’yo ngayon. I wonder why…” untag sa kanya ni Champagne. Tumigil sa kanya-kanyang kuwentuhan ang mga kaibigan niya dahil sa sinabi ni Champagne. Natigil siya sa paglalaro sa cellphone at kunot-noong bumaling sa katabi.

“Ano na naman ‘yan, Champagne?”

Tumawa ito. “Napapansin ko lang. Iba ang glow ng mga mata mo. Parang nakikisabay kila Ate Muse, Ate Chesca, at Yhen. Inlove ka rin ba?”

“Kanino? Kay DJ Rocco Gwapito?” pang-iintriga agad ni Cloelia na sumulpot mula sa kung saan. Kanina ay nakita niya itong kasama si Sir Sebastian. Nagtataka na nga si Margarette kung bakit madalas yatang magkasama ang dalawa. Pero syempre, kung gayong nakatutok na naman sa kanya ang atensyon ng mga ito ay mientras na pansinin pa ng mga kaibigan ang iniisip niya.

“Hindi na ako magugulat. Hinihintay ko na nga lang na maging totohanan ‘yang ginagawa nila,” nakangising saad naman ni Estrella.

“Wala na yata akong naririnig na may balak ka pang bawiin ang sinabi ni Alfred tungkol sa inyo ni Rocco, ah? Wala na bang dapat bawiin?” pagsegunda naman ni Marinela.

“Ako na naman ang nakita niyo! ‘Wag kayong mag-conclude agad ng mga ganyan,” napapailing niyang sagot.

“Concluding? Talaga ba? Mahirap mag-conclude kung walang basehan. Kung lahat kami nakakapansin, baka nga may kahina-hinala na,” hirit ni Champagne bago itinaas-baba ang mga kilay na halatang nang-aasar.

“Hindi naman porke kung anong napapansin ay iyon na ang nangyayari,” sagot ni Margarette bago sumandal sa headrest ng sofang inuupuan.

“Talaga, ha? Eh, parang hindi na nga pagpapanggap ang nakikita ko, eh. Lalo na iyong nakita ko noong nakaraan sa sala ng bahay natin,” Napasulyap si Margarette kay Yhen na naglalaro ang kapilyahan sa mga mata.

“Ano ‘yon?”

“Sabihin mo na, Yhen!”

“OMG! Tama ba ang naiisip ko?” Nagsabay-sabay ang tanong ng mga kaibigan niya kay Yhen. Napaikot ni Margarette ang mga mata dahil sa excitement ng mga ito.

“Muntik na! Muntik na silang maghalikan!”

Kahit walang iniinom o kinakain ay nasamid si Margarette dahil sa ibinulalas ni Yhen. Napangiwi siya nang magtilian ang mga kasama. Ang ilang staffs na nag-uusap sa loob ng studio ay gulat na napabaling sa kanila.

“What? Really? Bakit ‘muntik’ lang?” tila sobra-sobra ang panghihinayang ni Brianne nang sabihin iyon.

“Inalalayan lang ako ni Rocco dahil muntik na akong masubsob. That’s it,” napapapalatak na sagot niya.

“Bakit nasa inyo si Rocco?” tanong ni Siena.

“Sinusuyo niya si Margarette,” si Yhen ang sumagot. Hindi pa nakontento ay kinuwento pa ng kaibigan niya ang nangyari mula nang bigyan siya ni Rocco ng concert ticket hanggang noong gabi na pumunta nga ito sa kanila.

“Oh my gosh! That’s so sweet!” komento ni Muse na nakahawak pa sa magkabilang pisngi nito.

“Iba na nga talaga ‘to,” konklusyon ni Champagne na sinamahan pa nang pagtango-tango.

Umiling siya. “Hindi. Ano ba kayo!”

“Ah, oo. Kasi sasabihin mo na naman na may ibang babae sa buhay ni Rocco?” tanong ni Champagne. Kung pwede lang na umalis at maghanap nang ibang pagkakaabalahan ay ginawa na ni Margarette. Kaya lang ay nakapaligid sa kanya ang mga kaibigan na tila suportadong-suportado ang mga sinasabi ni Champagne.

“Sapat na ang rason na ‘yon. Bakit ko naman papahirapan ang sarili ko, 'di ba? Alam kong babagsak lang ako sa huli, bakit pa ako tatalon?”

“Tumalon ka na… hindi mo lang alam,” napapahagikhik na sagot ni Champagne. “At hindi mo ‘yon mari-realize hangga’t hindi mo nararamdamang masakit na pala,” kibit-balikat na wika ni Champagne.

“Champ, really, give it up!” natatawa niyang wika.

“You know Champagne, Marge. Hindi pa nagkakamali ‘yan sa mga pinagsasasabi niya,” naaaliw na komento ni Chesca.

“Sa ganyang case, Ate Marge, laging may isang mahuhulog. You should know that. Para saan pa ang pagiging love expert mo?” hirit ulit ni Champagne.

“Exactly. Kaya nga alam kong hindi dapat,” depensa niya.

“No one really knows the nature of falling in love, Ate Marge. Iyon ang isang bagay na kahit pag-aralan mong pigilan, hinding-hindi mo matututunan. Kapag nahulog ka, nahulog ka. Kahit anong sitwasyon pa ‘yan. Minsan naman kasi nasa harap mo na ang katotohan na ‘yon pero pinipili mong magbulag-bulagan.”

Namangha siya. “Really? Gusto niyong mahulog ako sa isang taong nahuhumaling sa iba? Gusto niyo ba akong makitang miserable?”

“Hindi naman ganoon ang nakikita ko, eh,” komento ni Yhen. “Kung ako si DJ Rocco at matagal kong hindi nakikita ang babaeng hinihintay ko, basta alam ko sa sarili ko na siya lang, hindi ako papasok sa ganitong sitwasyon, Marge. Lalong hindi ko tatangkain na humalik sa iba o bumisita ng madalas sa bahay ng iba.”

“May point,” agarang segunda ni Siena na ikinatango naman ng iba. “Feeling ko, kapag tumagal pa ‘yan, mahihirapan ka na lalong lumabas, Marge.”

“That is… kung gusto niya pang lumabas,” makahulugang wika ni Champagne.

“Yeah. Lalo na kung ang text sa’yo ng taong iyon, ‘Good morning, Margarette Elice. 'Wag mong kalilimutang kumain, ah. Take care!’” Nanlaki ang mga mata ni Margarette nang makitang hawak na ni Brianne ang cellphone niya. Kung paano nito napuslit iyon ay hindi niya namalayan. Mabilis na hinablot ni Margarette ang cellphone at nakita ang bagong dating na text ni Rocco. Nagtawanan ang sutil niyang mga kaibigan.

“I love you na lang ang kulang, ah,” Humagalpak pa ng tawa si Chesca sa sinabi nito.

“At kung talagang loyal si DJ Rocco sa paghihintay sa babaeng sinasabi niya, hindi dapat siya nagpapadala ng ganyang text sa’yo. It could lead to assumptions, you know,” napapailing na tawa ni Champagne bago nakipag-high five sa mga kaibigan nila.

“Hindi ako umaasa, no!”

Nagpalitan nang makahulugang mga tingin ang mga kaibigan niya na ikinailing ni Margarette. It was just a friendly text. Pwede namang mag-text nang ganoon ang isang kaibigan. Hindi niya dapat lagyan ng malisya ang maliit na bagay tulad niyon. Sadyang ganoon lang ang ugali nito. Tama si Champ. She should knew better. She should know where to stand. At ang paglalagay ng kahulugan sa mga kilos at salita ni Rocco ang magpapahamak sa sariling emosyon. Mas masakit naman kasi ang mahulog sa isang bagay na alam mong masakit pero itinuloy mo pa rin.

Maybe she was just overwhelmed. Kung anuman ang maliligalig na nararamdaman ni Margarette sa loob ay walang malalim na kahulugan. Naninibago lang siya. Strange things tend to be overwhelming. Isa si Rocco sa mga iyon. Ito ang imahe ng lalaking hinahanap ni Margarette sa mga naging dating kasintahan. Natural lang na magkakaroon siya ng ibang pakiramdam. Pero hindi pag-ibig. Hindi dapat.

Rocco’s heart is something that she couldn’t touch… or else, she’ll get burnt.

Girlfriends 4: The On-Air Affair (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon