Chapter Five

883 41 3
                                    

"WOW! DJ Rocco and DJ Margaux finally together is all over my news feed, Marge!"

Muling napahilot sa sentido si Margarette nang marinig ang sinabi ni Yhen habang abala ito sa pagtitipa ng cellphone. Sinamahan niya ang kaibigan sa salon dahil off nila ngayon. Ngunit mamaya ay may shift siya sa station. At kanina pa pinag-iisipan ni Margarette kung papasok siya o gagawa na lang ng kahit anong valid reason para maka-absent. Masyado siyang windang ngayon dahil sa kumakalat na issue sa kanila ni Rocco. Hindi niya akalain na lalaki ng ganoon ang out-of-the-spur niyang pakana noong isang gabi sa party!

"Yhen!" bulalas niya bago naihilamos ang mga palad sa mukha. Inilagay ni Margarette ang hintuturo sa nakatikom na bibig dahil baka marinig ng mga naroon. Buti na lamang at silang dalawa lang ni Yhen ang kasalukuyang kostumer ng salon. Pero kanina, pagdating nila ay nakilala kaagad sila ng mga empleyado. May ilan pa na kinikilig habang sinasabi na nabalitaan daw ng mga ito ang tungkol sa kanila ni Rocco. Walang ibang nagawa si Margarette kundi ngumisi ng hilaw. Pakiramdam niya ay tatamaan siya ng kidlat ng mga oras na iyon. Mabuti na lamang at hindi na nag-usisa pa ang mga ito.

Tumango si Margarette at nag-peace sign. "Luka-luka ka kasi! Alam mo namang public figure rin si Rocco at ina-anticipate ng mga fans niyo ang tungkol sa relasyon niyo. Siya pa talaga ang napili mo," napapataklang sabi ni Yhen. Nang pumutok ang issue kagabi at binomba siya ng mga tanong ng kaibigan ay ikinuwento rin naman ni Margarette ang buong nangyari.

Nagkaroon ng interview si Alfred kahapon sa isang talkshow para sa upcoming movie na isa ito sa cast. Kasama ni Alfred ang girlfriend-- o isa sa mga girlfriend-- nito na si Pearl. Alam ng mga tao kung gaano ka-babaero si Alfred. Pero tila naging asset pa nito iyon sa madla. Really, what's with the playboy title? At dahil hindi naman sikreto ang relasyon nila ay naitanong ng host ang tungkol doon.

"We're civil with each other. In fact, I met his boyfriend yesterday. Rocco Roque. Kilala ko siya. The famous DJ," sagot ni Alfred.

Nanlaki ang mga mata ng host. "Miss Margarette's partner in Hotline Love Bling? Pero matagal nang itinatanong iyon sa kanya. Pero sinasabi ni Miss Margarette na wala talaga silang relasyon."

"They do, Miss Cha. Si Margarette mismo ang nagpakilala sa akin na boyfriend niya si Rocco Roque."

Mariing napapikit si Marge nang maalala ang mga sinabi ni Alfred. Hindi pa nga niya malalaman ang tungkol sa interview na iyon kung hindi lang sunod-sunod na nag-text ang mga kaibigan niya kagabi. Noong una ay hindi pa siya naniniwala. Pero nang i-check ni Margarette sa YouTube ang interview ay nawindang siya.

Why, she's not overreacting but that would definitely make a mess! Bukod sa kanya, maaari pang madala ang pangalan ng Rising Star at Happy FM, pati ang personal na buhay ni Rocco. All because of her blatant lie.

Hindi na nagawang magsabi ni Margarette kay Rocco kung bakit bigla itong nadamay sa istorya niya. Nang iwan kasi sila ni Alfred ay saka napagtanto ni Margarette ang nakakahiyang ginawa. Iniwan niya ito at tinakasan ang sitwasyon. It was wrong, she knew. But Margarette felt so embarrassed! Nahihiya siya sa maaaring isipin ni Rocco ng mga oras na iyon. Why, she claimed that she hates his co-DJ! Tapos biglang boyfriend niya ito! Kung hindi ba naman talaga siya may saltik! Masyado siyang nagpadala na mapamukhaan din ang damuhong Alfred na 'yon. Her pride got on the surface. Ngayon tuloy ay naharap niya ang konsikuwensya nang padalus-dalos na mga salita.

Hindi pa niya nakakausap si Rocco. Pero sigurado si Margarette na alam na nitong naging viral iyon. Trending topic na ang balita sa social media!

"Sabihin mo na lang na nag-break kayo?" suhestiyon ni Yhen.

Napangiwi siya. "Buti sana kung ganoon kadali, eh. Okay lang sana kung ako lang ang maaapektuhan. Pero madadala ang pangalan ng Rising Star at Happy FM. Kahit si Rocco. Paano na lang kung malaman iyon ng mahal niya?"

Girlfriends 4: The On-Air Affair (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon