PAGKAGISING pa lamang ni Margarette kinaumagahan ay puro ngisi na ng mga kaibigan ang bumungad sa kanya. Habang ipinapagsawa ni Margarette ang mga mata sa sea of clouds ng Mount Daraitan ay siya naman ang ginawang atraksyon ng mga kasama dahil sa nakakalokong tingin ng mga ito.
“Tulog pa si Rocco,” ngising-ngisi na sabi ni Yhen sa kanya. Sa pagbanggit pa lamang ng pangalan ni Rocco ay naramdaman na ni Margarette ang pag-iinit ng mga pisngi. The memory of the kiss is still vivid to her that she could almost still feel his lips on hers. But that magic didn’t last long. Dahil pagkatapos aminin ni Margarette sa sarili ang totoong nararamdaman kagabi ay mabilis siyang kumawala kay Rocco at walang paalam na tinalikuran ito. She had been honest with herself. Pero kahit pa malinaw na ang pakiramdam na iyon ay hindi niya pa rin matanggap na natraydor siya ng sariling damdamin!Falling in love with Rocco is definitely out of Margarette’s plan. Umpisa pa lang ay alam na niya sa sarili na hindi iyon ang dapat maramdaman. She’s out of Rocco’s league, too. Hindi siya ang babaeng gusto nitong makasama at pinangakuan nitong hihintayin hanggang magbalik. Pero ngayon ay siya na mismo ang bumali sa sariling paninindigan. Siya mismo ang naglagay ng sariling puso sa alanganin. Siya mismo ang nakaambang magbigay ng sakit sa damdamin. Damn! Why do people often fall in love with someone they can’t have? Bakit ba mas laging nananalo ang siya pang komplikado? Bakit ginugusto ng puso ang hindi dapat?
Siguro ay nadala lang si Rocco kagabi kaya nangyari ang halik na iyon pero hindi ibig sabihin ay may dapat siyang asahan sapagkat umpisa pa lang, alam na dapat niya kung saan lulugar. Well, maybe she knew but then her heart chose to mess everything up! Sa halip na si Margarette ang magpasunod sa puso niya ay siya ang naging alipin niyon. Siya ang bumigay! And she didn’t realize it would… hurt like this. Iyon nga lang magmahal sa taong hindi ka mahal ay masakit na, paano pa ang mahalin ang taong umpisa pa lang ay alam mong hindi ka mamahalin?
“Tulala ka?” untag sa kanya ni Cloe. Napakurap si Margarette at nakitang pinapanood siya ng mga kaibigan. Hinagilap ni Margarette sa utak kung ano ang huli nilang pinag-usapan.
“A-ah… sayang naman kung ganoon. H-hindi… hindi niya nakita ang sea of clouds,” aniya bago pagak na tumawa. Bumaba si Margarette sa kinatutuntungang bato upang bumalik sa tent at ayusin ang mga gamit dahil mamaya ay tutungo na sila sa Tinipak River.
“Nakita niya. Gising na kami ay nandiyan pa rin si Rocco sa labas at parang may malalim na iniisip. May nangyari ba kagabi?” makahulugang tanong ni Bench.
“Wala! Ano naman ang mangyayari?” napalakas ang boses na wika ni Margarette. Inirapan niya ito. Nilagpasan ni Margarette ang mga kaibigan. Saktong madadaanan ni Margarette ang tent kung nasaan si Rocco ay siyang paglabas naman ng huli. Bumagal ang paglalakad ni Margarette hanggang magkasalubong sila ni Rocco. A confrontation is not really the best thing to do now. Ni hindi nga niya matingnan si Rocco nang hindi naaalala ang nangyari kagabi!
Pero mukhang sinusulit naman ng tadhana ang pakikipaglaro kay Margarette dahil nang mapadaan siya sa gilid ni Rocco ay hinawakan nito ang braso niya dahilan para mapatigil siya ng lakad.
“Hey…” malambing na tawag nito. Hindi alam ni Rocco kung gaano niya ito kagustong singhalan dahil sa paraan nito nang pakikitungo sa kanya matapos ang nangyari. Ayaw niyang umasa pero kung ganito ang Rocco na haharap sa kanya ay hindi maiiwasan ng puso ni Margarette na baka meron. Baka… pwede. Baka posible… kahit kaunti. But then…
She doesn’t want to hope for anything, to complicate, or to destroy everything. Bagaman totoo na ang mga pusong nagmamahal ay gustong mabigyan ng katugon, may mga pagkakataon na magmamahal ang isang tao nang hindi aasa sa kahit anong kapalit. Hindi dahil malabo pa o imposible na ngunit mas makakabuting hanggang doon na lamang. Ang magmahal hangga’t kaya pa, hangga’t pwede pa, hangga’t mapagod na ang puso na masaktan.
BINABASA MO ANG
Girlfriends 4: The On-Air Affair (To Be Published Under PHR)
RomanceThe 25th Curse. Iyon ang pinaniwalaang dahilan ni Margarette kung bakit puro palpak ang mga relasyong napasukan niya. After her recent fail, she began to accept that maybe, the love she wanted isn't really meant for her. Baka kung hindi nauubusan ay...