Chapter Nineteen

884 35 0
                                    

FRUSTRATED na naihilamos ni Rocco ang mga kamay sa kanyang mukha nang sa hindi mabilang na pagkakataon ay network operator lang ang sumasagot sa mga tawag niya kay Margarette.

“Give her time, brother. Siguro pagkatapos nang ginawa niyang pag-amin, ikaw ang huling tao na gusto niyang makausap,” wika ni Ate Shiloh na prenteng nakaupo lamang sa sofa habang nagbabasa ng libro. May sariling unit ang kapatid ni Rocco dito sa Maynila pero dahil babalik na ito sa New York sa susunod na linggo ay doon na ito nanatili sa unit niya upang makasama siya.

“Kailangan ko siyang makausap, Ate,” giit ni Rocco habang sinusubukan muling kontakin si Margarette dahil sa sobrang pag-aalala niya rito.

Nang mapanood ni Rocco ang interview ni Margarette sa isang sikat na talk show ay ngalingaling liparin niya ang patungo roon para lamang madaluhan ito. Ni wala siyang kaalam-alam na gagawin iyon ni Margarette! Kung hindi pa siya naitext ng isang katrabaho sa station ay hindi niya pa iyon malalaman. Sure he knew that Margarette would admit it sooner or later. Pero hindi naman niya akalaing sa ganoong paraan nito aaminin ang lahat.

Ang gustong mangyari ni Rocco ay aamin silang dalawa nang magkasama pero sa halip ay sinalo ni Margarette ang lahat! At tuwing naiisip ni Rocco na nahirapan ito sa bawat pagsagot sa mga tanong ay mas nahihirapan siya dahil hindi dapat nag-iisa si Margarette sa pagkakataong iyon! He should be there too because he’s the one who suggested to push the pretension through! His Margarette is taking all the blame when he would willingly carry it for her. Tatanggapin niya ang lahat ng hirap huwag lamang masaktan ang babaeng mahal niya.

“Hindi ka rin haharapin ni Margarette, Rocco. Come on, brother. Don’t be so stubborn and impulsive. Hayaan mo muna siyang mapag-isa. Hindi pa ba sapat na alam mong mahal ka talaga niya?” sabi pa ni Ate Shiloh na hindi naman mukhang nababahala habang siya ay hindi na mapakali.

“At pagkatapos, tatalikuran niya na ako? No way!” matigas niyang sagot. Noong hindi pa nga alam ni Rocco na may nararamdaman sa kanya si Margarette ay handa siyang suyuin ito sa kahit anong paraan, paano pa kaya ngayong parehas sila nang nararamdaman? Sinubukan niya pa ngang tikisin ito noong manggaling sila sa Tanay pero siya rin ang hindi nakatiis dahil ngayon ay siya pa rin ang humahabol dito. Hindi siya papayag na isusuko lang siya nito nang ganoon na lang! It would take heavens and hells before he gave her up.

Never had Rocco imagined that he would be totally caught up by a girl. Bullseye ang pagkakasapol ni Margarette sa puso niya! Ang akala ni Rocco ay babae lang ang posibleng maging sobrang emotionally attached. Pero ngayon ay para siyang high school student na hibang na hibang magpapansin sa crush. Ni hindi niya inakalang babae pala ang makakapagpatiklop sa kanya nang ganoon! Hindi niya naisip na posible palang kayang-kaya ng isang tao na ibigay ang kanyang buong mundo sa taong minamahal.

Noong una ay naaaliw lang siya kay Margarette dahil sa pagiging “free spirit but short tempered” nito lalo na kapag nacha-challenge ang dalaga sa mga opinyon niya. Kapag napikon ang dalaga ay talagang hindi ito nagpapatalo. Margarette may be soft looking but she has a really strong personality. A personality that was enough to make him bend. Namamangha si Rocco sa kung paano manindigan si Margarette sa mga sinasabi nito tuwing nagtatalo sila. Minsan nga ay gusto ni Rocco na hilahin ang mga araw kung saan umeere ang programa nilang Hotline Love Bling para lang marinig ang mga litanya ni Margarette tuwing naiinis na ito sa mga sinasabi niya.

Hanggang sa ipakilala siya ni Margarette bilang nobyo sa ex-boyfriend nito. That was the least thing he had expected Margarette to do. At sa halip na paliwanagan siya ay nag-walk out lamang si Margarette sa kanya! That woman was really something! Matapos siyang maidamay ay basta na lamang siyang nilayasan. Ni hindi malaman ni Rocco kung paano niya pakikiharapan ang mga taong tinatanong siya tungkol doon dahil hindi rin niya alam kung ano ang dahilan at ginawa iyon ni Margarette. Lalo pa at alam ni Rocco na hindi “in good terms” si Margarette sa kanya.

Girlfriends 4: The On-Air Affair (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon