Chapter Ten

930 41 7
                                    

“PAANO mo nalaman iyong tungkol sa Above Up?”

Nag-angat ng tingin si Rocco mula sa hinihiwa nitong karne nang magtanong siya. Inimbitahan ni Margarette si Rocco na kumain sa bagong bukas na grilling restaurant na malapit sa MHC Building. Dapat ay magkikita na lamang sila doon ngunit hindi inasahan ni Margarette ang pagsundo ni Rocco sa kanya sa bahay nila kanina. Ililibre niya dapat si Rocco dahil sa ibinigay nitong ticket pero hindi ito pumayag. Nagtalo pa siladahil talagang hindi nagpatinag si Rocco. Ayaw daw nito na nililibre ng babae. Sa huli ay ito na rin ang hinayaan niyang masunod.

“Nakikita ko ang reaksyon mo tuwing binabanggit mo sa segment natin ang tungkol doon. Naghuhugis-puso ang mga mata mo,” natatawang sagot ni Rocco bago ito umiling-iling.

Ngumuso siya. “Ano’ng nakakatawa?”

“Bakit patay na patay ka sa bandang ‘yon? Gwapo lang naman sila at magaling kumanta,” kunot-noong tanong ni Rocco.

“Ayan, sinabi mo na. Gwapo na sila, talented pa,” Hindi naiwasan ni Margarette na ilabas ang kilig sa kanyang pagngiti.

“Oh, gwapo rin naman ako at talented. Bakit hindi ka patay na patay sa akin?”

Tinaasan niya ito ng isang kilay. Ipinagsawalang-bahala ni Margarette ang biglaang pagrigodon ng dibdib dahil sa tanong ni Rocco. Inisip niya na lang na parte iyon ng kalokohan nito.

“Kasi hindi ko sila kilala. I mean, hindi ko masyadong alam ang personal na buhay nila outside the band. Eh, ikaw… kilala na kita. It’s not safe to be in love with you.”

What the…? Sa’n galing ‘yon? Agad na saway ni Margarette sa sarili.

“It’s not safe? Bakit? Hindi naman ako nangangagat,” naaaliw na wika nito.

“Kung hindi ko pa alam na may Viana ka, iisipin ko talaga na babaero ka. You have the guts of flirting,” napapailing na sagot niya.

“You think I’m flirting with you?” namamanghang tanong nito. “Nagtatanong lang ako, Margarette.”

Naramdaman ni Margarette ang matinding pag-iinit ng mga pisngi. May punto si Rocco. Ang layo na nga kaagad nang tinakbo ng utak niya. Bakit nga naman siya lalandiin? Ano’ng pumasok sa kukote niya para magkaroon nang ganoong konklusyon?

“Observation ko lang ‘yon, Rocco. Wala akong sinabing nilalandi mo ako,” Inirapan niya ito.

“Talaga kayong mga babae. Hahanap at hahanap nang mailulusot kapag napapahiya kayo,” ani Rocco bago binalikan ang hinihiwa nitong karne. Tila ba may nakakatuwa sa karneng iyon dahil ngising-ngisi ito. Muling napaikot ni Margarette ang mga mata at itinutok ang tingin niya sa sariling pinggan. Akmang ihihiwa pa lamang ni Margarette ang kutsilyo sa karne ay kinuha ni Rocco ang plato niya at ang nahiwa na nito ang ibinigay sa kanya.

“Ano ‘to?”

“Pagkain,” namimilosopong sagot ni Rocco bago tumawa. “Kumain ka na.” dugtong ni Rocco bago hinarap ang plato niyang kinuha nito.

Tila nahipan ng masamang hangin si Margarette dahil hinayaan niyang magtagal ang tingin kay Rocco. Habang tumatagal ay nakikita ni Yhen ang mga ugali nitong bulag siyang tingnan noon. Right, of course, she hates everything about him! Lalo lang siyang nabuwisit nang pakialaman ni Rocco ang hiling niya sa fountain noon. It was too childish of her to think that way, alright. Pero simula kasi noon ay talagang palpak na lahat ng relasyong napasukan niya. She assumed that Rocco is a curse for her too.

Pero ngayon ay unti-unti na niyang nakikilala ang totoong Rocco sa likod ng lahat nang pang-aalaska at pamimilosopo nito sa kanya. He could be gentleman and all that. Kung tutuusin ay hindi ito mahirap makasundo. He’s a good person to count on. Sa pagpayag pa lang nito sa setup nila ay malaking utang na loob na niya kay Rocco. Hindi basta-basta iyon lalo pa’t may pangalan ding inaalagaan ito. But then he chose to keep up with her.

Girlfriends 4: The On-Air Affair (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon