Chapter Fifteen

899 41 6
                                    

“KAYA PA?”

Habol ni Margarette ang hininga habang nakasampa ang isa niyang paa sa malaking bato at nasa itaas si Rocco na nakalahad ang kamay sa kanya. Pakiramdam ni Margarette ay nagpipenitensya na siya sa sobrang hirap sa pag-akyat ng Bundok Daraitan. Akala niya ay katulad lang nang matarik at medyo malubak na dinadaanan nila kanina ang lalakaran kaya tiwalang-tiwala si Margarette sa sarili na hindi gaanong mahihirapan.

Pero habang palayo nang palayo ang nilalakbay nila ay pahirap nang pahirap na rin ang daan. To think that they don’t even reach the half of the climb yet! The steeping trails are tricky muddy and rocky. Ilang beses na muntik siyang maligdas sa pagkakatalisod sa mga matutulis at malalaking bato na tila walang katapusan. There were wooden bars on both sides of the trail that serve as supports but those weren’t any help for her. Kahit ang mga sanga ay nahihirapan din siyang hawakan dahil baka bumigay din ang mga iyon sa pwersa niya. Kung hindi lang dahil sa pasensyosong pag-alalay sa kanya ni Rocco ay baka gumulong na si Margarette pabalik sa paanan ng bundok.

Inangat ni Margarette ang sarili at hinawakan ang kamay ni Rocco. Nakahawak si Rocco sa malaking puno ng sanga para hindi ito mabuwal. Nang maisampa ni Margarette ang sarili ay muntik na naman siyang masubsob kung hindi lamang niya nayakap si Rocco. Mahigpit nitong hinawakan ang baywang niya at ibinalanse ang sarili para hindi sila matumba.

“Okay ka lang?” masuyong tanong nito bago basta na lamang ipinadaan ang daliri sa kanyang pisngi na tila may tinatanggal na kung ano. She probably looks like a mess now! Samantalang si Rocco ay hindi naman mukhang pinagsakluban ng langit at lupa kahit pa tagaktak din ang pawis nito. Kahit ang mga kaibigan niyang nauuna sa kanila ay nagtatawanan pa sa bawat pagtapak sa mga bato o kaya’y pagpili sa hahawakang sanga. Parang siya lang ang kawawang-kawawa roon.

“Wala pa tayo sa kalahati, 'di ba? Gaano pa kalayo?” tanong niya kay Rocco dahil halos dalawang oras na silang naglalakad. Nadaanan na nila ang Station 1 kung saan may mga tent nang nakatayo. Iyon daw ang unang camping site at ang sunod ay sa summit na ng bundok.

“Mga isa’t kalahati hanggang dalawang oras pa sabi ng tour guide kanina,” ani Rocco na ikinabagsak ng balikat niya. Tumawa ito. “'Wag kang mag-alala, hindi naman kita pababayaan. 'Wag mo na lang isipin na malayo pa. Just enjoy the adventure, Margarette.”

“I am,” mabilis na sagot niya bago ipinahid ang palad sa tagaktak na pawis sa noo at leeg. Totoo namang nag-e-enjoy siya sa lakad nilang iyon, sadyang sakit lang ng katawan ang siguradong aabutin niya pagkatapos nito. “You’ll see me climbing as a pro after this.” Pagkasabi pa lamang niyon ni Margarette ay sumala ang pagtapak niya sa isang madulas na bato. Buti na lamang at mabilis dumalo si Rocco at inalalayan siya.

Humalakhak ito, bakas ang pamamangha. “Sure, pansin ko nga,” naaaliw na tugon nito bago marahan siyang hinila. Bago pa mahulaan ni Margarette ang gagawin ni Rocco ay itinaas na nito ang suot na long sleeves at maingat na pinunasan ang pawis sa kanyang noo gamit ang laylayan ng damit nito. Nanigas si Margarette sa kinatatayuan dahil sa ikinilos ni Rocco.

“Lovebirds, huwag kayo diyan maglambingan. Malayo pa ang lalakbayin natin. Marami pa namang oras mamaya,” natatawang tawag sa kanila ni Chesca habang nakahawak sa kamay ng kaibigan ang kuntodo alalay na nobyong si Caige. Hindi napansin ni Margarette na tumigil pala ang mga ito sa pagpanaog dahil hinihintay sila. Tumawa si Rocco at hinawakan ang kamay niya bago sila sumunod. She tried to block her mind from all the thoughts concerning Rocco and her strange raging feelings. Hindi iyon ang oras para pag-isipan niya ng kahulugan ang lahat nang aksyon na ginagawa ni Rocco ngayon. Baka lalo lang siyang mahulog.

Saan? Sa bundok o kay Rocco? Intriga ng isang bahagi ng isip ni Margarette na mabilis niyang pinalis. Itinuon na lang niya ang sarili sa life and death situation na lakaran.

Girlfriends 4: The On-Air Affair (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon